Nanghihina man ay pinilit pa rin ni Almera na makalapit sa kwarto ng asawa ngunit nagtaka siya dahil wala na ito roon."Caleb??? Nasan ka???? Caleb!".tarantang wika niya bago binuksan ang pintuan para tingnan maiigi ang kwarto ngunit hindi siya nagkamali. Wala na dun ang asawa niya.
"Ate.....Wala na nga si Kuya Caleb..".naiiyak na wika ni Joy sa kanya.
"Sinungaling ka!! Hindi totoo yan!!".matigas na sagot niya sa kapatid bago niya ito marahas na tinabig.
"Ate san ka pupunta...".ani Joy habang nakabuntot pa rin sa kapatid.
"Hahanapin ko ang asawa ko at ipapakita ko sainyo na buhay siya!".umiiyak na sagot niya sa kapatid.
"Ate Almera please stop it! Pinagtitinginan ka na ng mga tao..".saway sa kanya ni Gab habang hinahawakan siya nito sa braso.
"Wala akong pakialam!! Hinahanap ko ang asawa ko!! Ibalik niyo sakin si Caleb...Parang awa niyo na...".humahagulhol na pakiusap niya sa kapatid habang hinahampas ito ng marahan.
"Ate tama na...Wala na siya...Please baka makasama sa anak mo...Remember buntis ka..".paalala sa kanya ni Gab habang niyayakap siya.
"Gusto kong makita ang asawa ko..Asan siya?? Sa morgue? Sa emergency room? Saan??".
"Hindi mo na siya makikita ate...baka ngayon paalis na sila kasi kinuha na siya ng stepmom niya...Wala na kaming magawa kasi hindi naman daw tayo ang pamilya ni Kuya...Wala daw kaming karapatang pigilan sila..".naluluhang ani Gab habang inaalo siya.
"Hindi pwede yun Gab eh...Kahit sabihin nila na peke lahat na yun..Alam ko sa sarili ko,sa puso't isip ko na mahal ako ni Caleb at ako ang asawa niya....May karapatan ako sa asawa ko eh..".puno ng hinanakit na sabi niya sa kapatid habang umiiyak.
"Tahan na ate...Wala tayong magagawa..mayayaman sila ate..Mas malakas mas mapera...Wala na tayong magagawa...".
"Kukunin ko lang ang ibang gamit ni Ate Almera sa kwarto para makauwi na tayo..".paalam ni Joy sa mga kapatid bago ito tumakbo papalayo habang ikinukubli ang mga luha. Awang awa siya sa Ate Almera niya ngunit wala naman siyang magawa para maibsan ang dinadala nito.
"Tara na Ate...uwi na tayo sa bahay...".mahinang sabi ni Gab habang inaakay ang kapatid.
"Si Caleb...Nasan ang asawa ko...Gusto ko siyang makita...Tulungan mo ako Gab...Di ako uuwi hangga't di ko nakikita ang asawa ko....Hindi pa siya patay diba???? Diba???? Sumagot ka Gab....Buhay pa ang asawa ko di ba???".paulit ulit niyang sabi sa kapatid ngunit nanatili itong walang kibo pag si Caleb na ang pinag uusapan.
"Uwi na tayo ate....".ani Joy sa kanila ng dumating ito bitbit ang iba pa niyang mga gamit.
Maingat naman siyang inalalayan ni Gab at dahan dahan silang naglakad palabas ng ospital.
"Teka...Di ba si Caleb yun?".aniya sa mga kapatid ng makita niya ang asawa na nakahiga sa stretcher at nababalot ng puting kumot.
"Baka kamukha lang ate..tara na..".ani Gab sabay hila sa kanya papalayo doon ngunit mabilis niyang tinanggal ang pagkakahawak sa kanya ng kapatid.
"San nila dadalhin si Caleb?! Bakit nila kukunin ang asawa ko?! Di ako papayag!".tika wala sa sariling sabi niya habang nilalapitan ang sasakyan na kinaroroonan ng asawa.
"Ibalik niyo sakin ang asawa ko! Wag niyo siyang ilayo sakin!".malakas na sigaw niya ng makita ang stepmom ng asawa.
"My goodness!! Are you crazy?! Ganyan ba talaga pag walang breeding?! Napaka eskandalosa?!".
"Kung sinuman sa ating dalawa ang walang breeding nakakatiyak akong ikaw yun! Asawa ko yang kinukuha niyo sakin!" Matigas na sagot niya rito.
"Asawa?? Di ka ba talaga makaintindi??? You're not his wife!".paasik na sagot nito sa kanya.
"Oo,siguro sa tingin niyo hindi ako ang asawa niya. Pero para kay Caleb ako ang asawa niya kaya ibalik niyo sakin ang asawa ko!".malakas na sigaw niya sa matanda habang nilalapitan ang kinaroroonan ng asawa ngunit agad siya nitong naharang.
"Yeah,you're right...para kay Caleb ikaw ang asawa niya. Pero baka nakakalimutan mong hindi na siya si Caleb ngayon,siya na si Troy na naghihingalo. Wala kang karapatan sa kanya dahil hindi ka niya tunay na asawa at ako ang may karapatan sa kanya,hindi ikaw. Kaya wag kang makaasta asta na akala mo kung sino ka!".matapang na sagot nito sa kanya.
"Caleb man o Troy iisa lang yan...Alam kong mahal niya ako at kung gising lang siya hindi niya hahayaan na mangyari 'to!''.
"Ooooppppsssss,sorry! Ang problema hindi siya gising at anytime now pwede na siyang mamatay. Kaya pwede ba wag ka ng makialam samin! Tara na!".malakas na sigaw nito sa mga bodyguard at mabilis na sumakay sa sasakyan nito.
"Teka!! Teka lang!!!! Ibalik niyo sakin ang asawa ko!!!! Caleb!!!!".malakas na hiyaw niya habanhinahabol ang sasakyan.
"Ate..tama na please......".pakiusap ni Gab ng maabutan siya nito.
"Hahabulin ko sila....kahit magmakaawa ako sa stepmom niya gagawin ko..Ibalik lang niya sakin si Caleb...".
"Ate...Ate!!!!! Makinig ka sakin!! Niloko ka niya! Niloko niya tayo!!! Gumising ka na sa katotohanan!! Hindi mo siya asawa!".mariing sabi sa kanya ni Gab habang niyuyugyog ang balikat niya.
"Napakadali lang para sainyo na sabihin yan palibhasa hindi kayo ang nasaktan..".may himig pagtatampo na sagot niya sa kapatid bago siya naglakad papalayo sa mga ito ng umiiyak.
Pakiramdam niya ay durog na durog siya ng mga oras na yun dahil sa nangyari. Ano bang kasalanan niya para parusahan siya ng ganun. Naging mabuting tao naman siya at wala siyang inaapakang ibang tao,pero bakit kaylupit ng tadhana sa kanya? Paano na siya at ang magiging anak niya?
***
"I feel sorry for her...Biktima lang din siya ng pagkakataon...Minahal lang din niya si Troy....".ani Charrie habang nakatingin kay Troy na wala pa ring malay.
"Hija,walang biktima kung walang magpapabiktima....It's her choice...".
"I'm sorry tita....naaawa lang siguro ako sa kanya...Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong iwan din ako ni Troy...".
"He's back...And it's your time to marry him after his transplant...".
"Papaano ho kapag hinanap niya yong babae paggising niya?".
"Don't worry about that hija....ako ang bahala...".nakangiting sagot nito sa kanya na tila ba may binubuong plano.
...
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomansWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!