05

1.2K 24 0
                                    



Nakashades at nakasuot ng jacket na may hoodie ng dumating ang binata sa restaurant ng dalaga habang may bitbit na isang tangkay na puting rosas. Agad nitong namataan si Almera na abala sa pagpupunas ng lamesa habang si Aling Nita naman ay nag aayos ng mga upuan.

"Hi Almera...".mahinang bigkas ng binata sabay kalabit sa bewang ng dalaga.

"Ayyy!!!!!!".malakas na tili ng dalaga sabay harap sa binata at sinalubong ito ng malakas na sampal.

"Bastos!!!".malakas na sigaw ng dalaga matapos lumagapak ang palad nito sa pisngi ni Caleb.

"S-sorry..".nanlalaki ang mga mata ng binata habang sapo ang pisngi nito na tila nangapal sa sampal ng dalaga.

"Yaaaay!!!! Sorry po kuya....".hinging paumanhin ng dalaga sa matangkad na mama na hawak hawak ang pisngi nito

"Kasalanan ko din eh..Ginulat kita.".maluha luhang wika ng binata habang sapo ang namumulang pisngi nito.

"Pasensya ka na talag- whoa!!!".nanlalaki ang mga matang ani ng dalaga habang tinatanggal ang shades ng binata.

"Bakit??".

"Caleb?!".

"Yeah,bakit?!".

Gulat na gulat ang dalaga habang tinititigan siya nito sa mukha na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita.

"What happened??".

"Why?!".

"Nagpagupit ka,nag ahit ka...sinapian ka ba?!".

"Grabe,ang hard mo sakin...di ba pwedeng nagpapapogi lang sayo...".nakangiting wika ng binata sabay abot ng puting rosas sa dalaga.

"A-anong p-pinagsasabi mo diyan?!".kandautal na sagot ng dalaga habang pulang pula ang mukha dahil sa labis na hiya sa binata.

"Oyyyyyy,nagbablush....crush mo ako nuh??".muling tudyo ni Caleb sa kanya sabay pisil ng ilong niya.

"Hindi oyy! Assuming ka masyado!!".irap niya binata bago ito tinalikuran para makabawi sa hiyang nararamdaman.

"Aminiiinnnnnnnnnn...".nakakalokong tawa ng binata sa kanya kaya muli na naman niya itong binalak hampasin ngunit naging maagap si Caleb at agad na nahawakan ang mamay ng dalaga.

"If I were you I'll think twice before hitting me again..".ani ng binata habang inilalapit ang mukha sa mukha ng dalaga.

"A-anong gagawin mo?!" Tarantang wika ng dalaga.

"Wala naman,may gusto ka bang gawin ko Almera??".nanunuksong tugon ng binata sa dalaga habang nakatitig sa mata nito.

"Meron..".

"Ano yun?".

"Lumayo ka sakin..".

"Ouch!!".maarteng sambit ng binata sabay layo sa dalaga na tila napaso.

"Ano bang pinagkakaguluhan niyong dalawa diyan..".usisa ni Aling Nita sa kanila.

"Wala po..aakyat sana ako ng ligaw kaso sampal ang inabot ko".sumbong ng binata kay Aling Nita.

"Paano nanggulat ka..malay ko ba,saka di kita agad nakilala".depensa naman agad ng dalaga.

"Koowww,kayo talagang dalawa para kayong aso't pusa...Maiba ako Caleb,nagtabi ako ng pagkain diyan na pwede mong makain...Baka mamaya di ka pa kumakain eh..".ani ni Aling Nita habang pinapalapit ang binata sa gawi nito.

"Salamat po Aling Nita...".excited na wika ng binata sabay lapit sa matanda.

Naiwan naman ang dalaga na napapangiti dahil sa kakulitan ni Caleb na sa hindi malamang dahilan ay gustong gusto naman niya.

Hinayaan niya na lang ang binata na kumain at makipaghuntahan sa dalawang matanda at nagdesisyon na siyang umakyat sa silid niya para makapagpahinga dahil wala siya halos tulog at pagod pa maghapon.

"Maturulog ka na ba Almera??".tarantang tanung ng binata sa dalaga ng makita itong paakyat na sa hagdan.

"Oo,bakit?".

"Goodnight sayo.....".

"Okay..".simpleng sagot niya dito bago siya tuluyang pumasok sa kwarto niya para ipahinga ang pagal na katawan at isipan.

"Kainis na Caleb 'to lagi na lang akong napapahiya..".himutok ng dalaga habang nakatitig sa kawalan,maya maya pa ay parang batang kinikilig na nagpapasag pasag sa higaan ang dalaga habang yakap ang rosas na bigay ng binata.

***

"Wow na wow pare, ikaw na ba talaga yan?!".tukso ni Jared sa kanya ng magkita kita sila ng mga ito sa tapat ng bar. Maging sina Peter at Hiro ay gulat na gulat ng makita siya na bagong ahit at gupit.

"Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig,tsk,tsk,tsk..".nakangiting wika ni Peter sa kanya.

"Nainitan lang eh,puro kayo tamang hinala."saway niya sa kasamahan.

"Na laging tumatama,hahahahaha!!".biro naman ni Hiro sa kanya.

"Tigilan niyo ako ha..".sagot niya sa mga ito ng nakangiti.

"May malapit ng magpahigop ng sabaw,kunting push pa!!".sigaw ni Jared na tuwang tuwa sa mga kaganapan sa buhay ng matalik na kaibigan.

"Magsitahimik kayo..ang mabuti pa maghanda na kayo ng mga gamit niyo..".saway ng binata sa mga kasama.

Gusto niyang magsitahimik ang mga ito para pagplanuhan kung papaanong susuyuin ang dalaga at tiyakin na mapapasagot niya ito.

***

Nagdaan ang mga araw at naging mas masigasig na ang binata sa panunuyo sa dalaga at talaga namang nag eeffort siya para dito. Hindi man sabihin o aminin ng dalaga ramdam ni Caleb na nahuhulog na sa kanya ang dalaga. Hindi man nito tuwirang aminin pero alam niyang unti unti na siyang nagkakapuwang sa puso nito.

"So,ikaw yung nababalitaan naming nanliligaw sa ate ko...".seryosong wika ni Gab habang nakatingin kay Caleb ng gabing iyon. Wala silang pasok ni Joy kaya sila muna ang nagbantay sa restawran para makapagpahinga ng maaga ang ate nilang si Almera.

"Ako nga..".pinagpapawisang sagot ng binata.

"Seryoso ka ba kay Ate dahil kung hindi lagot ka sa amin..".

"Oo naman..".

"Anong nagustuhan mo sa ate ko?".

"Dahil girlfriend material siya...I mean nasa kanya na lahat ng hinahanap ko sa babae...And lastly, Almera is one of my answered prayer.. .".

"Mahal na mahal namin yan si Ate,kaya oras na sinagot ka niya at niloko mo siya,magtago ka na dahil igaganti ko ang ate ko..gets mo ba??".babala sa kanya ni Gab sa kanya bago siya nito kinamayan ng mahigpit.

"Don't worry,pag sinagot ako ng ate mo di siya iiyak sakin.".

"Dapat lang....make her happy and love her dearly...Ate Almera deserves it..".

"I will..".kumpiyansang sagot niya rito ng nakangiti at buong tapang.

...

The Story Of Us(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon