Atubiling pumasok sa loob ng cottage ang dalaga dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya. Kahit tingnan niya sina Joy at Aling Nita ay tila binalewala siya ng mga ito,samantalang si Gab naman ay parang batang naglunoy na sa dagat."C'mon Madam baby....Don't worry,you're safe with me...Hindi kita gagahasain kaya wag kang matakot..".pabirong wika ni Caleb sa nobya.
"Eh bakit naman kasi may pa couple couple pang nalalaman itong resort na ito..".
"Because this resort was designed for lovers Madam baby...so please be patient for having me as your room mate....Besides sooner or later magiging mag asawa na din tayo...ayaw mo nun pwede na tayong mag practice..".nakangising wika ng binata sabay kindat.
"Eh kung sapatusin kaya kita?".pagtataray niya sa nobyo.
''Wag po..Takot po ako hahahahaha..".tila nakakalokong sagot ni Caleb bago nito kinuha ang maleta niya at ito na mismo ang naglapag sa sulok.
Magbihis ka na muna Madam baby...sa labas tayo maghahapunan..Sabi ni Jared kanina nagpaluto raw sila ng mga fresh seafood...Labas lang ako..".dagdag ng binata.
"Huh??? Iiwanan mo ako dito??".namimilog ang mga matang tanung ni Almera.
"Hahahaha....saglit lang naman..Unless you want me to watch you half naked??".tila nanunuksong wika ng binata.
"Ewan ko sayo,sige na nga alis na..sunduin mo ako dito pag kakain na ahh nahihiya akong magpunta dun mag isa...".
"Opo Madam....I love you. .".nakangiting wika ng binata bago siya nito kinintalan ng masuyong halik sa pisngi.
''I love you too...".
Nginitian siya ni Caleb bagi ito tuluyang lumabas ng cottage at siya naman ay inayos lahat ng mga damit at personal na gamit niya. Napapangiti pa ang dalaga kapag naaalala ang kakenkoyan ng kasintahan.
Ng matapos siya sa pagpalit ng damit at pagliligpit ng mga abubot ay nagpasya siyang ihiga muna ang pagal na katawan at panandaliang umidlip. Gigisingin naman siyang tiyak ni Caleb pagdating nito galing sa labas.
***
"I love you so much....".mahinang bulong ni Caleb ng madatnan nito si Almera na mahimbing na natutulog habang yakap nito ang isang unan.
Sa sobrang himbing ng tulog nito ay hindi na naramdaman ng dalaga ang pagdating niya kaya nanakawan niya ito ng halik sa tungki ng ilong nito."Madam baby.....gising na...nakahanda na yung hapunan..".aniya sa mahinang tinig.
Maya maya pa ay unti unting idinilat ng dalaga ang mga mata at kapagkakuwa'y ngumiti ng makita ang nobyo.
"Hi..".tila nananaginip na wika ng dalaga.
"Hi beautiful.....bangon na nakahanda na ang hapunan...".
"Ayy oo nga pala..nalimutan ko magpeprepare pa pala ako ng lulutuin natin para bukas!".tarantang wika ng dalaga.
"Relax okay??? Inasikaso na namin ni Aling Nita ang lahat kanina habang tulog ka...Pati ang dalawang kapatid mo ay tumulong na din..".
"Ha?? Talaga?? Bakit di niyo ako ginising??".
"Ang sarap kasi ng tulog mo..kaya di na kita inabala ..".
"Caleb naman eh ..Dapat ginising mo ako para nakatulong din ako.."
"Wag ka ng mag worry okay?? Ayos na ang lahat..".
"Paano?? San magluluto?? Ano ang menu??". Sunod sunod na tanung ng dalaga.
"Nag usap kami ni Jared kanina....Hindi na lang daw siya magpapaluto...Bale ang aasikasuhin na lang natin ay ang dekorasyon which is nagawa na din namin kanina.So totally wala ka ng aayusin..".
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!