Chapter 22

1.6K 47 3
                                    

Ella's POV 

Nag sisimula nang magsi-alisan yung mga nanonood dahil hindi na nila itinuloy ang laro pag kalabas ni Andrei sa court. 

Lumapit ako sa mga kaibigan ko. 

"Ella, tara sa mall" Aya nila Evan. 

Hindi ko na rin sila nakakasama simula nung debut ko kaya sasama naman ako para makapag bonding kami. 

"Sige sama ako" Ngumiti silang apat at nag yes. 

"Ethan saan ka pupunta?" Narinig kong tanong ni Aaron. 

"Dyan lang" Nagtaka ako sa inasan niya. 

Hindi kasi siya tumingin saamin nung sinabi niya yun. 

Pumunta na kami sa parking lot. 

Naka-tingin ako sa cellphone ko habang naglalakad. 

Ite-text ko si Karlo baka hintayin kasi ako nun eh. 

To: Karlo

Wag mo na akong hintayin. 

Mag mall kami ng mga kaibigan ko. 

Bago mag-send yung text ko may bigla nanaman akong nabangga at this time ang sakit na talaga. 

"Awwww" Hinawakan ko yung noo ko. 

Ang sakit nun ah, wala halong acting masakit talaga siya. 

bakit ba lagi na lang akong nababangga sa matigas na bagay este tao pala? 

Nung tumingala ako para makita ang human being na nasa harap ko. 

Napakagat agad ako sa ibabang labi ko. 

Kilala niyo ba kung sino yung nag walk out kanina sa court? 

Siya yun. 

"Andrei let's go" Tumingin saakin yung babae at ngumiti. 

Ang ganda niya. 

Nginitian ko din siya pabalik. 

"Ella! Halika na.. Oh Andrei, Abi saan kayo pupunta?" Sumulpot bigla si Jonathan. 

"Dyan lang, sige na bye Jonathan" Sabi nung Abi at umalis na sila. 

Napasimangot na lang ako. Lagi na lang siya yung kasama ni Andrei. 

"Anong mukha yan?" 

Napatingin ako kay Jonathan na tinusok yung pisngi ko. 

Umiling lang ako sa kaniya. 

Nakangiti siya saakin at ang weird niya habang ginagawa yun. 

Inakbayan niya ako papunta sa may kotse nila. 

Sumakay ako sa kotse ni Jonathan. Nakaalis na kasi yung kotse nang tatlo. 

May gusto akong tinanong kay Jonathan. Bakit niya kilala yung babae? Kaano-ano iyon ni Andrei? bakit ang creepy niyang ngumiti? Pero syempre joke lang yung huling tanong baka sapakin ako niyan nang wala sa oras. 

"Jonathan may tanong ako" 

Bumaling ako sa kaniya. 

"Ano yun?" Nakaharap siya sa harap. 

"Sino yung babaeng laging kasama ni Andrei?" Nakita kong lumabas nanaman ang creepy niyang ngiti. 

"Bakit gusto mong malaman?" Imbis na sagutin yung tanong ko tinanong din ako. 

"Wag na nga!" Tumingin ako sa bintana ng kotse niya. 

"Hahaha si Abigail iyon" Abigail? Bagay sa kaniya yung pangalan niya. 

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon