Three months later..."Ate....Kailan niyo balak mag baby ni Kuya Caleb?? Naiinip na ako,gusto ko ng magkaroon ng pamangkin eh..".wika ni Joy sa kanya isang gabi habang tumutulong ito sa pagliligpit sa kusina dahil wala itong pasok.
"Di ko din alam....Baka hindi pa namin time kaya hindi pa kami nabibigyan ng baby..Pero nagtatry naman kami...''.
"Bilisan mo na ate...Ilang taon ka na oh..".
"Tigilan mo nga ako Joy...Pati ako naestress na sa kakakulit mo...Alam mo kahit ako man naiinip na..Lalo na nakikita kong sabik na rin magkababy si Caleb..".
"Kaya nga sana magkababy na kayo as soon as possible para one big happy family na tayo....".excited na sagot ni Joy sa kanya.
"Oo nga naman Madam baby...Para mayroon na tayong habul habulin dito sa bahay....Pero sana magmana sakin,para may taga harana sayo kapag wala ako..".biglang singit ni Caleb na kakababa lang sa hagdan.
"Hmmpp..Dapat sakin magmana para masarap magluto...".
"Hay naku...Mag baby muna kayo bago niyo pagtalunan yan,hahahaha!!".tukso ni Joy sa kanila habang nakatawa.
"Pwede naman eh,tara sa taas Almera..".game na game na sagot ni Caleb.
"Ewan ko sayo ..Ihahanda ko na ang kakainin mo bago ka pumasok..".natatawang sagot niya sa asawa bago niya iniwanan ang dalawa na nag apir pa sa isa't isa.
Napapangiti na lang siya sa pagiging malapit ni Caleb sa mga kapatid. Parang magkakaibigan lang ang mga ito at isa iyon sa pinagpapasalamat niya. Bukod kasi sa napakaalaga ni Caleb ay talagang napakabait nito at magaling makisama kaya kahit sina Mang Poldo ay walang masabi dito. Wala siyang masabi sa mga effort ng asawa niya sa kanya at kahit pagod na ito sa trabaho ay sinisiguro pa rin nitong tinutulungan siya sa negosyo niya.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan. May hinala siya na nagdadalantao na siya pero ayaw niya munang magsalita dahil hindi pa siya sigurado. Gusto niyang makatiyak na totoo ang hinala niya bago sabihin sa kanila para hindi ma disappoint ang mga ito kapag false alarm lang ang nararamdaman niyang sintomas.
Bumili na siya ng pang pt at gagamitin niya iyon pag alis ng asawa para di siya mahuli nito."Kain na po Mahal na hari..".nakangiting wika niya sa asawa sabay lapag sa harapan nito ang mainit na kanin at mainit na sinigang na baboy at iba pa.
"Ito ang isa sa mga bagay na gustong gusto ko sa asawa ko eh..Napakamaalaga,magaling magluto,masarap magmahal at napakaganda..".
"Bolero ka talaga kahit kailan Caleb."
"Madam baby,iba ang bola sa pagsasabi ng totoo...".
"Ewan ko sayo...bilisan mo na ang pagkain at mamaya andito na mga kasama mo..".
"Opo Madam baby...".anito sabay kindat sa kanya.
Maya maya lang ay tahimik na itong kumakain kaya ipinagpatuloy niya na lang ang pagliligpit sa kusina.
***
"Alis na ako Madam baby....'til next time..".nakangiting wika ni Caleb matapos itong sumungaw sa pintuan ng kusina.
"Anong 'til nex time?? Ilang oras lang dito ka na oyy!".saway niya sa asawa.
"Ikaw naman di ka na mabiro....Alis na ako ha..Andiyan na sila Jared sa labas...".
"Sige,mag iingat ka ha..".
"Mahal na mahal kita Almera... lagi mo yang tatandaan ha..".
"Mahal din kita..".
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!