"Tita sino po ang babaeng iyon?? Totoo ba yung sinabi niya na siya ang asawa ni Troy?"."Don't mind her hija..Besides their marriage is just a piece of paper na wala namang halaga...".
"What do you mean po Tita?".
"Well pekeng birth certificate ang ginamit ni Troy sa pagpapakasal niya since Caleb ang ginamit niyang name at yun ang pagkakakilala sa kanya ng babaeng iyon...So it means walang halaga yung kasal nila..Isang malaking palabas lang yan .".
"Pero bakit siya pinakasalan ni Troy knowing na ikakasal na po kami??".
"Maybe he was trying to prove na siya pa rin ang masusunod sa buhay niya at hindi ang ama niya at ako..You know him masyadong ma pride,kaya nga yan nagtago ng ilang taon para lang walang magmando sa kanya ng mga dapat niyang gawin. After all lahat naman ng gusto namin eh para din naman sa kanya...Ewan ko ba sa batang yan naghahanap palagi ng sakit ng ulo..".
"Di kaya mahal niya ang babaeng yun kaya pinakasalan niya?".malungkot na wika ni Charrie.
"Hija,listen.....If Troy loves her so much for sure totoong pangalan niya ang gagamitin niya...Kita mo naman hindi di ba? May pag asa pa kayong dalawa hija...".
"Pero tita..".
"Charrie...Ikaw ang gusto kong maging manugang....edukada,mayaman,mabait,maganda at higit sa lahat maalam sa pasikot sikot ng negosyo natin..This is your time para maipadama kay Troy na mahal mo siya...Ngayon ka niya kailangan...Ngayon ka pa ba susuko after so many years of waiting?.".
"Sige po Tita..Di ko lang po siguro maiwasang mag isip. Babae din ako at naaawa ako sa kanya....".
"You don't have to,inagaw niya sayo ang mapapangasawa mo,kaya di mo kailangang maawa sa kanya. Bueno tawagan ko muna yong secretary ko para maiayos ang mga papel ni Troy para madala ko na siya sa States..malaki ang chance niya na makasurvive ng operasyon doon. Kailangan ko din kausapin ang doktor niya para mairelease siya dito."
"Okay po...Titingnan tingnan ko po muna si Troy....".ani Charrie habang nakatanaw sa salaming bintana ng kwarto ni Troy habang busy ang matanda sa kausap nito.
***
Tok! Tok! Tok!
Tatlong malalakas na katok ang pumukaw kay Dr.Cruz habang nagpapahinga saglit sa kanyang opisina.
"Please come in.".
"Ikaw ba ang doktor ni Troy??".tanung ng matandang babae kay Dr. Cruz pagkapasok na pagkapasok nito.
"Sino pong Troy Maam?".magalang na sagot ng doktor.
"Also known as Caleb."seryosong sagot nito.
"Ahh..yung pasyente ko pong nangangailangan ng heart transplant?".
"Yes."
"Ako nga ho.. Ano ho ang maipaglilingkod ko sainyo? Kaano ano niyo ho ang pasyente?".
"I'm Emily,his stepmom..".pagpapakilala nito.
"Oh,nice to meet you Maam."
"Gusto ko siyang itransfer ng ospital....O dalhin siya papuntang States....Is there any way na mangyari yun?''.dire diretsong sabi nito.
"His condition is worst until now.
..Kaya nga under observation pa rin siya...And I don't think makakasurvive siya ng byahe on air."."Pero sa states ko siya gustong maoperahan. I know mas maayos at mas hightech ang mga gamit nila doon kaya mas magiging panatag ako kung andun siya ipapagamot."
"50/50 ang chance niyang maka survive,If you insist na dalhin siya sa America kailangan mong magsama ng nurse na titingin tingin sa kanya habang nasa byahe....Baka mahirapan siyang huminga while on flight or ma cardiac arrest siya or worst yun pa ang ikamatay niya ."
"If I bring some nurses to look after him during flight....Okay na ba yun?".
"You still have to sign the waiver na kung anuman ang mangyari sa kanya our hospital isn't liable for what happened."
"Okay, I'll sign..".walang pagdadalawang isip na sagot nito.
"What about his wife? Does she -".
"Kasama ba sa pagiging doktor mo ang pagiging tsismoso? If not, spare me with your questions..".mataray na sagot ng matanda dito kaya bigla itong natameme.
***
Pagdilat pa lang ng mata ni Almera ay bumulaga na sa kanya ang puting kulay ng kisame at ang amoy ng mga gamot. Dinig rin niya ang mga ingay mula sa iba't ibang mga tao ngunit pakiramdam niya ay ayaw niya pang bumangon.
"Gising ka na pala ate.tamang tama ipinagbalat kita ng orange at apple..para may makain ka...From now on kailangan mong kumain ng masustansiya lalo sabi ng doktor eh may baby ka na daw..".matabil na wika ni Joy sa kapatid.
"Oo nga naman ate..You have to be strong..Para sa baby mo at wag kang mag alala dito lang kami lagi...Di ka namin iiwan..".segunda naman ni Gab.
"Yung baby ko..?".
"Okay naman siya sabi ng doktor...Nothing to worry po...".muling sagot ni Joy.
"S-si Caleb??".mahinang tanung niya sa mga kapatid ng maalala ang asawa.
"Ahhmmm......Ano kasi ate...".
"A-ano Joy??".
"Wag kang mabibigla ate ha....".
"Bigla saan?!".tarantang sagot niya sa kapatid.
"Kasi ate wala na siya eh...".biglang sabat ni Gab.
Tila bombang pumasok sa buong kamalayan ni Almera ang narinig kasabay ng pangangatal ng buong kalamnan niya.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan Gab!".malakas na sabi niya sa kapatid.
"Wala na si Kuya Caleb ate....".ulit nito.
"Wag mo akong binibiro ng ganyan Gab ha! Husto na! Andami ko ng stress wag ka ng dumagdag!".babala niya sa kapatid.
"I'm sorry ate...Pero yun ang totoo...".
Hilam na hilam sa luha ang mga mata ni Almera at kahit nanlalabo ang paningin at nanghihina ay pinilit niya pa ring tumayo para puntahan ang silid ng asawa.
"Calebbb!!!".malakas niyang sigaw habang pilit na naglalakad ng mabilis.
"Ate...baka makasama sa baby mo!".tarantang awat sa kanya ni Joy.
"Bitawan mo ako..Pupuntahan kong asawa ko!".umiiyak niyang sabi sa kapatid habang pilit na kumakawala dito.
"Ate ano ba..Huminahon ka..".sabat naman ni Gab.
"Bitawan niyo ako!".nangangalit na sigaw niya kay Joy kaya binitawan siya nito dahil sa takot.
"Caleb....Wag mo akong iiwan...di ko kaya...please...".tila nagsusumamong sabi ni Almera habang natatanaw na ang inookupang kwarto ng asawa kaya naman mas pinilit niyang bilisan ang paglalakad papalapit dito,habang sina Joy at Gab naman ay tahimik na nakabuntot sa kapatid.
...
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!