Kilig na kilig sina Joy at Aling Nita habang pinagmamasdan si Caleb na masuyong kinakantahan si Almera. Batid nilang napakasaya ng sandaling iyon ni Almera at alam nilang deserve iyon ng dalaga. Lalo na kung kagaya ni Caleb ang mag mamay ari ng puso nito."Para sayo...''.nakangiting wika ni Caleb sabay abot sa dalaga ng tatlong rosas na magkakaiba ang kulay.
"Salamat...".nahihiyang wika ng dalaga habang inaabot ang nga bulaklak.
"Wala yun...Ako nga ang dapat magpasalamat sayo at sa Diyos...Dahil binigay ka niya sakin...And if God permits I am hoping na hayaan mo akong maging bahagi ng buhay mo...".
"B-bakit nga pala iba iba ang kulay ng roses na binigay mo dati white lang...ngayon red,pink and white na...".pag iiba niya sa usapan dahil pakiramdam niya ay nasusuffocate na siya sa kilig na nararamdaman.
"White roses symbolizes my pure intention, pink roses symbolizes my gratitude because God gave me you and red roses symbolizes my never ending love for you Almera..".ani ng binata na titig na titig sa kanya.
"Ahhh...Eehhh....Kumain ka na b-".
"Will you be my girlfriend Almera?".putol ng binata sa sasabihin niya sabay luhod sa harapan niya na tila ba nagsusumamong umayon siya sa sinasabi nito.
"Wwoooooooooooaaahhhhhhhhhhh!!!!!! Sasagot na yan!!!".malakas na sigaw ni Mang Poldo na may hawak pang kawali mula sa kusina.
"Oo na yan!!!".sigaw naman ni Aling Nita sabay apir sa katabing si Joy.
"Omegaaadddd!!!! Sagot na ate!!! Wag ka ng pakipot, ayaw mo nun may boy ka na may taga harana ka pa!!!".pang aalaska naman ni Gab na kadarating lang.
"Hahahahaha..Oo nga ate,saka baka may kakilala pa yan na kaedad ko na magaling din kumanta...Malay mo siya na pala ang soulmate ko".wika naman ni Joy sabay hagikhik.
"Anong soulmate ang pinagsasabi mo diyan Joy,hala umakyat ka sa taas at mag aral ka dun..Kabata bata mo pa soulmate agad nasa isip mo. ".ani ni Gab sabay nilakihan ang mata para matakot ang bunsong kapatid.
"Ano ba naman 'to si Kuya nagbibiro lang eh..".nakasimangot na sagot ni Joy.
"Pwes,hindi nakakatawa ..akyattttt...!".seryosong wika ni Gab sabay turo ng hagdan kaya naman mangiyak ngiyak na tumakbo paakyat si Joy samantalang pigil naman ang tawa ni Gab.
"Almera??? Pwede ko bang malaman...Kung pwede na ba kitang tawaging girlfriend ko..?".
Napapakagat labi na lang ang dalaga lalo na ng makita niya ang lahat na nakatingin din sa kanya na tila ba napakaimportante ng isasagot niya.
"They all agreed...Pero yung sagot mo ang gusto kong marinig...Papayagan mo ba akong angkinin ang puso mo??".kabadong ani ng binata sa kanya.
"C-caleb....K-kasi hindi ko pa nararanasang mag b-boyfriend eh...".kandautal na sagot niya sa binata.
"And....??".
"I'm scared with the thought na maybe our story will not work as how it should be...''.
"Almera...Listen...".mabilis na wika ng binata sabay tayo at ikinulong ang pisngi niya sa magkabilang palad nito.
"Huh??".
"You don't have to fear about everything....Our story is OURS to make and ours to prove..If we want to make our story lasts forever we have to work on it hand in hand....Ito ako Almera...I am offering you my whole being to be yours...And I promise you that I will do everything just make you happy with me..".ani ng binata habang nakatitig sa kanya ng buong pagsuyo.
"I hate promises Caleb...Natatakot akong sumug-".
"But I'm going to prove you that I'm worth it...please Almera...will you be mine???".
Dahil sa pagsusumamo ng binata at sa sensiridad na nakabalatay sa mga mata nito ay unti unti ng nangiti ang dalaga kasabay ng marahang pagtango.
"What do you mean??? Is it yes Almera??".nanlalaki ang mga matang ani ng binata.
"Oo....".mahinang bulong niya.
"Yes means tayo na???!!!!!!".
"Oo nga...".
"Hahahahahahaha!!!! Yes,thank you Lord!!!!".mangiyak ngiyak na sambit ng binata kasabay ng pagyakap ng mahigpit sa dalaga.
Maging sina Mang Poldo ay nakisaya na din sa panibagong yugto ng buhay ni Almera sapagkat alam nila na sa pamamagitan ni Caleb ay mas magiging masaya pa ang dalaga.
"I love you so much Almera....".madamdaming wika ng binata sabay halik sa noo niya ng buong pagmamahal.
"Welcome sa pamilya Almonte bayaw. .Wag mo lang sasaktan si Ate dahil makakatikim ka sakin..".nakangiting wika ni Gab sabay lapit sa kanila para makipagkamay bilang pagbati sa binata.
"Oo naman...Di ko sasaktan ang ate nyo...".nakangiting turan ng binata sabay pisil sa palad ng dalaga.
"Kailangan may celebration,Nita halika at magluto tayong dalawa..Caleb dito ka na maghapunan,sabihan mo na din yung mga kabanda mo na sumaglit dito."nakangiting wika ni Mang Poldo bago pumasok sa kusina bitbit ang kawaling hawak hawak nito.
"I love you...".masuyong wika ng binata sa dalaga sabay yakap ulit dito.
"I love you too....".nakangiting wika ng dalaga habang nakatitig kay Gab na masayang masaya para sa kapatid.
...
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!