10

1.1K 21 0
                                    



Kinaumagahan ay matiyagang nag aabang si Caleb sa dalaga para mamalengke. May ibabalita kasi siya dito na pwedeng ikatuwa nito kaya naman hindi na siya makapaghintay na makausap ang nobya.
Ilang saglit pa ang ipinag antay niya bago ito lumabas ng nakangiti sa kanya kaya agad niya itong sinalubong ng yakap.

"Good morning..".masiglang bati nito sa kanya.

"Good morning...At sainyo din po Aling Nita..".masiglang bati ng binata.

"Good morning din iho...Parang ang saya saya mo ngayon ahh...".

"May sasabihin sana ako kay Almera eh...Na hindi ko alam kong ikakatuwa niya o papayag siya..".

"Ano yun?".biglang sabat ng dalaga.

"Ganito kasi yun.....Di ba nakilala mo na si Jared?

"Oo,bakit??".

"Magcecelebrate sila ng wedding anniversary nila ng asawa niya...Kaso gusto ata ganapin sa isang private resort sa Boracay para daw espesyal.....ang sweet niya nuh?".

"Sweet nga ..tapos??".

"Jared invited us to be there kasi kailangan nila ng witness..He's planning to renew their bows next week. At hindi ipapaalam sa asawa niya...".

"And???''.

"Kung pwede sana sumama kayong lahat sakin papunta dun...Kasi magluluto din ng food para sa ibang guests at kesa naman kumuha sila ng ibang magcacater e nagsuggest na lang ako na kayo na lang....since alam ko naman na magaling at masarap kayo magluto..".

"Are you kidding???".

"Nope, payag ba kayo??? Pasensya na kung biglaan...".nakangiting tanung ng binata sa dalaga na noon ay gulat na gulat.

"Ilang days?? Alam mo naman na hindi ako basta basta makakapagsara ng restaurant..".tila alangan na sagot ng dalaga.

"Two nights and one day lang naman...pumayag ka na please???? Minsan lang naman 'to and I know you can do it...Special din kasi kay Jared yun so ikaw agad ang ibinida ko kasi alam kung magaling ka..".

"Ano ho sa tingin niyo Aling Nita, Mang Poldo??".

"Pwede din naman iha...Wala namang problema dun,para lang din tayong nagbakasyon..yun nga lang magluluto pa rin..Wala namang problema samin eh,ikaw pa din ang masusunod iha..".

"Two nights and one day lang naman di ba?".

"Yup..".

"Sige,payag ako..Magkakasama naman kaming lahat di ba..".

"Yes!! Thank you Almera...".tuwang tuwang wika ni Caleb sa kasintahan. Maging sina Mang Poldo ay natuwa din dahil makakagala din sila pansamantala at sa Boracay pa.

"Okay,itanung mo na lang sa kanya kung ano ang mga menu na gusto niyang ipaluto ...".nakangiting sagot ng dalaga.

"Yes madam baby..".malambing na sagot ng binata.

"Madam baby???".nakasimangot na turan ng dalaga.

"Wala kasi tayong term of endearment eh...Kaya naisip ko Madam Baby na lang itawag ko sayo..".

"At bakit?! Mukha na ba akong matrona Caleb?!".

"Hindi naman...parang bagay lang sayo ang ganung tawag..Madam kasi you're the boss at baby kasi para sakin ikaw ang baby ko..".ani ng binata sabay hagikhik.

"Hay naku,mamamalengke ba tayo o hindi??? Anong oras na tara na ...sa byahe mo na asarin si Almera..sumakay na kayo.".sabad ni Mang Poldo sa usapan nilang magkasintahan.

"Hmmpp...".irap ng dalaga sa kasintahan bago siya sumakay sa sasakyan habang nakasunod si Caleb na ngiting ngiti.

Masayang masaya siya tuwing kasama ang dalaga at doble ang kasiyahan niya kapag inaasar niya ito dahil lalong nagmumukhang cute ang kasintahan.

***

"Bilisan niyo ng mag impake at maya maya narito na si Caleb..".ani ng dalaga sa dalawang kapatid at sa mag asawa na kasama nila sa pagpunta sa isang private resort sa Boracay.

Aalis na kasi sila ng hapong iyon para makapaghanda sa gagawing celebration kinabukasan.

"Oo ate, eto na nga nagmamadali na...Masyado ka namang excited di naman ikaw ang ikakasal..".nakaingos na wika ni Joy habang sinasalansan ang mga babaunin nitong swimsuits.

"Sino me sabi sayo na magsusuot ka niyan?! Labas na kaluluwa mo diyan ahh..".

"Grabe ka Ate....Masyado kang old fashion..halos lahat ng naliligo dun eh nakasuot ng bikini..Alangan namang magsuot ako ng porontong dun hihihihi..".

"Pilosopong bata ka...iwanan mo yan kung hindi di kita isasama..".

"Ate naman....".

"Iiwan mo yan o ikaw ang maiiwan?".

"Oo na..di ko na dadalhin...".

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo...".nakangising wika ni Almera sa bunsong kapatid.

"Tapos na ba kayo riyan???? Andito na si Caleb!!".sigaw ni Mang Poldo mula sa baba.

"Oh andiyan na daw si lab af yur layf ate...bumaba ka na daw,susunod na lang kami...".taboy ni Joy sa kanya.

"Sumunod na rin kayo ha..Bilisan mo diyan at baka maiwanan ka ng eroplano,ikaw din..''.

"Opo,bibilisan na po..".

Agad siyang sinalubong ni Caleb ng makita nito na nahihirapan siya sa pagbitbit ng malaking bag niya kaya naman tinulungan siya agad ng binata.

"Magandang hapon Madam Baby...".ani ng binata sabay halik sa noo niya.

"Madam baby ka diyan..hmp!".

"I love that irap....gggrrrrr!!".playful na sagot ng binata sa kanya kaya naman natawa na lang siya sa kalokohan nito.

Ilang saglit pa ay kapwa na sila patungo sa airport para sa byahe nila papuntang boracay kung saan maraming sorpresa ang naghihintay.

***

Sa boracay na lang nagkita kita ang lahat ng magkakaibigan at dun na din nakilala ni Almera ang asawa ni Jared na si Mary Jane. Napakaganda din nito at napakasimple lang at gaya ng inaasahan ay wala itong alam sa sorpresang handog ng asawa niyo sa kanya.

"You must be Almera....I'm Mary Jane.....Jane na lang for short...Buti pumayag ka na magbakasyon ng ilang araw...".nakangiting ani nito sa kanya.

"Oo nga eh,pinilit ko talaga 'tong madam baby ko na 'to....Napaka hardworking eh..".biglang sabat ni Caleb bago siya nito hinapit sa bewang at mahigpit na niyakap.

"Hahaha..dapat lang..pahinga din pag may time...May tatlong cottage pa na naka reserve at hiwalay ang couples sa mga walang bf/gf..".

"Ha?? Bakit????".ani ng dalaga.

"Ganun talaga dito sa resort....Hiwalay ang cottage ng mga couples sa mga single...Parang pakulo siguro nila para lalong magkaroon ng private time ang mga love birds. ".

"Ibig niyong sabihin...Magkasama kami ni Caleb sa iisang cottage???".

"Oo...mag bf naman kayo...Wala namang masama di ba?".wika ni Mary Jane.

"Wag kang mag alala Madam baby...behave ako...".nakangiting wika ni Caleb sa kanya.

"Pwede bang kami na lang ni Joy ang magkasama sa cottage?".

"Almera,hindi ko gagawin ang mga bagay na ayaw mo...You don't have to worry okay???".paninigurado ng binata sa kanya.

Wala na ring nagawa ang dalaga kundi ang sumunod sa binata dahil halos ipagtulakan siya ng mga kasama na sumama sa binata patungo sa cottage na uukupahin nila pansamantala.

...

The Story Of Us(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon