"Ate,bakit kaya hindi tayo mag hire ng bagong chef?".ani Gab sa kapatid habang tinutulungan ito sa kusina."Ha? Bakit naman? Napapagod ka na ba na alalayan ako dito sa kusina?".
"Eh malapit ka ng manganak eh....Tapos nagtatrabaho ka pa rin dito sa kusina,di ba dapat nagpapahinga ka na lang...".
"Kaya pa naman eh..Saka kailangan nating mag save hangga't maaari...ikaw at si Joy nag aaral pa..May pasweldo pa tayo at ito magkakaanak na ako...".
"Pero ate...Don't you think mas magiging okay ang oagbubuntis mo kung may makakatulong ka dito sa kusina or better yet chef na lang para di ka na magluto..kumbaga magsusupervise ka na lang... Pwede ka sa cashier para nakaupo ka lang..less stress pa...".
"Gab..We can't afford t-".
"Ate,listen to me okay? Mas maiigi na yung may chef na tayo para kapag nanganak ka na tuloy tuloy pa rin tayo lalo na magiging hands on ka na rin kay baby...".
"Sabagay may point ka...Ikaw na lang bahala maglagay ng sign na hiring tayo..Ikaw na din ang bahala sa mga magiging applicant...".pagpapaubaya niya sa kapatid.
"Yes boss!".masiglang sagot ni Gab sa kapatid.
Ng mapapayag si Almera ay agad namang inasikaso ni Gab ang paggawa ng sign kung saan hiring sila ng chef. Umaasa siya na makakatulong sa kanila ng malaki ang makukuha nilang aplikante kaya naman titiyakin niyang magaling ang makukuha nila.
***
"Report.".maiksing wika ni Troy ng tawagan niya si Nathan isang umaga.
"Hiring sila ng chef boss....Mukhang hindi na nila pinapakilos masyado si Almera. Dinig ko nung isang araw ay may pagkamaselan daw ang pagbubuntis niya kaya sila kukuha ng bagong cook.".
"Yung pinapatrabaho ko sayo,nalaman mo na ba?".
"Opo boss,nasabi sakin nung isang matanda na dating asawa ni Almera ang nakabuntis sa kanya na ngayon ay wala na silang balita.".
"You mean to say...Ako ang tatay ng bata?".tila nag uumapaw sa ligaya na wika ni Troy.
"Ganun na nga ho Boss..".
"I'm going to be a Dad!! I knew it!!!!".masiglang ulit ni Troy habang tuwang tuwa.
"I'll call you later Nathan,may kakausapin lang ako..".
"Sige boss..".
"Tama ba ang narinig ko? Magiging tatay ka na?".biglang wika ni Emily na kanina pa pala nakikinig sa pakikipag usap ni Troy sa inupahan nitong detective.
"It's none of your business Emily..".malamig na sagot niya.
"Hahaha...It seems like you're forgetting the possibility that maybe....her baby isn't yours...You know,antagal mo na dito sa Florida..Do you ever think na nakapag asawa na siya ng iba or worst nakikipagtalik na siya sa iba't ibang lalaki just to satisfy her lust?".
"Emily... It seems like you're forgetting that you're interfering my personal life which I don't agree!".
"C'mon Troy...Bakit mo pa babalikan ang babaeng yun kung andiyan naman si Charrie na talagang nababagay sayo?".
"Emily,to tell you honestly wala kang pakialam sa personal life ko. Don't you ever dare to manipulate me with your toxic words that I really hate. You ruined my Dad and Mom's marriage by seducing him. You are the f*cking reason why my Mom died and who do you think you are para makialam sa buhay ko?! You're not my Mom and you can't even have my respect!".
"Sumosobra ka na ah! Kasalanan ko ba kung may sakit sa puso ang nanay mo? Besides kagustuhan din ng ama mo na maging kami!".
"How dare you Emily!! Wag na wag mong ipupukol kay Almera ang duming nakapulapol sa buo mong pagkatao dahil ibang iba si Almera sayo. Masyado ka ng nakakasuka kung ihahambing ka sa kanya...Sa oras na malaman kong nangingialam ka sa personal kong buhay sisiguraduhin ko sayong sisipain kita palabas ng bahay! Not because you're older,doesn't mean you deserve respect. Respect is earned not given. And you don't deserve to be respected in any form." .namumula sa galit na wika ni Troy bago nilayasan ang natutulalang si Emily.
Halos magwala sa galit si Troy pagdating niya sa loob ng kwarto niya. Naalala na naman niya kung paanong biglang nagbago ang dati ay masaya nilang pamilya. Simula ng dumating si Emily sa buhay nila ay bigla na lang nanlamig ang ama sa mommy niya na naging sanhi upang magdamdam ang ina niya. Hanggang sa isang araw mabunyag ang relasyon ng mga ito na siyang naging dahilan para atakehin sa puso ang ina na kahit kailan ay hindi niya matatanggap.
"Damn!!".gigil na wika niya habang nakakuyom ang mga kamao. Kinailangan niya munang magpakalma ng ilang minuto bago niya tinawagan ang isa sa mga kaibigan niya na pwede niyang mahingan ng tulong.
***
20weeks of pregnancy....
"Alis muna kami ni Joy... Ikaw muna bahala dito Gab..".
"Sige ate...Naku excited na ako sa magiging baby mo kung ano ang gender..Sana boy para may kasama na akong maglaro ng basketball. ." .
"Hahahaha...Dapat girl para tres marias na kami..".ani Joy.
"Ano ba yan Joy...maawa ka naman sakin nag iisa lang akong lalaki sa pamilya..Paano natin mapapadami ang apelyidong Almonte..".
"Ewan ko sainyong dalawa...Pati ba naman yan pagtatalunan niyo...Tara na Joy..".natatawang sabat ni Almera sa dalawang kapatid.
Papalabas na sila ng restaurant ng biglang may bumungad sa kanilang lalaki na may bitbit pang backpack sa likod.
"Magandang umaga ho....Hiring pa po ba kayo?".nakangiting tanung ng isang lalaki na may katangkaran at magandang built ng katawan. Makikita din ang pagiging neat nito dahil sa suot at ayos nito.
"Gab,ikaw na ang bahala sa aplikante,baka ma late na kami ni Joy...".nagmamadaling ani Almera bago nginitian ang lalaki at umalis.
...
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!