Prologue

4.2K 47 1
                                    

Si Caleb Santillan ay isang lead vocalist ng bandang The Rebels na itinatag niya ilang taon na ang nakakaraan kasama ng tatlo pang kaibigan na sina Jared,Hiro at Peter. Magkaagapay nilang binuo ang banda at naging bisyo na nila ang palagiang pagpunta sa iba't ibang lugar para sa kanilang mga gig. Nakasanayan na rin ng binata na matulog sa kung saan saan at halos mapabayaan na ang sarili dahil sa sobrang pagiging abala sa banda nito.

Sa edad na trenta'y singko ay wala pa ring direksyon ang buhay ng binata at nakahanda na siyang tumanda ng mag isa. Para sa kanya ang pag awit ang buhay niya at kapag hawak niya ang kanyang gitara at mikropono ay nakakalikha siya ng sarili niyang mundo.
Mundo na malayo sa kinagisnan niyang buhay. Malayo sa sariling pamilya at malayo sa mga taong nakakakilala sa kanya. Hanggang sa makilala niya ang dalagang si Almera Almonte na may ari ng isang maliit na restaurant na katapat ng bar na palagi nilang tinutugtugan.

Si Almera ay isang responsableng dalaga na nagpapatakbo ng restaurant ng nasira niyang mga magulang. At bilang panganay na anak sa kanilang tatlong magkakapatid ay inako na niya ang pagiging ama at ina sa dalawa pang nakakabatang kapatid. Kaya naman sa edad na bente'y sinco ay hindi pa rin niya nararanasang makipag nobyo,madalas nga ay tinutukso na siya ng mga kapatid niya na hahanapan na daw siya ng boyfriend ng mga ito para maging masaya naman siya at magkakulay ang kanyang mundo. Bagay na tinatawanan lang niya dahil alam niya sa sarili niya na hanggat hindi pa nakakapagtapos sa pag aaral ang mga kapatid ay hindi niya pa maaatupag ang kanyang sarili. Ngunit lahat ng pananaw niya ay nagbago lalo na ng makilala niya ang bokalistang si Caleb. Niligawan siya ng binata at sa kakakulit nito sa kanya ay napa oo siya agad ng binata na sinang ayunan naman ng mga kapatid niya.

Sabi nga nila If it's meant to be,It will be. Their destiny works as fast as a bullet and they can't get away with it.
Almera finds herself uttering a promise of a lifetime to the love of her life Caleb. Her husband made her so happy every single day of her life since they got married. Akala niya wala ng katapusan ang kaligayahan niya sa piling ng asawa. Until one fated night, something tragic is bound to happen that can changed their lives forever....

Paano nga ba kung makialam muli ang tadhana? At sa pagkakataong iyon ay hindi na pabor sa kanila?

Could it be the end of their love story?

...❤UpNext❤...

The Story Of Us(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon