17

1K 16 0
                                    



"Where is my stepson?!''.pagalit na tanung ng isang matandang babae na sa tingin niya ay nasa singkwenta anyos na. Kung titingnan ang pisikal na anyo nito ay mapapansin agad ang pagiging mayaman ng matanda dahil sa pananamit at sa mga alahas na nakapulupot sa katawan nito.

"Nasa loob pa po ng ICU maam...".mahinang sagot niya dito.

"You must be Almera?".nakataas ang kilay na sagot nito sa kanya bago siya nito tiningnan mula baba at taas niya na waring sinusuri siya nito ng maiigi.

"Ako nga po...asawa po ni Cal-".

"Oh c'mon hija....Seriously?!".

"Bakit ho?".

"Tell me,san mo siya nakilala? Kilala mo na ba talaga siya para pakasalan mo siya?".sarkastikong sagot nito sa kanya.

"Kakakasal lang ho namin maam..".nanginginig na sagot niya rito.

"Using his fake birth certificate and wearing his fake identity?! oh yeah..".

"Pero legal ho ang kasal namin..".pagpipilit niya dito.

"You know what hija,ngayon lang ako nakatagpo ng isang taong ubod ng tanga..Can you imagine nagpakasal ka sa isang tao without checking his background?!".

"Dahan dahan naman ho kayo magsalita Maam!".biglang saway ni Gab sa matanda ng makita nito ang pangangatal ng katawan ni Almera.

"Am I talking to you?".the old lady replied.

"Maam,please do respect my sister. She doesn't deserve to be humiliated by you!".

"Hahahaha! Why? Masama na ba ang magsabi ng totoo? Your sister married my stepson without knowing his background? Is it my fault kung tatanga tanga kayo?!".

"Maam! Tao ho kaming nakikipag usap sainyo kaya sana matuto rin kayong magpakatao! Sayang ang ganda ng pananamit mo kung ang ugali mo naman ay parang sa aso!".di nakapagpigil na bigkas ni Gab.

"How dare you talk to me that way! ". namumula sa galit na sagot ng matanda.

Sasagot pa sana si Gab ngunit pinigilan ito ni Almera.

"Tama na Gab...please...".

"Pero ate,binabastos ka na niya!".

"Tama na..".muli niyang pakiusap sa kapatid.

"This is his birth certificate and other personal documents and all of them is original.. .I am really sorry to inform you that your so called marriage is null and void. Technically you are not his wife."madiing wika nito sa kanya sabay abot sa kanya ng ilang papel na nakasalansan.

Dahan dahan niya itong kinuha at masusing tinitigan at doon nga ay nakita niya ang mga personal documents ni Caleb at nakalagay nga sa papeles nito na ang tunay na pangalan nito ay Troy Crisostomo Estevez.

"See?? Now naniniwala ka na ba sakin?".tila nangungutyang wika nito sa kanya.

Halos hindi siya makapagsalita dahil sa labis na kabiglaan. Bakit nga ba madali siyang nagpaloko kay Caleb?

***

"Tita...Where is he???".wika ng isang babae na humahangos pa ng dumating.

"Nasa ICU pa daw Charrie...Kakausapin ko ang doktor..Ililipat ko siya ng ospital. I've heard na lumala na ang kondisyon niya at hindi na kinaya ng gamot....I think kailangan na naming sumunod kay Roman sa states..".

"T-teka lang ho..hindi po pwede yan!".sansala niya sa sinabi nito.

"At bakit?!".nakataas ang kilay na sagot ng matanda sa kanya.

"Who is she tita?".sabad naman ng magandang babae.

"Ohhh don't mind her hija...She's nothing...".sagot nito sa babae.

"Ako ang asawa niya.".maikli ngunit matigas niyang sagot dito.

"What are you talking about?! Are you kidding me? Ako ang fiancee niya so paano ka niya magiging asawa?".takang tanung nito.

"Fiancee?".tila nanghihina niyang tugon.

"Yes,I'm his fiancee...Actually we have a long time engagement since he left us when his mother died....Sabi niya magsosoul searching lang siya at babalik din agad....My God,kaya pala nahirapan kaming hanapin siya kasi nagpalit siya ng pangalan.".sagot nito sa kanya.

"Yeah,ginamit niya ang pangalan na binigay sa kanya ng nanay niya..Buti na lang hindi tumigil si Roman sa pagpapaimbestiga mahanap lang yang anak niyang sakit sa ulo...".sagot naman ng matanda.

Dahil sa napakaraming stress at sama ng loob ay tuluyan ng bumigay si Almera at agad na nawalan ng malay. Buti na lamang at nasalo siya ni Gab bago pa siya tuluyang bumagsak.

"Ate!! Ate!".tarantang wika ni Gab sa walang malay na kapatid.

...

The Story Of Us(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon