29

1.1K 18 0
                                    



"Gerard...kumusta si Almera?".ani Troy ng tawagan ang kaibigan pagkauwi niya sa hotel na tutuluyan niya pansamantala.

"Okay naman...Nasa kwarto lang at din pinababa ni Gab...Mga tahimik sila dito ngayon...Baka na shock nung nakita ka...Pasensya ka na di na kita nadaluhan kanina..di ko maiwan ang niluluto ko...".

"Ayos lang pare...At least nakita ko na si Almera...Babalik na lang ako diyan pare...Baka mamayang gabi bago kayo magsara...Sana kausapin na nila ako...".

"Ipagpabukas mo na lang pare..Magpahinga ka na din muna dahil alam kong may jetlag ka pa...Bukas tiyak na kalmado na talaga sila..".

"Ganun ba pare?".

"Oo..kaya ipahinga mo muna yang katawan at isipan mo..Bukas ka na lang magpunta rito..".

"Sige pare...Salamat ha...Kung anuman ang mangyari balitaan mo ko ahh..".

"Sige pare,makakaasa ka...Sige baba ko muna 'to madami kumakain ngayon eh..".

"Sige pare,pilitin ko rin munang umidlip..".

"Sige,ingat..".

Matapos silang mag usap ng kaibigan ay nagpasya muna siyang ihiga ang pagal na katawan. Dun niya naramdaman ang labis na pagod kaya ipinikit niya muna ang mga mata hanggang sa tuluyan siyang makaidlip.

Magpapahinga muna siya dahil pupuntahan niya ulit ang asawa kinabukasan.

***

Samantala kalalapag lang din sa naia ng eroplanong sinakyan ni Emily,hindi alam ng mag ama na sumunod siya kay Troy dahil mabilisan lamang ang pakay niya roon. Hindi siya papayag na tuluyang maibenta ni Roman ang kumpanya nila at umuwi na lang sa pinas. Sa Florida niya gustong manirahan at dun niya gustong manatili dahil naroon ang pera. Ayaw niyang maghirap sila kaya poprotektahan niya ang kumpanya nila at kung kailangan niyang gumawa ng marahas na hakbang para bumalik si Troy sa Florida ay gagawin niya.

"Touchdown....At last...".nakangiting wika ni Emily habang nagmamadaling  bumababa sa eroplano. May hotel na rin siyang tutuluyan at magpapahinga lang siya saglit dahil kinabukasan ay pupuntahan niya si Almera.

05:00am

Madaling araw na ng magising si Troy at nagkukumahog siya sa pagsepilyo para puntahan na agad sina Almera. Alam niyang gising na ang mga ito dahil mamamalengke sila at gaya ng dati ay nais niyang tulungan ang kabiyak kahit may tsansang ipagtabuyan siya ulit ni Gab.

Matapos magbihis ay nagmamadali siyang sumakay sa elevator at bago nagsara ang pintuan nito ay parang nakita niya si Emily na dumaan sa harap niya.

"Huh?! Emily?!".takang sabi ni Troy habang pilit na binubuksan muli ang elevator para makasigurado ngunit di na iyon bumukas.

"That's impossible....baka kamukha lang...".aniya sabay kibit balikat.

Ayaw niya na munang isipin ang stepmother na tila nahibang na sa katagalan. Gusto niya na munang isipin ang kanyang mag ina at kung paano niya maibabalik ang mga ito sa kanya.

***

Kanina pa kumikirot ang tiyan ni Almera at halos pagpawisan siya ng malamig dahil sa panaka nakang paghilab ng tiyan. Alam niyang kabuwanan na niya noon pero next week pa ang due date niya kaya naman kinakabahan na siya sa nangyayari sa kanya. Maya maya pa ay dahan dahan siyang lumabas sa kwarto para gisingin ang mga  kapatid dahil pakiramdam niya ay manganganak na siya ng mga oras na iyun.

"Gab...Joy....Aling Nita..".hirap na tawag niya sa mga ito habang napapangiwi siya sa pag ikot ng hilab ng tiyan niya.

"Manganganak na ata ako....Tulungan niyo ako..".aniya habang kinakatok ang pintuan ni Gab.

Di naman nagtagal at nagising din ang mga ito at sa taranta ni Gab ay kaagad niyang nabuhat ang kapatid papunta sa baba.

"Mang Poldo...pakihanda ng owner....Manganganak na si ate!!".pasigaw na utos ni Gab dahil sa pagkakataranta.

"Joy,ung mga gamit ni Ate kunin mo sa kwarto niya pati ang pera..bilisan mo!!".muling utos ni Gab kay Joy na natuliro na dahil sa takot.

"Joy ano ba! Kumilos ka diyan wag kang tumunganga!".bulyaw muli ni Gab sa kapatid ng makita itong nakatulala at hindi makakilos kung hindi niya sinigawan ay hindi pa ito maaalimpungatan.

Pagkalabas na pagkalabas ni Gab ay sakto namang naipadara ni Troy ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada at kitang kita niya na buhat buhat ni Gab ang asawa.

"Almera.....Anong nangyari??? Manganganak na ba siya?". Malakas niyang tanung kay Gab at patakbong nilapitan ang mga ito.

"Oo kuya!!".tarantang sagot ni Gab.

"Ikaw muna bahala kay Ate..kunin ko yung bag niya di ata nakita ni Joy kung saan.".muling ani Gab habang dahan dahang binababa si Almera na sapo pa ang tiyan at halos nakapikit na lang dahil sa sakit ng tiyan.

"Madam baby...Ayos ka lang??? Kaya mo yan... Andito na ako..".aniya sa asawa habang hinahalik halikan ang ulo nito.

Maya maya pa ay lumabas na si Gab bitbit ang bag at sabay silang nagtungo sa kotse at agad niyang ibinigay kay Gab ang susi para ito ang magmaneho at siya naman nasa tabi lang ng asawa.

Maingat niyang binubuksan ang pintuan ng kotse ng biglang may rumaragasang sasakyan na papalapit sa kanila at tila gusto silang masagasaan.

"Almera!!!".malakas na sigaw ni Troy sabay tulak papasok sa asawa para hindi ito mahagip ng sasakyan.

"Calllleeeebbbbbbbbbbbbb!!!!!!".malakas na sigaw ni Almera ng makita kung panong tumilapon ang asawa kasabay ng mabilisang pag alis ng sasakyan na tila ang target ay si Almera.

"G-gabbbbb!!!!!!  Gaaabbb!!!!  Si Callleebbbb!!!!! Aaahhhhhhhhhhhh!!!!!!".malakas na sigaw ni Almera at pilit na bumababa sa sasakyan para puntahan ang asawa na nakahandusay sa gilid ng kalsada.

"Ambulansiya!!!!! Tumawag kayo ng ambulansiya!!!".malakas na sigaw ni Gab kina Aling Nita na nanginginig pa habang tumatawag ng ambulansiya.

"Aaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!". Hirap na hirap na sigaw ni Almera habang paika ikang naglalakad papalapit sa asawa.

"Callleeebbbbbb!!!!!".halos mawalan ng malay tao si Almera ng makitang duguan ang asawa habang walang malay na nakahandusay sa kalsada.

Ng malapitan niya ang asawa ay sakto namang pumutok ang panubigan niya  kaya agad na tumakbo si Gab papalapit sa kanya.

"Ate, manganganak ka na!!".

"Si Calleebb Ggaaabbbb!!! Tulungan mo si Caleb wag ako intindihin mo!!".hiyaw ni Almera habang sapo sapo ang tiyan.

Kaagad namang lumapit sina Mang Poldo sa kanila ng marinig nila ang ugong ng ambulansya.

Maya maya pa ay agad na dinaluhan ng mga medics si Caleb at agad na isinakay sa stretcher at maging si Almera dahil manganganak na rin ito.

Sabay silang isinakay ng ambulansiya at magkatabi sila ng asawa habang nilalagyan ito ng oxygen sa ilong.

"Caleb...lumaban ka please.....Lalabas na ang baby natin,please lumaban ka!!!".hirap man sa pagsasalita ay pilit na sinasabi iyon ni Almera habang mahigpit na hawak ang kamay ng asawa.

"Caleb,mahal na mahal kita....Lumaban ka....Wag kang bibitaw!!".umiiyak na wika ni Almera lalo na ng makita niya ang pagpatak ng luha  sa mga mata ni Caleb. Batid niyang naririnig siya nito. Alam niyang naririnig siya ng kanyang asawa.

Kitang kita ni Almera kung papaanong mataranta ang mga medics sa pag aasikaso sa asawa dahil humihina daw ang pulso nito.

"Lumaban ka Caleb...Wag mo akong iiwannn..Please....kumapit ka....Aaaahhhhhhh!!!!!".malakas na sigaw ni Almera dahil pakiramdam niya ay nasa bukana na ng pwerta niya ang anak nila.

...

The Story Of Us(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon