Ella's POV
"Ipadyak mo kasi yung mga paa mo!" Sigaw niya saakin.
"Natatakot nga kasi ako eh!" Sigaw ko rin sa kaniya.
Nakakainis na siya eh.
Kanina pa naninigaw.
"Hawak naman kasi Kita eh!" Okay nag sisigawan na kami dito.
"Wala akong tiwala sayong panget ka!"
"Ang sakit mo naman mag salita pinsan" Mahinahon niyang sabi.
Medyo malayo kami sa mga kaibigan ko.
Nag patuloy lang kami sa pag tuturo niya saakin pero minsan nauuwi sa asaran.
"Bibitawan na kita ah" Nanlaki ang aking mata ng bitawan niya ako.
"T@!#$%^! Karlo!" Tawag ko sa kaniya.
Lumulubog ako nung binitawan niya ako.
"Subukan mong ipadyak ang mga paa mo lulutang ka!" Rinig kong sigaw niya.
Ginawa ko ito at makalipas ang ilang minuto.
Lumulutang na ako dahil sa itinuro niya saakin.
"Oh diba?" Nang asara pa siya kaya binasa ko siya ng tubig.
"Oy masakit sa mata yan, Ella!" Sigaw niya. Binasa niya rin ako.
At yung nag basaan kaming dalawa nang may marinig kaming sumigaw.
"Will you stop that?!" Sigaw ni Andrei saamin. Napatigil tuloy kami sa sigaw niya.
Inis akong tumingin sa kaniya ng masama at nakita kong kasama niya si Abi.
Lumangoy ako palayo sa kanila at umahon na.
Nawalan na ako ng ganang maligo.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at tuluyan nang naligo sa cr.
Nakakainis siya.
Kailangan bang sigawan niya kami?
Pwede naman niya kaming pag sabihan lang at hindi niya kailangan sumigaw.
~~~~.~~~~
Tatlong araw na kami dito at sa tatlong araw na iyon hindi kami nag- uusap ni Andrei malay ko ba kung bakit.
Nandito ako ngayon nakaupo sa may batuhan sa gilid ng dagat. Sa pag kakaalam ko medyo malayo ito doon sa bahay kaya malamang wala naman sigurong makakakita saakin dito.
Gusto ko munang mapag-isa hindi ko alam kung bakit.
Pinapanood ko yung sunset ang ganda kasi kapag mula dito sa pwesto ko.
Never pa akong nakanood ng paglubog ng araw kaya tuwang tuwa ako na makita ito.
Actually pati si Otor hindi pa nakakanood sabi niya saakin.
Ano ba yung nararamdaman ko kay Andrei?
Kaibigan pa rin ba iyon?
Naguguluhan na talaga ako ako.
Naalala ko nung isang araw yung sinabi ni Sophia.
Tumawag kasi yung gaga kong kaibigan.
"Alam mo Bessy hindi lang yan basta kaibigan yung nararamdaman mo sa kaniya kasi naranasan ko na yan kay Evan. Sinasabi ko sa'yo Inlove ka na"
Inlove ako kay Andrei?
Pero kaibigan ko siya at ayokong masira yung pag kakaibigan namin.
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...