Pagkarating nila sa ospital ay agad na isinugod sa emergency room si Caleb at sa delivery room naman si Almera. Nakasunod naman ang ownertype jeep nila Mang Poldo ngunit si Gab ang nagmamaneho dahil inasikaso ni Mang Poldo ang mga pulis na naroon at nag iimbestiga."May alam ho ba kayong gagawa ng ganito sainyo??".ika ng pulis kay Mang Poldo.
"Wala Sir..mababait ang mga amo ko ..".sagot naman ng matanda.
"Kung gayon sino naman kaya ang may motibo sa nangyari sa kanila? Paniguradong sadya iyon sapagkat kung aksidente man,tiyak na makikipag cooperate ang nakasagasa sa kanila.".
"Yan nga po ang palaisipan sakin Sir..Wala akong ala na kagalit ng magkapatid...".
Nasa ganoon silang pag uusap ng dumating si Gerard na bahagya pang nagtataka dahil may mga pulis na kausap si Mang Poldo.
"Mang Poldo,ano hong nangyari??".
"Nasagasaan kasi yung asawa ni Almera kanina diyan. Mukhang may galit ang gumawa kasi pinuntirya talaga si Almera..Nailigtas lang siya ni Caleb ehh..Yun nga lang si Caleb ang napuruhan...Natatakot nga ako na baka mapano yun..Sabi ni Gab 50/50 dw ang lagay niya..".
"A-ano ho?!!!".malakas na sabi ulit ni Gerard sa pag aakalang nagkamali lang ng narinig.
"Yung asawa nga ni Alme-".
"Saan po silang ospital nakaconfine...Pupunta ho ako!".
"Sabay na tayo Gerard....Di rin kami magbubukas ngayon eh..".ani Mang Poldo sa binata.
****
"Oh my God....Anong nagawa ko?? Hindi dapat si Troy ang nasagasaan!! Hindi siya ang dapat na nasaktan!!".umiiyak na wika ni Emily habang nagdadrive ng matulin.
"I am sorry...I am really sorry!!! Di ko sinasadya....di ko sinasadya!!!".Paulit ulit na wika ni Emily habang nanlalabo ang paningin dahil masaganang luha na dumadaloy sa mata niya.
"Anong gagawin ko???!! Di ako pwedeng makulong!!! Tama!! Babalik na lang ako sa Florida!! Total wala namang nakakaalam na andito ako..hahaha...Babalik na lang ako samin!!".tila nababaliw na wika ni Emily sabay kabig ng sasakyan para bumalik sa hotel ngunit huli na ng mapansin niya ang ten wheeler truck na sasalpuk sa kanya.
"Hinddddddiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!!!".malakas na sigaw ni Emily bago niya pa marinig ang nakakangilong pagsalpuk ng truck sa kotse niya hanggang sa tumalsik ito at mapipi na parang lata.
"No.....".naghihingalong wika ni Emily bago siya makagutan ng hininga dahil sa malaking pinsalang natamo niya sa katawan.
*****
"Ate,dito lang ako...di kita iiwan!!".sigaw Gab sa kapatid habang isinusugod ito sa delivery room.
"Gab... Si Caleb....wag mong pababayaan ang kuya mo!!".malakas na pakiusap ni Almera bago siya ipinasok sa kwarto ng mga nurse at doktor.
"Misis,tumahan na ho kayo...Hindi makakatulong sainyo ang pag iyak...Lalo at kailangan mong manganak...".
"Yung asawa ko kasi Doc...Baka mapano siya.." Umiiyak niyang sagot sa doktor.
"Wag ho kayong mag alala misis...Isa sa pinakamagaling na doktor ng ospital ang nag aasikaso sa asawa mo..Sa ngayon intindihin mo muna ang baby mo..Gusto mo ba pati baby mo malagay sa panganib?.".
"Ayaw po Doc...".
"Eh ano pa ginagawa natin? Eere na natin si baby..".nakangiting wika sa kanya ng doktor para gumaan kahit papaano ang kalooban niya.
"Sige po Doc..".
"Pagsabi ko ng push,ipush mo si baby ha...Madali lang 'to lalo nasa bukana na siya halos..".
"Sige po Doc..".
"Puuusssssshhhhhhhhh!!!!!".
"Aaahhhhhhhhhhhh!!!!".pawis na pawis si Almera habang pinupush ang bata palabas sa kanya. Gusyo niyang puntahan ang asawa pagkapanganak na pagkapanganak niya. Di siya makakampante na hindi natitiyak na okay na ang asawa.
"Isa pa Misis... Malapit na..".aniya ng doktor ng makitang nakalabas na ang ulo ng bata.
"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!".isang malakas na ere ang pinakawalan ni Almera at tuloy tuloy na lumabas ang sanggol sa kanya kasabay ng malakas na pag iyak nito.
"Congrats misis!!! Napakalusog ng anak mo..".masiglang bati sa kanyan ng doktor habang nililinis ang sanggol bago ipinatong sa dibdib niya.
"Mas magiging matibay ang bonding niyong dalawa dahil naririnig niya ang musika ng puso mo mommy...".ani ng nurse sa kanya habang hinahaplos ang mukha ng anak nila na biglang tumahan ng marinig nito ang tibok ng puso niya.
"Hi anak...Puntahan natin si Daddy anak.".naiiyak niyang wika habang hinahaplos ang munting balikat ng anak niya.
"Pero hindi pa po kayo pwedeng lumabas misis...nanghihina pa po kayo. ...".ani ng doktor na nag aasikaso sa kanya.
"Please Doc....maawa ka sakin...nasa panganib ang buhay ng asawa ko...Gusto ko siyang puntahan..Please doc...." Hiling pakiusap niya sa doktor.
"Pero misis hindi po pwede...".
"Pakiusap doc...gusto kong puntahan ang asawa ko...Di ko na alam kung ano na nangyari sa kanya..kaya please payagan niyo na ako..".umiiyak niyang pagmamakaawa rito habang hawak ang kanyang anak.
Balak niyang dalhin ang anak niya kay Caleb upang maramdaman nito ang malakas na koneksyon nila ng anak niya. Baka sakaling pag narinig ni Caleb ang iyak ng anak nila ay mas lalo itong lumaban para mabuhay.
"Nurse....Isakay niyo siya sa wheelchair at ihatid sa emergency room..".pagpapahinahod ng doktor sa kanya na nakapagpangiti sa kanya.
"Ayan anak...mapupuntahan na natin ang Daddy mo....".tuwang tuwa na wika niya sa anak bago siya dahan dahang inilipat sa wheelchair upang puntahan ang asawa.
Hindi mapakali si Gab habang pabalik balik sa paglalakad aa labas ng pinto ng emergency room kung nasaan naroon ang bayaw. Alalang alaka sita sa ate niya ngunit mas ginusto nitong bantayan niya si Troy kesa dito. Napaka selfless talaga ng ate niya para mas unahin pa ang iba kesa sa sarili nito.
Samantala napapalibutan naman si Troy ng mga doktor na nag aasikaso sa kanya. Pawisan na din ang doktor dahil madami na ang dugong nawala sa kanya dahil sa malaking sugat niya sa ulo.
"Doc!!".nalakas na sigaw ng nurse ng makitang nag flatline na ang monitor kung saan nila nakikita ang heartbeat ni Caleb.
Pagkakita pa lang ng doktor ay dali dali nitong nilapatan ng cpr ang binata ngunit walang response na galing mula dito kaya nagsimula ng magtinginan ang mga ito. They all know that they lost him.
"Gab!!".ani Almera ng mamataan ang kapatid.
"Ate!! Bakit lumabas ka na..baka mapano ka....Siya na ba ang pamangkin ko??".
"Oo Gab....Si Caleb,kumusta??? Okay na ba siya???".sunod sunod na tanung niya sa kapatid.
"I am sorry Mrs. We did everything but..... we lost him...".aniya ng doktor na kakalabas pa lang sa pintuan at nagtatanggal ng mask nito.
"A-ano hong sabi niyo?!".kinakabahang tanung muli ni Almera habang kumakabog ng malakas ang dibdib niya dahil sa isang masamang balita na narinig niya.
"I'm sorry Mrs. Pero di na niya kinaya ang lahat..It was too late for him and we couldn't save him..".
"Ano uli sabi nyo??? Akala ko ba isa ka sa pinakamagaling na doktor dito? Di ko alam na clown ka pala...ang problema nga lang di ako natatawa sa biro mo....".ani Almera habang unti unti ng nalalaglag ang mga luha sa mata.
"No.Mrs. I am really sorry for your loss...Condolence ho sainyo...".ani ng doktor bago nito binuksan ang pinto kung saan kita niyang nakahiga si Caleb habang tinatakpan ng puting tela ang katawan nito.
"Hindi!!!!!!!".malakas na palahaw ni Almera ng makita ang walang buhay na katawan ni Caleb.
...
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!