16

1K 22 0
                                    



Nangangatog ang mga tuhod na bumaba si Almera dahil paulit ulit siyang tinawag ni Mang Poldo. Maging sina Gab at Joy ay naalimpungatan na din kaya sumabay na rin sa pagbaba ng hagdan.

"Ano nga yung sinabi mo Peter?".basag ang tinig na tanung niya ng makalapit siya sa mga ito.

"Isinugod nila Jared sa ospital si Caleb,nagpaiwan ako para ipaalam sainyo yung nangyari....Kinailangan na kasi siyang madala agad sa ospital para matingnan agad siya...".

"B-bakit?? Anong nangyari???".

"Di ko alam...Okay naman siya eh,tapos bigla na lang siyang natumba... Ihahatid kita kung saan siyang ospital dinala!".

Umiiyak siyang sumunod dito habang sina Mang Poldo naman ay nangakong susunod sa kanya agad at isasara lang ng maayos sang restaurant.

Habang nasa biyahe ay lihim na nananalangin na sana ay okay lang si Caleb at walang masamang nangyari dito. Kaya pala ganun siya bago siya umalis,yun pala ay nagpapahaging na ito na may masamang mangyayari sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin kapag nawala siya...".bigla niyang naibulalas habang lumuluha.

"Let's be positive...Kaya yan ni Caleb..matapang yun!".pagpapalakas ng loob ni Peter sa kanya.

"Sana nga...sana nga..".paulit ulit niyang sabi habang hinahaplos ang tiyan niya,kung kailan naman nagbunga na ang pagsasama nila ay saka naman sila susubukin ng tadhana.

***

"We're here..".wika ni Peter matapos nitong patayin ang makina ng oto nito at kapagkakuwa'y bumaba na kaya naman bagmamadali na rin siyang lumabas at sumunod dito kung saan ito patungo.

"Almera...".malungkot na ngiti ni Jared ang sumalubong sa kanya ng makarating siya sa kwartong inuukupa ng binata.

"Asan siya..Anong nangyari sa kanya???".

"I think you should talk to his doctor...Palabas na rin yun..".paiwas na sagot nito bago sila naupo sa silyang nakahilera sa gilid ng ospital.

Maya maya pa ay lumabas ang isang matangkad na lalaki na hinuha niya ay siyang tumingin sa asawa.

"Sino po ang kamag anak ng pasyente?".tanung ng doktor sa kanila paglabas nito sa kinaroroonan ni Caleb.

"Ako ho asawa niya po ako....Anong nangyari sa asawa ko..kumusta na siya??".mangiyak ngiyak niyang sagot dito.

"I'm Dr. Cruz ...I'm sorry misis..tatapatin na kita at hindi na ako magpapaliguy ligoy pa. Your husband needs a heart transplant."

"W-w-what?".kandautal na sagot niya sa doktor.

"You heard it right....di ba nasabi sayo ng asawa mo??".

"Ang alin doc?".naguguluhang sagot niya rito.

"Inatake sa puso ang asawa mo. He has DCM and he needs heart transplant."

"H-heart transplant???!".

"His heart is already enlarged,kapag hindi siya naagapan baka ikamatay niya yan dahil tiyak na maaapektuhan ang iba pa niyang organs....Pag nangyari yun malaki ang chance na bumigay na ang katawan niya at hindi niya na kayanin.

"Pero wala akong alam na maysakit siya na ganyan.....Lagi kaming magkasama at ni minsan wala akong nakita o naramdamang kakaiba sa kanya..".

"Maybe itinago niya yun sayo for so many months or years...But now,we have to hurry, the time is running and he's in danger."

"Hindi na po ba madadala sa gamot??? Kungsasailalim siya sa heart transplant saan ho siya ooperahan dito?? Maghahanap pa po ba tayo ng donor?".

"Hindi kaya ng ospital na ito na magsagawa ng heart transplant dahil hindi pa kami ganun kakumpleto sa mga kagamitan. I suggest na dalhin niyo siya sa mas magandang ospital sa lalong madaling panahon."

"Diyos ko po...".hilam ang luhang bigkas niya habang nanginginig ang buong katawan.

Tila nawalan ng lakas ang mga tuhod niya dahil sa nalaman. Paanong nagkaroon ng sakit sa puso si Caleb. Bakit hindi man lang niya nalaman?

"Almera..ito nga pala ang mga gamit ni Caleb...kanina pa may tumatawag na diyan..Di lang namin masagot..".wika ni Hiro sa kanya sabay abot ng itim na bag ni Caleb na lagi nitong bitbit.

Maya maya nga ay nag ring agad ang cellphone ng asawa kaya agad niya iyong kinuha ngunit hindi niya kilala ang number na tumatawag.

"Kanina pa yan tawag ng tawag eh,di namin alam kung sino yan...Ikaw na lang ang sumagot total asawa mo naman si Caleb".ani Hiro.

"Hello?! Sa wakas sinagot mo din!! Kahapon pa ako tawag ng tawag sayo dahil nag aalala ang Daddy mo sayo! Kailan mo ba maiisipang umuwi dito para maipagamot ka na?! Gusto mo na ba talagang mamatay?!".sunod sunod na wika ng babae sa kabilang linya.

"S-sino po sila??".takang tanung niya sa kausap.

"Huh?! Ikaw ang sino ka! Bakit hawak mo ang cellphone ni Troy??".

"Sinong Troy?".naguguluhang tanung niya ulit sa kausap.

"Are you fucking kidding me?! Sino pa eh di ang may ari ng cellphone na yan!".iritableng sagot nito.

"Baka ho wrong number kayo Maam,kasi hindi po Troy ang pangalan ng may ari nito...Caleb po ang pangalan niya.".

"Oh my God...Troy ang pangalan niya pero Caleb ang palayaw ng nanay niya sa kanya,that is why, where is he? Gusto ko siyang makausap. Hinahanap na siya ng tatay niya. Teka sino ba 'to?!".

"Ako ho si Almera....asawa ni Caleb".naluluhang sagot niya.

"What?!!!!!!!!".malakas na sagot nito na halos ikabingi niya.

"Nasa ospital po kami...naka confine siya kasi inatake siya kagabi..".umiiyak niyang sabi rito.

"Damn!! Sabi ko na nga ba eh,napakatigas kasi ng ulo ng batang yan nakakainis!!! Saang ospital?!".

Halos di na niya namalayan ang pagsagot sa babaeng kausap at kung paano siya nito babaan ng telepono.

Tila gusto niyang himatayin ng mga sandaling iyon dahil sa sunod sunod na kaganapan sa kanilang buhay.

Sino ang babaeng kausap niya at pano naging Troy ang pangalan ni Caleb???

...

The Story Of Us(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon