Naging abala sa buong maghapon sina Almera dahil dinagsa sila ng mga tao kaya naman pagod na pagod ang dalaga dahil sa maghapong pagluluto sa kusina. Buti na lamang at hindi siya pinabayaan ng mag asawang matanda kaya kahit papaano ay nakayanan niya ang isang buong araw."Ano kaya kung mag hire pa tayo ng isang waiter??".untag ni Aling Anita sa dalaga habang nagpapahinga sila.
"Sa tingin niyo ho ba ay kailangan natin ng isa pang kasama??".
"Dinadagsa na kasi tayo ng mga tao Iha....Naisip namin ni Poldo na mas makakagaan kung may isa pa tayong waiter o kahit katulong mo na lang sa kusina..Para di ka masyadong pagod..".
"Pag iisipan ko ho Aling Nita...Titingnan ko muna kung kaya ko pang magpasweldo ng isa pa..".
"Sige Iha...Balitaan mo na lang kami kung payag ka na ng makapagtanung tanung ako sa mga kakilala ko..".nakangiting wika ni Aling Anita.
"Sige po..".nakangiting ayon niya rito.
Ganun ang eksena nila araw araw,pagkatapos ng buong maghapon na pagtatrabaho ay nagkukwentuhan muna sila bago maghiwa hiwalay para makapagpahinga. Ibinibigay din ng dalaga lahat ng mga pagkain na hindi nabili sa mga tauhan kaya walang nasasayang na pagkain sa kanila.
"Hi,magandang gabi ho.....Pwede pa ho bang mag order?".ani ng baritonong tinig nabiglang nagsalita habang papasok sa loob ng restawran. Kasalukuyang nagbibilang ng benta nun si Almera kaya hindi niya muna ito pinansin at hinayaan na si Aling Nita ang kumausap dito.
"Naku Amang.....Pasensya ka na at magsasara na kami....Wala na kaming ihahain pa sayo dahil ubos na ang mga lutong ulam."tarantang sagot ni Aling Nita.
"Pasensiya na po Sir...Alas dies po kasi kaming nagsasara kaya wala na ho kaming paninda ngayon kung gusto niyo ho pwede ko kayong ipagluto ng gulay at yun na lang ipapakain ko sainyo ng libre..".nakangiting wika ng dalaga sabay angat sa mukha.
"Ohh...Hi Miss...".nakangiting wika ng binata habang nakatitig sa kanya.
"Payag ho ba kayo? Ipagluluto ko na lang po kayo ng gulay para makakain kayo ngayong gabi para hindi ka na maghanap ng ibang makakainan. Don't worry di kita sisingilin..".nakangiting sagot ng dalaga habang iniisip kung saan niya nakita ang binata dahil parang pamilyar ito sa kanya.
"No need...Hindi mo na kailangang magpagod pa dahil lang sakin....Nagbakasakali lang ako.."ani ng binata sa dalaga.
"Sigurado ho kayo? Willing naman ho ako na magluto kesa magutom kayo..".ani ng dalaga sabay sioat sa kabuuan ng binata.
"Mukha na ba akong gutom na gutom?".
"Hindi naman ho sa ganun..".
"Wag ka ng mag abala lang magluto, antayin ko na lang ang mga kabanda ko na dumating...Baka may mga dala silang pagkain..By the way I'm Caleb Santillan...And you are.. ???".
Bahagya namang nahiya ang dalaga dahil sa inasal ng binata kaya naman napatingin siya kay Aling Nita na iniba din ang tingin.
"Almera Almonte...".simoleng sagot niya sa binata sabay abot ng kamay nito.
"Nice to meet you Ma'am Almera,ako nga pala yung lalaking nakatulog diyan sa tapat niyo kaninang madaling araw...Pasensya ka na sakin kung nakaistorbo ako sainyo..".hiyang wika ng binata sabay sulyap sa dalawang matanda.
"Naku Iho,wala yun ang isipin mo yang sarili mo lalo na sa panahon ngayon na nagkalat na ang masasamang loob. Baka mamaya eh mapagtripan ka ng di oras diyan, wala pa namang pinipili ang mga iyan".sabad ni Mang Poldo sa kanila.
"Wag ho kayong mag alala..Mag iingat ho ako sa susunod...Pasensya na talaga..".
"Wag mo ng intindihin yun Caleb,maliit na bagay lang yan...Next time ingatan mong sarili mo dahil baka mamaya yan pa ang ikapahamak mo...Akyat na ho ako sa taas..".ani ng dalaga sabay lakad papalayo sa binata.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!