Bago magsara ng restaurant ay bumaba pa rin si Almera para tumulong sa paglilinis ngunit hindi na siya pinahintulutan ni Gab. Anito ay mas dapat siyang magpahinga at mag relax at sila na lang daw ang bahala doon.Wala na ring nagawa ang dalaga ng ihatid siya ni Gab paakyat uli sa kwarto niya at ibilin na wag na siyang lalabas ulit kaya hindi na lang siya nakioagtalo pa sa kapatid.
"Thank you Gab...".mahinang wika niya sa kapatid bago ito lumabas ng kwarto niya.
"You are more than welcome ate..".anito bago siya iniwanan sa kwarto niya at bumalik sa paglilinis sa baba.
Ilang oras ding walang malay si Troy kaya naman nag usap ng masinsinan sina Emily at Roman dahil gusto ng una na ipakasal na ang binata kay Charrie sa lalong madaling panahon.
Katwiran ni Emily ay mas makakabuti kay Troy na makasal ito kay Charrie dahil bukod sa galing sa disenteng pamilya eh makakatulong pa ito sa negosyo nila. Bagay na tinututulan ni Roman dahil ayaw niyang mas lalo pang magalit sa kanya ang anak."Ano ka ba Roman?! Para sa kinabukasan din yan ng anak mo at sa mga magiging apo mo!".
"Emily di ka pa ba napapagod?! Halos lahat na lang ng bagay gusto mo ang masunod?!".
"Aba!! Bakit Roman,hindi ba dahil din sakin kaya tayo nagtatagumpay?! Wag kang makaasta asta diyan na walang idinulot na mabuti ang mga ginawa ko!".
"Enough Emily! Pakialam mo na lahat wag lang ang anak ko!".
"Ahh talaga Roman?! Hindi ba't kung hindi dahil sakin kaya mas lalo pa tayong yumaman?!".
"Nakuha mo na lahat ng gusto mo Emily..Please lang wag mo ng idamay pati ang anak ko! Let him choose whom he wants to marry!".
"Saan? Kanino? Dun sa pinakasalan niya sa Pilipinas? Eh baka perahan lang siya nun eh!".
"That woman doesn't know everything.....Ang alam lang niya ay isang musikero ang anak ko pero minahal niya pa rin ito at tinanggap.".
"So,don't tell me pabor ka na yun ang makatuluyan ng anak mo?!".
"If my son loves her,who am I to resist?".
"The problem is,she doesn't deserve your son!".
"Shut up Emily!!! My son left me when I choose you over his mom! Don't make him leave once again because of you! Stay away from my son's personal life..Troy ain't one of your puppets!".galit na galit na ani Roman na siyang ikinagulat ni Emily.
"You're not his mother! Stop acting like you own him!".muling dagdag ni Roman bago nito iniwan si Emily na hindi nakahuma sa kabiglaan.
***
Dahan dahang iminulat ni Troy ang mga mata niya at agad na sumalubong sa kanya ang nag aalalang mukha ni Charrie.
"Hi..".mahinang bati nito.
"Hi...".
"Are you alright? May masakit ba sayo?".
"Wala naman....Where's my wife??".
"Ha? ahhh...".
"My wife... Where is she??? I want to see Almera...".
''Kasi Troy...Madami kasing nangyari since that night na inatake ka...".
"W-what??".
"Andito ka sa Florida ngayon....Para sa heart transplant mo...".mahinahong paliwanag ng dalaga.
"Heart transplant? Bakit?".
"Lumala na kasi ang kondisyon mo...You have to undergo heart transplant...If not you'll gonna die...".
"Oh my God... Si Almera?? Alam niya ba lahat ng nangyari? Bakit di ko siya kasama diti? Asan siya?".sunid sunid na tanung ni Troy.
"Nasa pilipinas siya... She can't come with us... And yeah,she knows everything... Including your real identity... Tita Emily told her everyrhing..".
"Ohh no!! Baka galit na si Almera sakin!".tila nahihintakutang wika ni Troy.
"Maybe she understands everything...Di ka naman aalis kung hindi kailangan...besides mas nakabuti nga sayo kasi magaling ka na ngayon....".
"Bakit sinabi ni Tita ang totoong pangalan ko?! Bakit kahat na lang pinapakialaman niya? Ako lang ang may karapatang magpaliwanag o magsabi sa kanya ng ganyan!".
"Tita did it para makuha ka niya kay Almera,para maoperahan ka sa lalong madaling panahon..".
"Babalik na ako sa Pinas, asan na ang passport ko?".
"You can't travel until you're fully recovered..".ani ng dalaga sa binata.
"Where is my phone,tatawagan ko si Almera,magpapaliwanag ako..".
"You don't need to worry so much Troy...makakasama sayo...Magpagaling ka muna..".mahinang wika ng dalaga kay Troy na kahit labag sa loob nito ay sinunod pa rin ang dalaga. Kailangan niyang magpagaling para makauwi na siya sa kanyang asawa.
Dumaan ang mga araw,linggo at buwan na itinuon ni Troy ang kanyang atensyon sa kanyang kalusugan. Gusto niyang maging healthy na siya para pag uwi niya sa Pinas ay okay na ang estado ng kalusugan niya.
Magkasama man sila sa bahay ng madrasta ay naging mailap siya dito at halos hindi niya ito kausapin dahil sa galit niya rito. Hindi niya malilimutan ang araw na dumating ito sa buhay nila na siyang naging dahilan para atakehin sa puso ang ina niya at tuluyan itong mamatay.
Malayo man sa asawa ay nag hire siya ng susubaybay dito habang wala siya. Gusto niya pa ring masubaybayan ang asawa kahit kahit milya ang layo nila sa isa't isa.
"Hello Nathan...Anong balita?".tanung ni Troy sa inupahan niyang magbabantay kay Almera.
"She's pregnant Sir...".
"P-pregnant?! To whom?! Nag asawa na siya?!".
"Wala naman ho akong nakikita na ibang lalaki na kasama niya bukod sa kapatid niya..".
"Is there any possibilities that....ahhmmm...If it's mine?".
"Iimbistigahan ko po para sainyo Sir..".magalang na sagot nito.
"Please Nathan..Thank you....".
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Malakas ang pakiramdam niya na kanya ang dinadala ni Almera at ngayon pa lang ay nais na niyang magbunyi.
...
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!