Magmula ng nagkausap sina Gab at Caleb ay lalong naging pursigido ang binata na suyuin ang dalaga. Naging ugali na nito ang pagpunta sa restawran ng dalaga bago tumugtog at bago umuwi sa bahay niya tuwing umaga. Nakasanayan na rin ni Almera na kasa kasama nila ang binata sa pamamalengke bagay na nakakatulong sa kanila ng malaki. Sa lahat ng effort na ginawa ng binata ay todo kilig naman ang dalaga dangan lamang at hindi niya iyon maipakita dahil sa takot na mapahiya at magmukhang patay na patay sa binata. Maging sina Mang Poldo at Aling Anita ay botong boto din sa binata dahil sa kasipagan at kabutihang ipinapakita nito sa kanila."Kailan mo ba sasagutin yan si Caleb iha??? Tagal na rin niyang nanliligaw sayo ahh...Di mo pa ba ramdam na mahal mo siya??".biglang tanung sa kanya ni Mang Poldo ng gabing iyon kung saan nagliligpit na sila ng mga gamit.
"Ano ho Mang Poldo??".
"Kako kailan mo sasagutin yong batang yun,sa nakikita ko naman ay mukhang mahal ka nga niyang talaga at seryoso siya sayo...Ayaw mo pa rin ba siyang papasukin sa puso mo??".
"Hindi ko po alam eh....Siguro naghihintay lang ako ng tamang panahon para masigurado ko na tunay ang nararamdaman namin para sa isa't isa..Mas maiigi po kasi yung alam namin na pareho naming mahal ang bawat isa kesa sa isa lang ang nagmamahal..".
"Sa nakikita ko ay mahal ka naman ni Caleb,alam mo iha...Hindi lahat ng lalaki ay kayang gawin ang mga ginagawa ni Caleb...Lalo na sa klase ng trabaho niya na lagi siyang puyat at pagod...Pero sa tuwing magkasama kayo ay hindi ko siya nakitang mapagod o nagreklamo man lang...Kung may nararamdaman ka na din sa kanya ay mas maiigi pa na sabihin mo na..".
"Bakit naman ho??".
"Aba,maikli lang ang buhay...Hindi natin alam kung hanggang saan o kailan tayo sasapit sa finish line ng buhay natin...Kaya kung may mahal ka,sabihin mo...Ipadama mo para maging masaya kayo pareho...Sa tingin ko naman ay mahal mo na din si Caleb...Dangan nga lang ay pinipigilan mo ang sarili mo..".
"Iniisip ko po kasi sila Gab..".
"Ano ka ba?! Malalaki na yan sila Gab at isa pa makikipag nobyo ka lang naman..Di mo naman sila iiwanan at nakakatiyak akong alam din ni Caleb ang mga obligasyon mo..".
"Tingin niyo ho??".
"Wag mo kasing pangunahan ng negatibong kaisipan ang mga bagay bagay iha...Hayaan mong mag enjoy ka naman...Hayaan mo ang sarili mong magmahal at mahalin..Sige ka baka isang araw bigla na lang siyang sumuko sayo...Kaya mo ba??".
Bahagyang natigilan ang dalaga sa mga sinabi Mang Poldo sa kanya kaya naman biglang napaisip ang dalaga. Ngayong nasanay na siya sa presensya ng binata. Makaya niya nga kayang bigla itong mawala??? Dahil sa mga sinabi ng matanda ay agad na gumawa ng desisyon ang dalaga.
"Tingin niyo ba...Totoo ang pagmamahal niya sa akin?".alanganing tanung niya.
"Almera...Lalaki ako..alam ko kung totoo ang isang lalaki sa panliligaw....At sa tingin ko kay Caleb ay seryoso siya sayo kaya kung ako sayo ay pagbibigyan ko na ang binata sa panunuyo niya..malay mo maging masaya ka sa piling niya...subukan mo lang. Wala namang mawawala..".ani ng matanda bago siya nito iniwanan para puntahan ang asawa nito.
Naiwan naman ang dalaga na nakatulala at iniisip ng maiigi kung ano ang sasabihin niya sa binata pag nagpunta ito sa kanila sa mamaya.
"Ano bang dapat kung sabihin??".kabadong aniya sa sarili habang kinakapa sa puso niya kung handa na nga ba siyang makipagrelasyon sa kauna unahang pagkakataon. Alam niyang estranghero para sa kanya ang ganong pakiramdam pero alam niyang malalagpasan niya iyon sa tulong ng binata. Bakit nga ba hindi??? Paano niya malalaman kung tunay siyang mahal ni Caleb kung hindi niya ito papapasukin sa buhay niya?
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!