Chapter 29

1.5K 50 4
                                    

Ella's POV 

"Happy Birthday, Ethan!" Sigaw naming lahat. Nandito kami sa Bar nila Ethan. Kasama ko ngayon si Sophia, buti nga nandito siya eh kung hindi ewan ko na lang. Hindi pa rin kami nag papansinan ni Andrei. 

Nag tatanong lang naman ako kung ano ang Dark Lion Gang masama bang sagutin niya kugn ano iyon? Siguro may tinatago siya o sila saakin. 

Di ko namalayang nag puntahan na pala sila sa Dance floor at naiwan akong nakatayo dito. Yung iba naman nakaupo na. 

"Bessy ano na tatayo ka na alng diyan?" Hinila ako ni Sophia at pinaupo sa tabi niya. "Bessy umamin ka nga, may problema ka ba?" 

Umiling ako sa kaniya.

"Wala noh. Baka ikaw meron" Nagtaka siya sa sinabi ko siguro ito na ang pag kakataon na i-open ko yung tungkol sa kanila ni Evan. Parang wala rin kasi sa mood si Evan. 

"Huh? Wala akong problema noh" 

"Hindi mo ko maloloko Bessy. Alam kong may problema kayo ni Evan. Ano na bang meron sainyo?" 

"Ewan ko sa kaniya Bessy. Nag hihintay lang naman akong tawagan niya ako pero wala" Malungkot niyang saad saakin. 

"Alam mo parehas lang kayong dalawa eh" Napalingon siya saakin. 

"Anong ibig mong sabihin Bessy?" 

"Alam mo bang hinihintay ka lang rin ni Evan na tumawag?" Tumingin ako kung nasaan si Evan na umiinom ng beer. 

"T-talaga?" Tanong niya saakin. Bumaling ako sa kaniya at tumango.

"Try niyo kayang mag-usap dalawa. usto mo siya diba?" Tumango naman siya saakin. "Gusto niyo ang isa't isa, edi iparamdam niyo sa isa't isa hindi yung hanggang salita lang kayo"

Tumingin siya kay Evan at napansin kong kumunot ang kaniyang noo kaya napatingin din ako kung nasaan si Evan. Napakunot din ako ng noo nang makitang may katabing babae si Evan, take note hindi lang nakatabi sa kaniya nakapulupot pa ang braso ng babae sa braso ni Evan. Pinapabayaan lang naman nito ng kaibigan ko. 

"Ano pang hinihintay mo? Sugurin mo na" Natawa ako sa biro ko sa kaniya pero napamura ako nang bigla siyang tumayo. Sh*t tototohanin niya?

"Phia!" Tawag ko sa pangalan niya para pigilan siya pero huli na nang makita kong nakatayo na siya sa tapat nila Evan. 

"Evan!" Sigaw niya dito. Malakas kasi ang music. 

Tila nagulat si Evan nang makitang nakatayo sa bessy sa harap niya. 

"S-sophia!" 

"P-pwede ba tayong mag-usap?" Go Bessy lakasan mo ang loob mo. Sumabat yung babae na nakayakap sa braso ni Evan. 

"Excuse me nakita mong magkasama kaming dalawa. Pwede bang mamaya na lang?" Natawa ako nung hindi siya pinansin ng kaibigan ko. Buti nga sa kaniya. 

"Evan please" Nakatingin lang si Evan sa kaniya kaya tumayo na ako at deretsong lumapit kay Evan. Hinila ko siya patayo.

"Mag-usap na kayo ang dami mo pang arte tapos mag-drama ka kapag umalis na si Sophia" Sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya saakin at nag pasalamat. Nag simula na silang umalis sa harap ko. 

"Yah!" Sigaw nitong babae. Pssh. Ganda niya sana kaso panget siya. Get's niyo ba? Ako kasi hindi eh.

"Ate wag kang epal sa istorya nila, baka masampal kita" Saad ko sa kaniya. Woaaaaaaaah nagiging bitchy ako ahh. Siya kasi eh. Padabog siyang umalis sa harap ko. 

Bago ako bumalik sa upuan ko, sumilip muna ako sa dance floor. Kita ko dito ang mga nag sasayawan sa ibaba dahil nasa second floor ako. 

May nahagip ang mga mata ko sa mga nag-sasayawan at tila masaya pa habang sumasayaw kasama ang mga babaeng nakapalibot sa kaniya. 

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon