"Gab...Nananaginip ba ako??? Hindi totoo 'to di ba?".umiiyak niyang sabi habang nakatitig sa asawa."Ate..".
Dahan dahang pinaandar ni Almera ang wheelchair niya habang kinuha naman ni Gab ang anak niya. Tahimik siyang pumasok sa loob ng kwarto at ng ilalabas na si Caleb ay agad na nagsalita si Almera.
"Saan niyo siya dadalhin??!".
"Dadalhin na po namin siya sa morgue.".sagot ng nurse.
"Anong morgue??? Di pa patay ang asawa ko para dalhin niyo sa morgue! Ibalik niyo ang asawa ko dun!".malakas na sigaw ni Almera sabay turo sa dating kinalalagyan ng asawa.
Wala na siyang paki kung nagtaas man siya ng boses ang importante sa kanya ay ang asawa niya.
"Ate..tama na.tanggapin na lang natin na wala na si kuya....".pakiusap ni Gab sa kapatid ng tila wala ito sa sarili na nilapitan si Caleb.
"No!! For the second time hindi na siya mawawala samin".mariing wika niya sa kapatid habang nanginginig na hinawakan ang mainit na palad ni Caleb.
"Ate...".
"Caleb..Andito na ako...Di ba gusto mong mabuo tayo kaya ka umuwi...Di ba gusto mong magkababy tayo?? Nanganak na ako ohh...Andito na yung baby natin...isinama ko siya....".umiiyak na wika ni Almera habang mahigpit na hawak ang kamay nito.
"Ate..tama na...".ani Gab na nagsisimula na ring umiyak dahil sa awa sa kapatid at pamangkin na naulila na agad sa ama.
"No!!! Buhay si Caleb....nararamdaman ko buhay siya...Akin na si baby....".ani Almera habang kinukuha ang anak niya at maingat na inilagay sa tabi ni Caleb.
"Caleb.....nararamdaman mo ba????katabi mo si baby....Nararamdaman mo ba ang anak natin... Gising ka na ohhh....Aalagaan mo pa si baby...Di ba antagal mong hiniling 'to??".humahagulhol na wika ni Almera habang maingat na inaayos ang pagkakalagay sa anak ng bigla itong pumalahaw ng iyak.
Tila alam ng sanggol ang nangyayari sa paligid kaya naman umiyak ito ng napakalakas.
"Tahan na anak....Babalik si Daddy....Alam ko..nararamdaman ko babalik siya..Babalik siya para satin...".aniya habang nagpupunas ng luha sa pisngi.
"Misis mawalang galang na ho,pero kailangan na po namin siyang dalhin sa morgue.".ani ng nurse sa kanya.
"Hindi!! buhay siya!! Di niyo siya kailangang dalhin doon...Calleeebb!!!!!! Gumising ka diyan!!!!! Ano ba!!!".malakas niyang wika sa asawa kasabay ng paglakas ng iyak ng sanggol nila.
Maya maya pa ay nakita ni Almera ang biglang paggalaw ng hintuturo ni Caleb at ang marahang oaggalaw ng dibdib nito.
"Buhay siya!!! Sabi ko sainyo buhay ang asawa ko!!".malakas na sabi ni Almera kaya naman agad itong inasikaso ng mga nurse at doktor. Maingat namang kinarga ni Gab ang anak niya habang inaasikaso na si Caleb ng mga nurse at muli itong kinabitan ng oxygen bago sila pinalabas doon para asikasuhin ang pasyente.
"I told you Gab...Hindi niya tayo iiwan..".nakangiting wika ni Almera sa kapatid habang karga karga nito ang anak.
"Tatawagan ko rin sina Mang Poldo at ibabalita ko na okay na si Kuya Caleb...Batid kong nag aalala din sila sa kanya..".nakangiting wika ni Gab sa kapatid.
"Sige...salamat ha...".aniya kay Gab.
"Hello po Mang Poldo??".ani Gab ng sagutin ng matanda ang tawag niya.
"Kumusta anong balita sa kanila?".alalang tanung ng matanda.
"Ayos na po sila...Si ate nanganak na at healthy si baby..At si Kuya Caleb nasa emergency room pa din pero ilalabas na siya mamaya at ililipat ng kwarto..".
"Hay salamat sa panginoon at ligtas silang mag anak...".ani Mang Poldo na tila nakahinga ng maluwag dahil sa nabalitaan.
"Ano hong balita?".ani Gerard sabay sulyap sa matanda.
"Nasa maayos na daw na kalagayan ang mag anak...Haaayy salamat sa Diyoa at hindi sila pinabayaan...".
"Napakagandang balita po niyan!".natutuwang wika ni Gerard sa matanda.
Masaya siya na ligtas ang kaibigan maging ang mag ina nito.
***
Pagkarating nila sa ospital ay agad nilang pinuntahan si Almera na busy sa pagbebreastfeed sa anak nito kaya hindi na muna nila inabala. Bagkus si Gab muna ang kinausap nil para malaman kung ano ang nangyari at game na game naman itong nagkwento.
"Para siyang magic o milagro..Buti na lang at hindi sinukuan ni Ate si Kuya Caleb...".ani Gab sabay sulyap sa kapatid.
"Love moves in mysterious ways...".nakangiting wika ni Gerard habang nakatitig rin kay Almera.
Alam niya sa paggising ng kaibigan niya at may mag ina itong nagmamahal at naghihintay sa kanya. Isang pamilya na mabubuo sa takdang panahon.
***
Samantala may mga pulis namang dumating sa pinangyarihan ng aksidente ni Emily at wala na itong nagawa para maisalba ang buhay ng matanda dahil halos mapisa ang buong katawan nito dahil sa tindi ng pagkakayupi ng sasakyan nito.
"Tingnan niyo kung may Identification card o kung anupaman na pagkakakilanlan sa kanya ng maipaalam natin sa pamilya niya ang nangyari sa kanya.".utos ng isang pulis sa dalawang kasama na agad namang tumalima.
"Meron ho...".ani ng isa sabay abot ng shoulder ng matanda na may lamang gamit nito,id at cellphone.
Maya maya pa ay biglang may tumawag dito kaya naman agad itong sinagot ng pulis
"Hello Emily?!".ani ng isang lalaki sa kabilang linya.
"Sir, kaano ano niyo ho ang may ari ng cellphone?'
"Asawa ko Sir..bakit ho? May nangyari ho ba sa kanya??".
"Meron pi Sir...Naaksidente po ang asawa ninyo at hindi po siya pinalad na makaligtas..".
Tila wala sa sariling napindot ni Roman ang end button habang nakatitig sa bakanteng cabinet ni Emily.
"I knew it..".ani Roman habang nakatitig sa dating damitan ng asawa.
Malakas ang kutob niya na sinundan ni Emily ang anak ngunit di niya alam na iyon din ang magiging dahilan ng pagpanaw nito.
Kringgggg!!! Kringgg!! Kringggg!!!
Malakas na tunog ng telepono ang muling pumukaw sa matanda kaya agad niya itong sinagot.
"Hello Tito..."
"Sino 'to?".
"Si Gerard po... Ibabalita ko lang po sana na nasa maayos ng lagay si Troy..".
''Ha?? Bakit may nangyari ba sa anak ko?".
"May nangsagasa po sa kanila..Iniligtas po ni Caleb ang asawa niya.".
"Oh God!!!".naibulalas ng matanda dahil sa narinig hindi nga kaya si Emily ang may gawa noon?
"I suggest na umuwi muna kayo rito pansamantala Tito ...".ani Gerard.
"Sige hijo...Ngayon din ay magpapabook na ako ng tiket para makauwi diyan!".aniya ng matanda sa kanya.
....
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
Roman d'amourWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!