Chapter 28

1.6K 42 1
                                    

Ella's POV

Bakit nandito sila? Anong gagawin nila saakin?

"Wag kang matakot may mga sasabihin lang kami sayo" Napaatras ako nung umabante siya.

"Bakit naman hindi ako matatakot? Kung katakot takot yang awra mo" Sasabihin ko. Gwapo siya pero nakakatakot kaya Awra niya.

"Pwede bang wag ka munang sumagot?!" Sigaw saakin nung isang kasama niya.

"May sasabihin lang yung leader namin sayo!" Sigaw pa nung isa sa kanila.

"Ano ba kasi yun?" Nag tatapang tapangan lang ako pero natatakot na ako.

"Aware ka ba sa mga kaibigan mo?" Tanong niya. Umaatras pa rin ako kasi lalo silang lumalapit saakin.

"B-bakit? Ano bang meron sa mga kaibigan 'ko?" Nauutal kong tanong sa kaniya. Nagulat ako nang may mabangga ako sa likod ko. Kasamahan din nila. Nakaramdam na talaga ako ng takot. Marami sila at nag-iisa lang ako.

Bakit ba ang hilig ng away saakin?

"Ba't di mo sila tanungin? Tanungin mo sa kanila kung ano ang Dark Lion Gang? Yan lamang ang masasabi ko sayo. Mag-iingat ka baka may mangyaring masama sayo" Namutla ako sa sinabi niya. Jusko wala naman sana.

Pag kasabi niya nun umalis na silang lahat at nakahinga na ako ng maluwag.

Pumara ako ng jeep para makauwi na.

~~~~.~~~~

Kinabukasan, maaga ako nagising baka kasi mag reklamo nanaman si Andrei eh. Masaya akong bumangon sa maliit at matigas kong kama dahil walang kutson pagkatapos ay bumaba.

"Ba't ang aga mong magising?" Tanong ni Karlo habang nag titimpla ng kape.

"Wala lang!" Ngumiti ako sa kaniya at dumiretso na sa cr. Pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na ako at umupo para kumain.

"Nasaan nga pala si Tita?" Tanong ko sa kaniya habang pinapalamanan yung pandesal.

"Nasa palengke"

"Okay" Sabi ko habang nakangiti pa rin.

"Ah oo nga pala yung sundo mo nasa labas na" May kakaibang ngiti nanaman sa kaniyang mga labi. Tumayo na ako at kinuha na ang bag ko.

"Bye Pinsan" Sigaw ko. Binuksan ko na yung gate namin at nakita ko si Andrei na nakabusangot. Ngumiti lang ako sa kaniya at hinawakan na ang kaniyang kamay. Ngumiti rin siya saakin. Hindi niya dala ang kaniyang kotse kaya malamang mag lalakad nanaman kami.

"I miss you" Hinalikan niya yung kamay ko na hawak niya. Sheteng malagkit kinikilig nanaman ako.

"I miss you too" Mas lalong lumapad yung ngiti niya. "Uyy kinikilig siya"

"Hindi kaya" Napansin kong namula siya. Kinikilig din pala itong lalaking ito.

"Hindi daw pero namumula. HAHAHA Tara na nga baka malate pa tayo" Hinila ko na siya. Nung mag ka pantay na kami bigla niya na lang akong inakbayan. Hindi pa nga kami pero ang sweet na namin, hindi ko pa nga siya sinasagot ganito na agad kami. Kailan ko kaya siya sasagutin? magiging kami kaya? o hanggang ligawan lang kami?

Pag dating namin sa school, hindi mawawala ang tinginan dito. Tinginan doon at oo nga pala, Half day lang kami ngayon inanounce nitong ni Andrei kahapon sa buong campus kasi birthday na ngayon ni Ethan may pa-party.

Huminto ako at humarap kay Andrei. May naisip akong laruin namin ngayon tutal medyo konti pa lang naman yung estudyante(sarcastic).

Tumalon ako at iniabot ang buhok niya para guluhin. Natawa ako at tumakbo palayo sa kaniya nang makita ang itsura nang mukha niya.

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon