Tahimik na nakatitig si Almera sa nakapinid na pintuan ng kwartong inuupahan ng binata. Hawak hawak na niya ang spare key na tinutukoy ng kasamahan ng binata ngunit urong sulong siya sa pagbukas ng pintuan dahil sa matinding kaba.Napakatahimik ng bahay ng binata at parang walang tao dahil sa nakasarado pati ang mga bintana nito kaya naman sa huling pagkakataon ay nangibabaw ang pag aalala niya dito kaya nagpasya siyang pasukin na ang bahay nito.
Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang samo't saring mga basura at nagkalat na damit. Nahagip din ng tingin niya ang mga hugasin sa lababo na parang ilang araw ng hindi nahuhugasan.
"C-caleb??? San ka??".mahinang tawag niya sa binata habang naglalakad patungo sa isang maliit na pintuan na hula niya ay kwarto ng binata.
Tok! Tok! Tok!
Tatlong magkasunod na katok ang ginawa niya sa pag asang maririnig siya ng binata ngunit nabigo siya kaya naman nagpasya na siyang buksan iyon at tumambad sa kanya ang binata na balot na balot sa kumot at nanginginig.
"Caleb?! Caleb??! ".tarantang tawag niya sa binata matapos niya itong lapitan. Agad niyang sinapo ang noo nito at napag alaman niyang napakataas ng lagnat nito kaya agad niyang pinagyaman ang binata.
Puno ng pawis ang likod ng binata kaya naman nagpasya siyang bihisan muna ito at lagyan ng bimpo ang likod. Pikit mata niya ring sinuotan ng pajama ang binata dahil suot suot pa nito ang pantalon na suot nito noong huli silang nagkita.
Nang maayos na ang binata ay agad siyang nagluto ng sopas para kahit papaano ay mainitan ang sikmura ng binata. Inihanda din niya ang nga gamot na ipapainum niya sa binata para humupa na ang lagnat nito. Minabuti niya na ring linisan ang buong kabahayan habang naghihintay siyang maluto ang ipapakain sa binata. Nais niyang sa paggising nito ay may maaliwalas na lugar itong mabubungaran."Caleb....".mahinang tawag niya sa binata habang inaayos ang mangkok kung saan niya inilagay ang sopas na ipapakain sa binata.
"Uhhh...Nanay??".mahinang ungol ng binata na napagkamalan pa siyang ina nito.
"Si Almera ako...Ipinagluto kita ng sopas...Kain ka muna kahit kunti para makainum ka ng gamot..".
"A-almera????".mahinang tawag sa kanya ng binata habang tinititigan siya nito ng maiigi.
"Bakit??? Upo ka muna ng makakain ka..Susubuan kita..".nakangiting tugon niya sa binata.
Inalalayan niya ang binata hanggang sa maisandal ang likod nito sa dingding para mapakain niya ng maayos. Kahit mapait ang panlasa nito ay pinilit niya pa rin itong kumain at agad na pinainum ng gamot para humaling na ito agad.
"Salamat nurse...".malamlam ang mga matang ani ng binata sabay tapik sa kamay niya.
"Ikaw talaga..nagawa mo pang magbiro eh may sakit ka na nga...Magpagaling ka ha..".nakangiting tugon niya rito.
"Gagaling talaga ako..Dahil isang napakagaling na nurse ang nag aalaga sakin".mayabang na sagot nito.
"Sira..maya maya alis na din ako...Mukhang magaling ka na eh".
"Pwede bang wag mo akong iwan?".
"Ha??".
"Dito ka lang sa tabi ko...Pwede ba??".parang batang lambing ng binata.
"Pero...".
"Please...".
"O-okay..".pagpapahinahod niya sa kahilingan ng binata bago siya naupo sa tabi nito at inaayos ang kumot na nakabalot sa buong katawan nito.
***
Tirik na ang araw at bumaba na rin ang lagnat ng binata kaya naman nabawasan na ang pag aalala niya dito.
"Almera...".mahinang tawag sa kanya ng binata.
"Bakit??".
"Salamat...".
"Saan?".
"Sa pag aalaga mo sakin...Okay na ako,wag ka ng mag alala...".ani ng binata sabay kindat sa kanya.
"Sigurado ka??".
"Oo...Saka laking abala nitong sakit ko,alam ko naman na madami kang inaasikaso..Pasensya ka na ha..Nakadagdag pa ako sa mga isipin mo...".
"Ano ka ba...ayos lang yun".
"Di ko alam kung papaano kita pasasalamatan...Gusto kong isipin na mahal mo na din ako kaya hindi ka nagdalawang isip na puntahan ako at alagaan... ".
She was caught off-guard of what he was saying and she realized that she couldn't speak for a minute!
"Ahhhmm...ahhh...I think I have to go,magluluto pa nga pala ako!".tarantang wika niya sabay takbo papalabas ng bahay ng binata na tila ba bigla siyang napaso sa mga titig nito.
Samantala naiwan naman si Caleb na hindi malaman kung mangingiti o malulungkot dahil sa mixed reaction ng dalaga ng masukol niya ito. Gayunpaman ay hindi niya maitatanggi na lalo niyang minahal ang dalaga dahil sa ugali nito.
***
"Andito ka na pala Almera,kamusta ang pasyente mo..Maayos na ba ang kalagayan?".seryosong tanung sa kanya ni Mang Poldo ng makita siya nitong nag aayos ng apron.
"Bumaba na ho ang lagnat...Kunting pahinga na lang magiging okay na siya...".
"Mabuti naman kung ganun...Mahirap magkasakit lalo na kung walang mag aalaga...Buti na lang at andiyan ka para sa kanya..".
"Malakas naman po yun si Caleb...Kaya niya yun".natatawang sagot niya sa matanda bago niya inabala ang sarili sa mga tatrabahuin sa kusina sa maghapon.
"Malakas kasi andiyan ka....".makahulugang sabi ni Mang Poldo sabay ngiti ng pagkatamis tamis sa dalaga.
***
10:00pm
Kampanteng nakaupo sa silya si Almera habang nakapikit at pinagpapahinga ang katawan at isipan mula sa buong araw na pagtatrabaho. Malapit na siyang mapaidlip ng makarinig siya ng pagkalabit ng mga kwerdas ng gitara at sinabayan ng napakagandang tinig ng isang lalaki.
🎼🎸🎼
Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you
Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you
Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you
🎼🎼🎼
"C-caleb??". Halos maiyak na bigkas ng dalaga matapos siyang alayan ng napakagandang awitin ng binata.
"Sana nagustuhan mo...".nakangiting ani ng binata.
"Oo naman....Pero okay ka na ba??? Bakit andito ka na???".
"Magaling na ako..Magaling yung nag alaga sakin eh....".makahulugang sagot ni Caleb.
"Ikaw talaga...Baka mabinat ka...".
"No...I'm fine...".sagot ng binata bago nito muling kinalabit ang kwerdas ng gitara para muli siyang alayan ng isa na namang napakagandang kanta.
At hindi niya itatanggi na mayroon siyang nararamdaman para dito at natitiyak niyang hindi lamang iyon isang simpleng paghanga sa husay at galing nito sa pag awit. Alam niyang higit pa roon ang nararamdaman niya at lalo iyong lumalago sa pagdaan ng mga araw.
...
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!