Chapter 4

2.2K 60 2
                                    

(EDITED)

"Di ko ba alam kung bakit hindi nakita ni Andrei yun" Uwian na namin at kasabay kong umuwi si Ethan at Aaron ngayon kasi si Jonathan at yung kambal may mahalaga daw na gagawin. Si Andrei naman ayun hinatid si Angel. 

"Seryoso ka? Ganoon yung sinabi niya sayo?" Tanong ni Aaron saakin. Kinuwento ko kasi yung pag-uusap namin ni Angel sa Restroom. 

"Oo, nakakagulat nga eh ganoon pala yung ugali niya painosente pa saatin" 

"Pero kailangan 'tong malaman ni Andrei" Sabi ni Ethan. 

"Wag muna Ethan baka sabihin niya saatin na sinisiraan natin yung girlfriend niya" Pag bibigay ko ng Opinyon. 

"Oo nga Ethan 'wag muna kasi tayo pa mapapasama sa kanya" Sabi naman ni Aaron. 

"Pero kaibigan niya tayo!" Medyo lumalakas na yung boses ni Ethan. 

"Ethan huminahon ka lang. Kami din gusto na naming sabihin kay Andrei pero hindi yun ganoon lang. MASASAKTAN NATIN SIYA!" Medyo pasigaw na sagot ko sa kanya. Nagulat kaming lahat nang may narinig kaming pamilyar na boses sa may likuran ko.

"Ano yung sasabihin niyo saakin?" Si Andrei. Napatingin kami saaking likuran. 

"A-andrei" Nauutal 'kong sabi. 

"Bakit ako masasaktan?" Tanong niya pa. 

"Parang kailangan na talaga natin sabihin sa kanya" Sabi ni Ethan saamin. 

"Ethan" Bulong ko. 

"Hayaan mo na siya Ella" Sabi saakin ni Aaron. 

"Andrei hindi na ako mag papatumpik tumpik pa. Bilang kaibigan sasabihin 'ko ito sayo" Dire-diretsong sabi ni Ethan. "Your girlfriend is cheating on you" 

Wala kaming nakitang bakas ng pag-kagulat sa mukha niya. 

"So?" Tanging sagot niya.

"So? Ibig sabihin alam mo?" Tanong ko sa kanya. 

"Matagal 'ko nang alam" Walang emosyong sabi niya. 

"Pero hinahayaan mo lang?!" Medyo pasigaw 'ko sabi. Naiinis na ako sa kanya. Kaibigan namin siya at ayokong nakikitang nasasaktan kahit isa sa mga kaibigan 'ko.

"Oo" Malamig na sagot niya saakin. 

"Andrei bakit 'di ka pa makipag break?" Tanong sa kanya ni Aaron. 

"Mahal 'ko eh" Sa sinabi niyang iyon, tuluyan na talaga akong nainis. 

"Tanga ka ba,Andrei?! Niloloko ka na lang ni Angel!" Sigaw ko sa kanya. 

"Siguro nga tanga ako! Eh anong magagawa ko?! Mahal ko siya!" Sigaw niya na rin saakin. Naiinis na talaga ako. 

"Eh kami?! Naiisip mo ba kung anong nararamdaman namin nila Aaron nang malaman naming niloloko ka na ng oh-so-called-gilfriend mo?! Nasasaktan din kami sa'yo!" Walang tigil 'kong sambit sa kanya. Pinipigilan ko lang tumulo ang aking mga luha. 

"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?! Nasasaktan din ako! Pakeelam MO ba?!" Mo? So ako lang tinutukoy niya? Ako lang na Bestfriend niya mula bata? 

"Kaibigan mo kasi AKO!" Sigaw ko sakanya.

"YUN NA NGA EH! KAIBIGAN LANG KITA!" Napatigil ako at natulala sa sinabi niya. Tuluyan nang tumulo yung luha 'ko. Sa bagay kaibigan niya lang naman ako eh. Narinig 'kong bumuga ng hangin sila Aaron at si Ethan. Tama si Angel hindi siya makikinig saakin because I am just his bestfriend.

"Andrei" Sabay na tawag nilang dalawa. 

Pinunasan 'ko ang mga luha 'ko walang tigil sa pag tulo. 

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon