I decided to edit some chapters here in my story. So kung nabasa mo na yung old chapters nito. Congrats!
Pero don't worry kaunting edit lang naman iyon at related pa rin naman sa mangyayari.
ENJOY READING!
~~.~~~~
Ella's POV
"Stay away from Clyde" Bulong niya saakin.
"I can't" Nandito pa rin kami sa pwesto naming dalawa.
"Why?"
"Dahil kaibigan siya ni Aiden. Lagi silang nandito kaya no choice ako kundi kausapin sila" Pag papaliwanag ko sa kaniya. Naka corner saakin ang isa niyang kamay habang ang isa naman hinahawak ang mukha ko parang kinakabisado niya ang bawat parte nito.
"Edi lagi rin kaming nandun nila Aaron" Umiling na lang ako.
"Alam mo bahala ka.." Naisip kong ipakilala na siya kay Mama. "Halika ipapakilala ko kayo kay Mama"
Hinawakan niya ako sa kamay at binalikan nanamin yung mga kaibigan namin sa sala.
"Yo! Buti naman okay na kayong dalawa" Masiglang sabi ni Evan. Ngumiti lang ako sa kaniya. Napansin kong may mga beer sa center table ng sala.
"Saan niyo nakuha yung beer?" Tanong ko sa kanila.
"Binigay ng magaling mong kapatid" Sagot ni Jonathan. Napa 'ahh' na lang ako.
"Oh nandito lang pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap eh" Narinig kong sabi ni Mama.
"Mama, mga kaibigan ko po" Nag bow sila kay mama at nag pakilala isa-isa.
"Hello po ma'am I'm Andrei, Ella's Boyfriend" Parang nagulat pa si mama pero ngumiti din.
"Di ko akalain na gwapong gwapo pala ang boyfriend ng anak ko. By the way Tita Liza na lang itawag niyo saakin. Nice to meet you guys, enjoy the night" Nag pasalamat naman sila at ako naman humalik sa pisngi ni mama.
~~.~~
Kinabukasan maaga akong nagising dahil may pasok pa. Nalasing kagabi si Sophia, Apple at si Kristine medyo tipsy naman yung kambal. Hindi kasi ako pinayagan uminom ni Andrei dahil nakakasama raw ito sa kalusugan. Edi pinagbawalan ko din siya at dahil masunurin siya, hindi siya nakinig saakin."Yung sundo mo Ella nasa labas na" Sabi ni Manang saakin. Humalik ako sa pisngi ni Mama at ni Bea habang nakipag fist bump naman ako kay Aiden.
Nakita ko naman ang kotse ng boyfriend ko.
"Good Morning babe" Bati niya ng makapasok ako sa kotse niya.
"Good Morning din Andrei" Bati ko rin. Hindi niya muna pinaandar yung kotse.
"Bakit Andrei? Paanadarin muna baka malate tayo" Umiling siya at ngumuso.
"Good morning kiss ko?" Napangisi ako sa kaniya. Kiniss ko siya sa pisngi pero humarap siya kaya sa lips ko siya nakiss. Buti na lang smack lang yun pero nabitin din ako.
"Again" Umiling ako kaya nag lean forward sjya saakin kaya siya naman ang kumiss sa saakin.
"Again Again Again Again" Puro smack yang Again niya kaya naman tinakpan ko na yung bibig ko.
"Tama na sumusobra ka na!" Awat ko sa kaniya.
"Nakakaadik kasi yung halik mo. Isa pa nga!" Tinulak ko na siya palayo saakin.
"Umayos ka nga Andrei" Natatawa kong saad sa kaniya. Pinaandar na niya ang kotse niya.
Pagkarating namin sa school, hinawakan niya agad ang kamay ko pag ka baba namin sa kotse niya. Ang sarap sa feeling na hawak ko yung kamay ng taong mahal ko. Charot lang. Wala kayang poreber diba? Tanong niyo pa si Author.
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...