"Ella ang bagal mo naman oh" Sabi ni Sophia. Ang nag iisa kong kaibigang babae.
"Wait lang maghintay ka" Aalis kasi kami ngayon at nandito pa ko sa loob ng kwarto ko.
"Lumalakad yung oras oh mamaya aalis na ako" Kaso nga lang sa America pa siya nag aaral at nakatira ngayon.Nagbakasyon lang siya dito sa Pinas.
"Eto na. Tara na" At ito ako.
Ella Grace Santos. 17 years old, mahirap lang ako at nakikituloy lang sa tita ko.
Patay na kasi ang papa ko pero hindi ko alam kung nasaan ang mama ko hindi ko kasi siya nakilala. Ang sabi kasi saakin ni Papa baby pa lang raw ako itinaboy na ako at si papa nang pamilya ni mama kaya nawalan ako ng pagkakataon na makilala ang mama ko pero hindi ako galit sa kanya naiintindihan ko naman siya.
"Tita! Alis na po kami!"- Sigaw ko nasa kusina kasi si Tita.
"Sige! mag-iingat kayo ah!"
"Opo.Bye po"-Pagka paalam ko umalis na agad kami.
~Fastforward~
"Ano 'to?" Tanong ko kay Sophia ng may iabot siya saakin na isang bagay.
"Lotion duh! Diba Obvious?" Pamimilosopo niya. Dyan siya magaling eh.
"Alam kong lotion 'to pero anong gagawin ko dito?" Tanong ko ulit.
"Malamang ipapahid mo sa balat mo! Jusko naman Ella!" -Naiiiritang niyang tugon saakin.
"Pilosopo ka talaga eh no?"
"Di ka pa nasanay" Di ko na siya sinagot baka kung saan nanaman pumunta ang walang kwenta namin usapan.
Lumipas ang tatlumpung minuto.Natapos na din siya sa pamimili.
"Ang next destination natin ay ang boutique ko" Habang papunta kami sa boutique niya. Tinanong ko sa kanya kung para kanina ba yung mga pinamili namin.
"Ano ka ba para sa'yo lahat yan"
"Ano?! Ba't saakin?!" Gulat 'kong wika sa kanya.
Hindi niya ako sinagot hanggang sa dumating kami sa boutique niya. Binati si Phia at ako ng mga saleslady doon. Tinanong ko ulit si'ya.
"Sophia?! Ba't saakin?!" Tanong ko sakanya habang nakasunod ako at siya ay namimili ng damit tapos itatapat saakin.
"Tutal aalis na naman ako...." Sabi niya habang may pinipiling damit.Tumigil siya at humarap saakin. "Ikaw muna ang bahala dito sa boutique 'ko"
"Ba't nanaman ako Phia? May iba pa naman dyan eh"
"May tiwala ako sa'yo don't worry nandiyan naman si Ate Jenny para tulungan ka tsaka bibisitahin mo lang naman ito kapag may time ka" Ngumiti siya saakin. Si ate Jenny ay ang Designer ng damit nila at the same time manager dito.
"Pero...." Tatanggi pa sana ako kasi inunahan na niya ako magsalita.
"Pretty please" wala na akong nagawa kundi pumayag. "Oo na para sa'yo"
"Thank you Bestie. I love you" Niyakap niya ako.
"I love you too"
Nag enjoy lang kami sa Mall hanggang sa nag-aya na siyang umuwi kasi malapit na ang flight nila. Hinatid niya ako sa bahay.
"Bestie gamitin mo 'yang mga 'yan ah"
"Oo na, mamimiss kita bestie" sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako.
"Bestie mamimiss din kita. Pakamusta na lang ako kay Evan ah. Bye"
"Bye" Umalis na sila.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...