Ella's POV
Nagpatuloy lang ang programa. Hindi ko na nga nasundan ito dahil may hinahanap ang mga mata ko. Kanina kasi nakita ko ang mom and Dad niya. Bumaba ako ng mini stage at lumapit kay Mama dahil tinawag niya ako. Pinakilala ako ni Mama sa mga bisita niya.
"Yeah I know her. She's friend of my Twins Sons" Napatingin ako sa kausap ni mama at nakita ko ang mom and Dad ni Eli at ni Evan.
"Tita..Tito.." Bati ko sa kanila. Nag bow ako show as respect at nag bless na rin.
"Nag kita na ba kayo ng mga kaibigan mo?" Napakunot ang noo ko. Nandito silang lahat?
"I guess hindi pa, nandun sila.." May itinuro siya na puro mga kabataan ang isang side doon. "Puntahan mo na lang nandun din ang mga kaibigan mo Ella"
Nag paalam ako kay Mama na pupuntahan ko lamang ang mga kaibigan ko nang makaramdam ako ng may umakbay sa balikat ko.
"Good Evening po Tita, hiramin ko po muna itong pinsan ko ah?" Tumango si mama at umalis na.
Hinarap ko yung pinsan ko.
"Halika na Ella doon tayo"
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya pero tinignan niya lang ako ng Are-you-serious?-look.
"Malamang party mo ito tsaka bilisan mo nga, kanina pa badtrip boyfriend mo doon" Napahinto ako sa pag lalakad. Badtrip na si Andrei. Bakit naman kaya?
"Ano tutunga nga ka na lang diyan? Bilisan mo na insan" Mabilis akong hinila ni Karlo papunta sa kung nasaan si Andrei. Nakita naman namin sila sa isang gilid kasama sila Apple.
"Ella!" Tawag nila saakin. Tinignan lang ako ni Andrei at umiwas na siya ng tingin. Naiiyak ako, bakit ganun? May nagawa ba akong mali?
"Ella upo ka muna dito" Aya ni Sophia saakin pero umiling lang ako. Tumalikod na ako at nag simulang lumayo sa kanila. Tumulo na talaga yung luha ko. Bakit ganito? Hindi pa nga kami nag tatagal ni Andrei puro problema na. Paano pa kaya kapag nag isang taon na kaming dalawa? Ang tanong aabot ba kami doon?
May bigla akong nabangga.
"Sorry" Pag hingi ko ng tawad sa kaniya.
"Ella? Okay ka lang?" Narinig ko ang boses ni Clyde. Umiling ako sa kaniya. Bigla niya akong niyakap na parang kinocomfort niya ako.. Mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa niya.
"Haluh! Ella!" Sabi niya saakin. "Halika nga muna masyadong maingay dito"
Pumasok kami sa loob ng mansion at umupo sa may sofa sa sala.
"Anong nangyari Ella?" Tanong niya. Sinabi ko sa kaniya na ang cold ni Andrei saakin.
"Pfft. HAHAHAHAHA" Nag taka naman ako kung bakit siya tumatawa.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko sa kaniya habang pinupunasan yung pisngi ko.
"Hahahahaha Nag seselos kasi yung Boyfriend mo" Napakurap ako ng ilang beses sa kaniya. Si Andrei mag seselos? Napangiti ako ng sabihin niya iyon saakin.
"Kanina umiiyak ka, ngayon naman nakangiti ka na. Ang weird mo rin pala?" Tinignan ko siya ng masama.
"Manahimik ka na lang diyan!" Nag kwentuhan lang kami dito sa may sala. Kami lang ang tao dito kasi busy silang lahat sa labas. Kinuha niya yung cellphone ko.
"Clyde amina yan!" Inaagaw ko sa kaniya yung cellphone ko pero pilit niya pa rin itong inilalayo saakin.
"Ayaw ko nga!"
"Clyde akin na kasi eh!" Tumayo siya, ganun din ako. Itinaas niya ng mabuti ang mga kamay niya kaya mas lalo ko itong hindi naabot. Matangkad siya maliit lang ako. Ganun lang ang posisyon namin hanggang sa may narinig kaming tumawag sa pangalan naming dalawa. Titingin na sana ako kaso nagulat na lang akong nasa sahig na si Clyde.
"Clyde!" Tawag ko sa pangalan niya.
"Alam mo kanina pa ako nag titimpi sayo eh!" Rinig kong sigaw ni Andrei habang inaawat siya nila Ethan.
"Ano bang problema mo Pare?!" Sigaw din ni Clyde.
"Problema ko?! Ikaw.. Ikaw ang problema ko! Bakit ba ayaw mong lubayan girlfriend ko?!" Sigaw niya. Pilit siyang lumalapit kay Clyde pero inaawat ko din siya.
"Andrei tama na!" Naiiyak kong sabi sa kaniya.
"I'm her escort kaya bakit ko siya iiwan?!" Nag tiim bagang si Andrei. Susugod pa sana ulit siya....
"A-andrei tama na, p-please" Pabulong kong sabi sa kaniya. Kumalma naman siya ng marinig niyang pumiyok yung boses ko. Naiiyak nanaman ako.
"Pasalamat ka.." Bigla niya na lang akong hinila at dinala sa likod ng mansion. Which is pool area.
Binitawan niya ako at tumalikod saakin. Sinabunutan niya ang kaniyang buhok na parang badtrip na badtrip siya. Ako? Nandito nakasandal sa pader habang nakayuko. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko para maiwasan niyang marinig ang pag hikbi ko.
Nakakatakot siya kanina. Ayoko yung ganung side ni Andrei.
"F*ck" Rinig kong sabi ni Andrei. Naramdaman kong lumapit siya saakin at hinawakan ang kaliwang pisngi ko.
"Shh" Pag papatahan niya saakin. Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. "I'm sorry nadala lang ako ng selos ko sa inyong dalawa"
"S-sorry din kasi simula k-kaninang umaga pangalan n-na lang ni Clyde ang n-naririnig mo" Sabi ko sa kaniya ng nakayuko. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ito dahilan kung bakit nag katitigan kaming dalawa. Unti-unti niyang nilapit ang kaniyang mukha at naramdaman ko na lang ang kaniyang labi na nakalapat sa mga labi ko.
Hindi iyon nag tagal dahil lumayo din siya. Sayang bitin ako. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa.
"I miss you, Baby" That husky voice, I miss that. "F*ck, I miss you already. Kahit na isang buong araw lang tayong hindi nag usap, hindi ko kaya"
Mag sasalita sana ako ngunit ipinagdikit niya ulit ang aming mga labi. Tumugon ako sa bawat halik niya saakin. Parang nanghihina ang mga tuhod ko kaya napayakap ako sa kaniyang leeg. Hinapit niya naman ako sa aking bewang dahilan kung bakit mas nag kadikit ang aming katawan.
Maya-maya lang humiwalay na siya at pareho kaming nag hahabol ng hininga.
"D*mnit, I'm addicted to your kiss, baby" Muli niyang inilapat ang kaniyang labi. Oem I'm addicted also to his kiss. Dahil diyan nag ka bati kaming dalawa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Malapit na pong matapos ang One Of The Boys.
Sinasabi ko lang sainyo.😁😢
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...