Ella's POV
"Aaaaaaaaaah!" Nagulat si Evan sa sigaw ko. Kasama ko siya ngayon dito sa Mall bibili ako ng regalo para kay Ethan. Malapit na kasi ang birthday nung mokong syempre bibigyan ko naman ng regalo. Isinama ko si Evan kasi siya lang free sa lahat ng kaibigan ko. Yung manliligaw? Busy rin sa ibang bagay malay ko kung saan.
"Bakit ka ba sumisigaw?!" Sigaw niya saakin. Take note nasa mall kami at nag sisigawan kaming dalawa.
"Ba't ka ba sumisigaw?!" Take note nasa mall kami at nag sisigawan kaming dalawa.
"Sumigaw ka eh nagulat ako!" Para matapos na ang sigawan naming dalawa hininaan ko na lang yung boses ko, yung tama lang.
"Wala akong mahanap na pang- regalo kay Ethan" Ngumuso ako.
"Ano ka ba? Makumpleto lang tayong mga kaibigan niya masaya na siya"
"Pero iba pa rin kapag may regalo ako sa kaniya" Pumunta kami sa bench store dito sa mall.
Namili siya ng mga damit doon habang busy siya ako naman tumingin ng presyo ng mga damit. Nanlaki ang mga mata ko na makita akong tumataginting na 2,000 pesos sa isang damit.
500 nga lang ang dala kong pera hiningi ko pa ito kay Tita. Binitawan ko na yung hawak kong damit at isinabit na ulit ito.
"Nakapili ka na?" Tanong ni Evan. May dala na siyang dalawang damit. Napasimangot ako at umiling sa kaniya.
"Wag kang mag- alala ako ng bahala sa price" Nag liwanag naman yung paligid ko.
"Ayiiiieeee manlilibre si Evan!" Pag kasabi ko nun kinuha ko na yung damit na pinili ko kanina para kay Ethan. Mukhang babagay naman kasi sa kaniya iyon eh. Kinuha na ni Evan yung damit na pinili ko. Siya na raw ang pupunta sa counter naiwan tuloy ako dito sa may bungad.
May nakita akong standee sa di kalayuan at napatakbo na lang doon. Jusko mga bes, makakita ka ba naman ng standee ni Oppa di ka tatakbo? By the way nakita ko yung standee ni Byun Baekhyun ang pinaka mamahal ni Ms. Otor. Oppa ko sana siya kaso naging Oppa na siya ni Ms. Otor kaya shut up na lang ako pero wag kayong maingay ahh saakin muna siya ngayon kahit 10 minutes lang.
Niyakap ko kaagad ito ng wala sa oras. Wala na akong pakielam sa mga nakakakita bakit ba? Siguro naman marami ng nakayakap dito sa standee ni Baekhyun hindi lang ako.
"Hoy Ella!" Narinig kong sigaw ni Evan. Napabitaw tuloy ako kay Bebe Baekhyun.
"Ano ba yun? Istorbo ka eh nakita mo namang niyayakap ko pa yung bebe labs ko" Tiningnan niya yung Standee at natawa.
"Kamukha ko naman yan eh bakit siya pa yung niyayakap mo nandito naman ako" Pinalo ko tuloy siya. Sabagay tama siya kamukha niya nga si Byun Baekhyun. Hindi kaya siya 'to?
"Anong tinitingin tingin mo dyan?" Ay tinitigan ko na pala siya. Kamukha niya kasi talaga si Baekhyun.
"Wala tara nagugutom na ako" Bago kami umalis doon niyakap ko ulit yung standee ni Baekhyun hindi na nga sana ako bibitaw kaso hinila na ako ng dakilang kaibigan ko.
Pumunta kami sa jollibee. Request ko sa jollibee eh bakit ba? Favorite ko din yan. Shout out sa mga may favorite sa jollibee.
Nag order na siya habang ako nag hanap ng mauupuan namin.
Nang makahanap ako, umupo agad ako.Pag dating niya nag simula na kaming kumain. Walang imikan kaming dalawa habang kumakain grabe yung gutom ko eh.
Nang matapos ako sa pag kain, kinuha ko na yung ice cream na inorder niya rin.
"Evan kamusta na pala kayo ni Sophia?" Muntik na siyang mabilaukan nung tanungin ko siya tungkol kay Sophia. Inabutan ko siya ng coke.
"Ano ba naman Egs! Mag dahan dahan ka nga!" Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang bibig.
"Grabe ka naman! Ano na nga? Kamusta na kayo?"
"Kailan ba kami naging maayos? Hindi pa nga ako kinakausap nun eh simula nung dumating siya nung birthday mo hanggang sa umalis siya. Hindi siya nag paramdam saakin nun" Mahabang saad niya.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Ba't ako tinatanong mo? Malay ko sa kaniya pero alam mo Egs, mukhang ayaw ko nang maniwala sa sinabi niya" Nag taka naman ako sinabi niya saakin. Sinubo ko muna yung ice cream na nasa kutsara ko bago ko siya sinagot.
"Ano ba yung sinabi niya?"
"Na gusto niya ako"
"Grabe naman kasi kayo pag-ibig agad inaatupag niyo kung mag-aral muna kaya kayo diba? Edi makakapag tapos pa kayo ng pag-aaral" Tiningnan niya ako ng masama. "Bakit? may masama ba sa sinabi ko?"
"Meron. Anong tawag sa'yo? May paligaw ligaw pa nga sayo si Leader tapos ako pag sasabihan mo" Ngumiti ako ng malapad sa kaniya at nag peace sign.
"Sorry na. Bakit ba napunta saakin yung topic?" Wala muang na saad ko sa kaniya.
"Sino ba naman kasi ang nag open up ng topic?" Tinarayan ko na lang siya at pinaulanan ng tanong. Hindi niya pa nasasagot lahat ng tanong ko.
"Kamusta na nga kayo? Nag-uusap pa ba kayo? Ano na yung status niyo? It's complicated pa rin ba?" Bago ko ituloy yung last kong tanong sumubo muna ako ng ice cream. "Maganda ba ko?"
Tumawa siya sa huli kong tanong. Seryoso kaya ako dun, bakit niya pinag tatawanan sira talaga siya.
"Pwede bang isa-isa lang. Yung huling tanong mo, hindi ba nasabi na ni Leader na maganda ka ano pang ikinababahala mo? Don't worry mahal ka ni Leader kaya hindi ka iiwan nun pero pahirapan mo ah?" Walang emosyon ko siyang tinignan. Hindi pa niya sinasagot lang ng tanong ko tapos may tanong na siya.
"Baka gusto mong sagutin muna yung mga tanong ko bago ka mag tanong ng panibago?" Kumamot siya ng ulo niya. May kuto ata.
"Akala ko makaka-takas na ako sa mga tanong mo pero sige sasagutin ko na lahat yan" Nag hintay ako sa sasabihin niya pero nakatitig lang siya saakin. Bigla siyang ngumisi at alam ko na ang ibig sabihin nun.
"Aray!" Binatukan ko tuloy siya.
"Sasagutin mo o sasagutin mo?"
"Wala naman akong choice eh tsaka inaasar lang kita sasagutin ko naman eh" Sabi niya habang nakahawak sa ulo niya.
"Ang dami mo pang sinasabi bilisan mo nag hihintay ako"
"Diba nga hindi niya ako kina kausap kaya aba'y malay ko kung ano na ang status naming dalawa" Tumayo na kami ni Evan mag lalakad lakad na muna kami sa mall. Date namin ni Evan ngayon.
"Eh bakit hindi mo tawagan? Baka naman hinihintay ka lang niyang tumawag sa kaniya" Paliwanag ko sa kaniya.
"Ayoko baka naman hindi niya sagutin"
"Yan ang hirap sayo eh, yan na agad yung nasa isip mo hindi mo pa nga sinusubukan. I-try mo kaya malay mo sagutin niya" Nag kibit balikat na lang siya. Nag libot lang kami sa mall nang mag desisyon na akong umuwi. Nung nasa parking lot na kami biglang tumunog yung cellphone niya. Sinagot niya naman ito.
"Hello, dad?... Nasa mall po... now na po?... Sige po dad..." Ibinaba na niya ang tawag at bumaling siya saakin.
"Hatid na muna kita ahh" Umiling lang ako. Mukha kasing pinag mamadali na siya ng Dad niya.
"Wag na kaya ko naman tsaka may pamasahe naman ako pauwi. Mukhang pinag mamadali ka ni Tito eh" Ngumiti siya saakin at nag paalam na. Ibinigay niya naman saakin yung isang paper bag na ang laman ay yung damit na ireregalo ko kay Ethan.
"Mag- iingat ka, Egs" Tumango ako sa kaniya at sumakay na siya sa kotse. Bago siya umalis nag wave muna siya saakin edi nag wave din ako pabalik.
Nang maglaho sa paningin ko yung kotse niya tumalikod na ako pero hindi ko inaasahan ang makikita kong tao.
"Nice to see you again, Ms. Ella"
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...