Malalim na ang gabi ngunit pabaling baling pa rin sa higaan si Almera. Hindi siya makatulog ng maayos dahil parang sirang plaka na umuukilkil sa isipan niya ang boses at halakhak ng binatang si Caleb. Hindi niya mawari kung anong katangahan ang pinagagagawa niya ng mga oras na iyon.
Hindi niya lubos maisip na uukupahin ng binata ang isipan niya hanggang sa pagtulog gayung kanina lamang sila nito nagkakilala."Hoy Almera matulog ka na ha!! Mamamalengke ka pa bukas!!".malakas na wika niya habang nakatapat ang hintuturo sa sariling mukha.
"Hay naku Ate Almera,kung ikaw di makatulog wag mo na akong idamay..Please lang itigil mo na yang kalikutan mo,kanina pa ako hilong hilo rito dahil sa paglilikot mo para tuloy may lindol na ewan...".biglang wika ni Joy mula sa taas niya.
Magkasama kasi sila ng kapatid sa iisang kwarto at ito ang nakapwesto sa upper part ng double deck kaya naman kapag gumalaw siya sa baba ay damay ito.
Maliit lang kasi ang espasyo nila sa taas dahil pinagkasya nila ang kwarto nilang magkakapatid at ang mag asawang sina Poldo at Anita.
"Sorry naman..Malay ko ba..".paingos na wika niya sa kapatid sabay talikod dito at nagtakip ng unan sa mukha para di na siya nito kausapin.
"Ewan ko sayo Ate..pag ako nakazero sa exam ko bukas kasalanan mo..".mahinang bulong ni Joy sa kanya bago ito bumalik sa pagtulog.
"Pag ako hindi nakapamalengke bukas kasalanan mo ito Caleb!!".aniya sa isip bago ipinikit ang mga mata sa pag asang hilahin na siya ng antok ngunit nabigo siya kaya naman sa inis niya ay lumabas na lang siya ng kwarto at nagtungo sa kusina nila para ihanda ang mga gagamitin nila mamaya.
Pagbaba niya sa kusina ay agad niyang binuksan ang ilaw at inayos ang mga pagkakasalansan ng mga kaldero at kawali pati na ang mga kutsilyo at chopping board. Ginayat na rin niya ang ilang rekado na naroon at ng matapos ay nilinis niya ang mga lamesa at inayos ang mga silyang naroon na gagamitin ng mga kakain pag nagbukas na sila.
Nang matapos ang dalaga ay sinulyapan niya ang buong paligid at ng makuntento ay muli siyang naupo sa silya habang matamang nag iisip. Ilang taon pa pala ang bubunuin niya bago makapagtapos ang mga kapatid. Ilang taon pa ang isasakripisyo niya para sa mga ito ngunit magkagayun man ay wala siyang hinanakit o pagsisisi. Magmula ng mamatay ang mga magulang nila ay nangako siya sa mga ito na hindi niya pababayaan ang dalawa at itataguyod niya ang mga ito hanggang sa makakaya niya. Ilang minuto lang nagnilay nilay ang dalaga bago napagpasyahang isandal ang likod sa upuan at ipinikit ang mga mata upang sariwain ang mga alaala nila noong nabubuhay pa ang kanyang mga magulang hanggang sa hindi na namalayan ng dalaga na unti unti na siyang iginugupo ng antok at dalhin sa napakalalim na pagtulog.
***
"Yosi??".alok ni Jared kay Caleb ng maupo ito sa tabi niya habang nagpapahangin sa labas,isang tugtog pa kasi ang gagawin nila bago makauwi kaya panandalian muna silang lumabas para mag yosi at makasagap ng sariwang hangin.
"Salamat pare...".aniya habang kumukuha ng isang stick ng marlboro lights mula sa kaibigan.
"Tingnan mo nga naman ang panahon nuh,parang kailan lang mula ng nagsimula tayo...Ngayon may regular na tayong kinakantahan..di tulad noon halos magmakaawa pa tayo sa mga bar na patugtugin tayo..".natatawang wika ni Jared sa kaibigan.
"Oo nga eh,biruin mo ilang taon na din pala tayong magkakasama...".
"Oo nga..At nagsipag asawa na kaming lahat bukod sainyo ni Hiro.".
"May girlpren na si Hiro diba??".
"Naku maniwala ka naman dun....Ni pic nga ng syota walang maipakita eh..".
"Baka gusto lang ng private na relasyon..hayaan mo na yun.Sadyag malihim lang talaga ang mokong na yun..".
"Hahahahaha,sabagay....ngapala maiba ako...type mo ba yung chicks na nakatira diyan".nakangising tanung ni Jared habang inginunguso ang restaurant nila Almera.
"Hindi ahh .natutuwa lang ako sa kanya..".pailag na sagot niya rito.
"Alam mo pare,payong kaibigan lang...Di ka na pabata...Laglag ka na nga sa kalendaryo eh,maano ba naman na hayaan mo rin na matutong magmahal yang puso mo...Tingnan mo kami ni Peter,kahit may mga pamilya na kami ay nakakatugtog pa din dahil maunawain ang mga asawa namin..Ang importante kahit mukha kang sanggano basta alam mo na isa kang mabuting tao wala kang dapat ikatakot..".mahabang litanya ni Jared sa kanya habang humihithit ng yosi nito.
"Ewan ko ba pare...Alam mo naman na hindi pa ako handa sa mga ganyan..".paiwas na sagot niya sa kaibigan.
"Hindi handa o ayaw mo lang talaga??".
"Pwede bang pareho? Hahahaha!!".
"Wala namang masam kung susubukan mo pare...Masarap ang may nag aalaga at nagmamahal...Subukan mo lang...".wika nito bago itinapon ang upos ng sigarilyo at tinapak tapakan ito para mawala ang baga bago siya nito iniwanan.
"Oh san ka pupunta?".
"Ayusin ko lang gitara ko pare...".sagot nito bago kumaway sa kanya papasok.
Naiwan naman siyang malungkot na nakatanaw sa kinaroroonan ng dalaga at sinariwa ang ngiti nito ng makita siya nito.
Maganda naman si Almera,matangkad at maputi may hawig nga ito sa artistang si Alice Dixson lalo na kapag nakangiti."Bakit nga ba hindi??".pabulong na wika niya bago pumasok sa loob ng bar para mag perform ng huling awit nila para sa gabing iyon.
***
"Almera...Gising..".mahinang sambit ni Aling Nita sa dalaga kasabay ng marahang pagyugyog nito sa balikat ng dalaga.
"Ano ba nangyari sayong bata ka at dito ka na natulog??".takang tanung ni Mang Poldo sa kanya.
"Goodmorning po....Di kasi ako nakatulog kanina kaya naglinis na lang ako dito...Mamamalengke na ba tayo??".pupungas oungas na tanung ng dalaga sa dalawang matanda.
"Oo..magbihis ka na roon...".sagot ni Aling Nita sa kanya.
"Sige po,saglit lang...".aniya bago naglakad paakyat ng hagdan para magpalit ng damit at kunin ang perang pamalengke niya.
"Mukhang may hindi nakatulog dahil sa pag iisip ah...".mahinang sambit ni Aling Nita sa asawa.
"Ang tanung,sino ang iniisip...".sagot naman ni Mang Poldo sa kabiyak.
Ilang minuto lang ang ipinaghintay ng dalawang matanda dahil agad ding bumaba ang dalaga bitbit ang bag nito at maong na jacket.
"Tara na ho...".aya ng dalaga bago nagpatiunang lumabas ng bahay habang nakangiti namang nakasunod ang dalawang matanda.
"Gooodddd Morninggggggggg!!!!!!".malakas na bati ni Caleb pagkalabas na pagkalabas ni Almera sa bahay nito.
"Huh?! Bakit ka nandito???".gulat na tanung ng dalaga sa binata.
"Mamamalengke na ba kayo?".ngiting ngiting tanung ng binata sa kanya.
"Oo at bakit??!!".
"Samahan ko na kayo...para may tagabuhat ka ng pinamili mo...".
"Ano?!".
"Tara na!!".nakangiting sagot ng binata kasabay ng pagsakay nito ng kusa sa sasakyan nila.
"P-pero....di mo na kailangang sumama!".asiwang wika ng dalaga.
"Payagan mo na ako....Pleaseeeee????".ngiting ngiti sagot ng binata habang nakatitig kay Mang Poldo na tila nagpapasaklolo.
"Hayaan mo na siya iha...total hindi natin siya pinilit..".sabad ni Mang Poldo sabay sakay sa driver seat at binuhay ang makina ng sasakyan.
Wala na siyang nagawa kundi tumabi sa binata dahil si Aling Nita ang naupo sa unahan katabi ng asawa nito. Naiilang man sa binata ay pinilit niya pa ring maging maayos ang pakikitungo dito para walang masabi sa kanya ang mga ito.
.......
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!