Chapter 25

1.7K 46 6
                                    

Ella's POV 

"Doon tayo, Andrei" Hinila ko si Andrei papunta sa may DQ. 

Yeah ice cream nanaman. Favorite ko eh bakit ba? 

Natawa lang siya dahil sa inaasal ko. 

"Dyan ka lang ako na oorder" Tumango ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang status namin ngayon ni Andrei simula nung hinalikan niya ako sa Resort nila Jonathan. 

Maya-maya pa dumating na siya. 

Habang nilalantakan ko yung Ice cream na ibinili niya saakin, naiilang ako kasi nakatitig siya saakin. 

"May dumi ba ako sa maganda kong mukha?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya saakin at may pinahid sa gilid ng labi ko. 

"Kahit kailan talaga para kang bata kung kumain" Ngumiti rin ako sa kaniya.

Tinawag niya yung pangalan ko kaya napalingon ako sa kaniya. 

"Yes?" 

"Ano nang meron saatin?" Napatigil ako sa tanong niya.

Yun nga rin ang gumugulo sa isip ko. 

Ano nga bang meron saamin? 

"Ewan ko, hindi ko alam" Lumipat siya ng upuan at nasa tabi ko na siya. 

"Gusto kita at alam kong gusto mo rin ako" Nagulat ako sa biglaang pag-amin niya saakin. 

Hindi niya siya umamin nung nasa resort kami bigla niya na lang akong hinalikan nun. 

"Ang kapal ng mukha mo" Mahina ko siyang sinampal sa pisngi. 

"Hahaha Joke lang. So tayo na?" Tinignan ko siya ng masama. 

"Manligaw ka muna" Bumaling na ako sa masarap kong chocolate Ice cream. 

"Ba't pa ako man liligaw? Doon din naman punta natin. Sasagutin mo rin naman ako" Naiirita niyang sabi saakin. 

"Paano ka nakakasiguro na sasagutin kita? Tsaka para naman maranasan ko kung paano maligawan" Sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya. 

"Pero Ella hindi ako marunong manligaw" Tinignan ko siya. 

"Oo nga pala yung mga babae nga pala yung mga nanliligaw sa'yo,gwapo mo kasi eh.." 

"Oo nga eh kaya nga na-inlove ka saakin" Pang-aasar niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. 

"Pero liligawan mo pa rin ako" Bumaling na ulit ako sa ice cream ko. Narinig ko siyang bumuga ng hangin. 

"Fine, kahit hindi ako marunong manligaw" Napangiti ako sa sinabi niya. 

Pagkatapos namin kumain doon pumunta kami ng timezone. 

Nag laro lang kami ng kung ano-ano. Nung una nga ayaw niya eh pinipilit ko lang. 

Naglakad lakad lang kami sa mall pagkatapos sa timezone. 

May nakita akong phone case kulay blue. Napahinto tuloy ako at napatitig doon.

Ang ganda kaso hindi sapat ang pera kong para mabili iyon. 

"Gusto mo?" Tanong saakin ni Andrei. Umiling lang ako at hinila ko na siya. 

"Halika na saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya pero hinila niya lang ako papunta kung saan yung Sinehan. 

"Nood tayo sine" Iniwan niya ako doon at bumili ng tickets kasabay ng pag bili ko ng pop corns. 

"Yiiiieeeee excited na ako. By the way anong panonoorin natin?" Tanong ko kay Andrei nung makalapit siya saakin. 

"You will find out later" Ngumiti ako sa kaniya at pumasok na sa loob ng sinehan. 

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon