Ella's POV
Maganda ang gising ko kaninang umaga.
Sa malambot na kama ako natulog plus Birthday ko pa ngayon!
Kauuwi ko lang dito kila Tita and guest what? Nag bake si tita ng cake para saakin at ngayon papunta kami sa sementeryo bibisitahin namin si papa. Pagdating namin doon, inilapag ko na ang bulaklak na ibinili namin kanina.
"Papa.. 18 years old na po ako at 8 years ka na pong wala.. Miss na po kita!"
Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong sa mismong birthday ko na aksidente si papa? at kasalan ko iyon.
"Pa malaki na ako*hik* hindi mo na ako baby girl.." Tuluyan na talagang tumulo yung luha 'ko. "Papa kung nandito ka lang sana *hik* nakita mo na ako kung gaano na ako kalaki.. Debut ko na po ngayon, edi sana ikaw ang first and last dance 'ko"
Bumalik lahat nang ala-ala nung 10 years old ako.
FLASHBACK
"Happy birthday, babygirl" Bati saakin ni papa. Kaarawan ko ngayon 10 years old na ako.
"Thank you, papa" Niyakap ko siya at kiniss sa pisngi.
"Mag bihis ka, mamamasyal tayo sa park" Napatalon ako nang sabihin iyon ni papa at dumiretso na sa kwarto.
"Lalala~lalala~" Masaya ako ngayon kasi mamamasyal kami ni papa at first time ito. Siguro may pera ngayon si papa kaya nag-aya siya mamasyal.
"Papa! Ready na po ako!" Sigaw ko. Nakita ko siya sa labas at hinihintay ako.
"Halika na" Hinawakan ko ang kamay ni papa at naglakad kami papunta sa kanto para doon sumakay nang tricycle.
"Kuya sa ***Park" Umandar na ang tricycle.
Masayang-masaya ako ngayon araw kasi makakapunta din ako sa park at kasama ko pa si Papa.
Hinila ko si papa nang dumating kami doon. Nakipag laro ako sa ibang batang nandoon.
Nang mapagod na ako lumapit ako kay papa na may ngiti sa kaniyang mga labi.
"Pagod ka na?" Tanong niya saakin. Binigyan niya ako ng tubig.
"Opo, papa kailan ko po makikita si mama?" Matagal ko na kasing gustong makita si mama.
"Malapit na anak, ipapakilala na kita sa kaniya" Ngumiti ako sa kaniya at ganun din siya.
Ibinili ako ni papa nang ice cream sa park nang may makita akong magandang laruan sa kabilang kalye.
Tumakbo ako papunta doon nang hindi nag papaalam kay papa. Huli na nang mapansin ko ang mabilis na sasakyan na parating sa tinatayuan ko.
"ELLA!" Rinig kong sigaw ni papa at naramdaman kong tumama ako sa may damuhan.
Dahan dahan akong tumingin kung nasaan ang tumulong/nagtulak saakin.
Tumulo ang aking luha. Tila'y nawalan ako ng lakas nang makita kung sino ang nakahiga sa kalye.
Walang malay.
Naliligo sa sarili niyang dugo.
"PAPA!" Sigaw ko at tumakbo sa kinaroroonan niya. Walang tigil sa pag tulo ang aking mga luha nang hawakan si papa.
"Papa!" Iyak ko sa harap niya. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong birthday ko pa?
"A-anak..M-mag-i-ingat k-ka p-palagi..." Umiling-iling ako habang nag sasalita siya.
"Papa! Wag mo po *hik* akong iwan!"
"E-ella, a-anak! H-hindi na k-kaya ni p-papa.." Mas lalo akong umiyak.
"P-papa n-naman eh" Hinaplos niya ang aking mukha.
"M-masaya a-ako k-kasi l-ligtas k-ka.. T-tandaan m-o l-lagi na .. m-mahal na m-mahal k-kita.." Ngumiti saakin si papa.
"Papa!" Tawag ko sa pangalan niya habang umiiyak ako.
"H-happy B-birthday, A-anak!" Pag kasabi nun ni papa. Naramdaman ko na lang na dahan dahang nawawalan nang lakas ang kaniyang kamay na nakahaplos sa aking pisngi.
"H-hindi! Papa!" Sigaw ko habang niyuyugyog siya.
"Papa! W-wag mo akong iwan!" Iyak 'ko.
Wala na.
Wala na ang papa ko.
"PAPA!" Malakas kong sigaw.
FLASHBACKEND
Naramdaman 'ko umiiyak na pala ako.
Nung araw na iyon.. Doon ko huling naramdaman ang haplos ni papa.
Ang ngiting gusto kong makita hanggang pag tanda 'ko.
Nung 10th birthday 'ko?
Doon nawala si Papa.
At kasalanan ko iyon.
Lumapit saakin si Tita Ana na paiyak na rin.
"Wag mong isiping kasalanan mo, Ella" Niyakap ako ni Tita at umiyak lang sa balikat niya. Niyakap din ako nang kambal.
Tumagal lang kami doon nang ilang minuto. Nung okay na ako, nag aya na akong umuwi.
Pupunta pa pala ako nang school ngayon. Hindi ko alam kung bakit kami pinapapunta.
Pag ka rating ko sa school. Napansin kong may hawak na invitation yung mga nakakasalubong ko.
Nakita ko yung anim na cool habang nag lalakad.
"Hey!" Bati saakin ni Evan. Tinitigan ko lang sila, hinihintay ko kung babatiin nila ako. Wala ba silang natatandaan ngayon?
"Wala kayong sasabihin?" Tanong ko sa kanila pero parang nagtaka pa sila.
"Anong sasabihin namin sa'yo?" Takang tanong ni Aaron. Kumunot yung noo ko sa kanila. Seryoso? Di nila alam kung anong meron ngayon?
"Wala talaga kayong alam?" Tanong ko ulit.
"Wala nga" Sabay na sabi nilang lahat.
"Ano ba dapat yung sasabihin namin sayo?" Eli.
"May okasyon ba?" Jonathan.
"May dapat ba kaming sabihin?" Ethan.
"Wala" Sabi ko sa kanila at tinarayan na lang sila.
Napatingin ulit ako sa paligid. Bakit lahat sila may invitation?
"Kayo din ba may invitation?" Tanong ko sa anim.
"Kadarating lang rin namin, ang sabi wala nang invitation" Sabi ni Andrei.
"May okasyon ba?" Tanong ko sa kanila.
"Malay namin" Nag kibit balikat silang lahat.
"Tapos na daw ang meeting, na late na tayo" Saad ni Ethan.
"Nag sayang lang ako nang pamasahe!" Padabog kong sabi.
"Okay lang yan Hahahaha" Ginulo ni Andrei yung buhok ko.
"Free ba kayo mamaya?" Tanong ko sa kanila. Syempre surprise yung pang lilibre ko sa kanila.
"Hindi eh may gagawin kami" Mabilis na sagot ni Jonathan.
"Kahit saglit lang" Nag kibit balikat ulit sila.
"Okay fine, mamaya" Napangiti ako sa sinabi ni Andrei.
"Alis na kami ah" Paalam nila saakin. Bakit nag mamadali silang umalis?
Nag wave na lang ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...