Chapter 14

1.7K 47 0
                                    

Ella's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, binibilang yung perang naitabi ko. Bukas na ang birthday ko at balak kong ilibre ang mga kaibigan ko at ganun din sila Tita Ana. Nakakahiya naman kapag sila pa ang nanlibre saakin. 

Nung high school kaya ako, lagi yung anim ang nanlilibre saakin ganun din kay Tita Ana. Dati kasi, ako at si papa lang ang nag celebrate ng birthday ko sa bahay tapos kapag nasa school naman ako sila Andrei. 

"Ella!" Sigaw ni Tita mula sa ibaba. ibinalik ko muna sa kahon yung mga pera at inilagay ito sa cabinet ko. Papunta nga pala kami kay Tita Liza, nag order kasi ulit siya. And guest what? Ang dami niyang inorder na cupcakes hindi ko alam kung bakit. 

"Nandiyan na po!" Bumaba na ako at nakita ko si tita na nasa gate. 

Sumunod na ako sa kanya. 

"Tita! Kaninong kotse ito?" Tanong ko sa kaniya. May kotse kasi dito sa harap nang gate namin. 

"Kay Ma'am Liza iyan pinasundo tayo" Napa 'Ahh' na lang ako. Sumakay na kami at umandar na yung kotse. 

Pagdating namin doon,pumasok na agad kami sa loob kasi daw nag hihintay na si Tita Liza. 

"Finally, nandito na kayo" Nakita namin si Tita Liza sa sala. Nag bow ako sign nang pag galang. 

"Nandito na ho yung mga inorder niyo" Pinakita ni Tita Ana yung mga cupcakes. 

"Pakilagay na lang diyan tatawaging ko lang yugn dalawang anak ko" Tumingin siya saakin. "Ella wanna come?" 

Tumingin ako kay Tita Ana, tumango naman siya. Sumunod na ako kay Tita Liza sa itaas. 

Ang laki talaga ng bahay este mansion pala. 

"Halika dito..." Hinila niya ako papunta sa isang kwarto. Dahan dahan niyang binuksan ito. 

Nandoon si Aiden kasama si Bea. Kinukwentuhan ni Aiden at kanyang maliit na kapatid. 

"Guys, may suprise ako sainyo" Sabi ni Tita Liza nung pumasok siya sa loob nang kwarto. 

"What is it, Mom?" Nakangiting sabi ni Aiden habang nilalaro ang kapatid. Nag-sign si Tita Liza na pumasok ako. "You're ate Ella is here" 

Napatingin silang dalawa at tumakbo saakin si Bea. 

"Unnie! Bogo shipeo" Napangiti ako nang mag korean siya. 

"Bogo shipeoyo" Niyakap ko siya. 

"Noona!" Niyakap ako ni Aiden. 

"Hello Aiden!" Ngumiti siya saakin pag ka kalas sa yakap. 

"Hindi ba bukas na ang birthday mo?" Tumango ako kay Tita Liza. 

"Opo naalala niyo pa po" Nakangiti sabi ko sa kanya. 

"Ako pa ba. Pwede bang mag paiwan ka muna sa Tita Ana mo? Dito ka muna, don't worry pinaalam na kita sa kaniya" Ngumiti ulit ako. 

"Sige po, alam naman po ni Tita" Bumaling sya sa mga anak niya. 

"Dito na muna kayo may ipapakita lang ako sa kaniya" Tumango ang dalawa. Dinala niya ako sa katabing kwarto. Pag bukas nang pinto napanga-nga ako. It's color blue! 

"Kanino po itong kwarto?" Tanong ko sa kaniya habang nilibot ng tingin ang buong kwarto. 

"Kwarto dapat ito nang panganay kong anak" Ang ganda nang buong kwarto. 

"Maiwan muna kita dito.. Feel at home ah" Tumango ako at ngumiti sa kaniya. 

Umupo ako doon sa kama. Ang laki nito paano kaya kung ganito ang kama ko, ang sarap sigurong matulog. 

Hihiga sana ako kaso naisip ko na sa anak pala ito ni Tita Liza baka anong isipin nun kahit wala iyon dito. 

Tumunog bigla yung cellphone ko....

*Calling Ethan* 

"Hello?" 

"Nasaan ka?" Tanong agad niya. 

"Nandito sa **** Street bakit?" 

"Oh? Bakit ka nandiyan?" 

"Nag deliver kasi si Tita ng cupcakes" 

"Free ka ba bukas?" 

"Lagi naman akong free. Bakit?" Pang ilang bakit ko na ba ito? 

"Ah wala lang. Sige bye" 

*toot*toot* 

Hala pinatayan ako. Nag muni muna ako doon hanggang sa may narinig ako kumatok sa kwarto. Umayos ako nang tayo. 

"Noona?" Sumilip mula sa pinto si Aiden. 

"Bakit Aiden?" Bakit nanaman? 

"Kain na muna raw tayo sabi ni Mommy" Tumango ako sa kaniya at lumabas na nang kwarto. Dumiretso kami sa likod nang bahay nila which is Garden na at may swimming pool pa. 

"Woah" Ang tanging lumabas sa bibig ko. 

Ang ganda nang garden nila. Sana ganito na lang ang bahay namin nila tita pero okay na kami dun sakto lang sa pamilya namin. 

"Maupo kayo" Napatingin ako sa lamesa. Ang daming pag kain. 

"Ano pong meron?" Tanong ko pag kaupo. 

"Birthday mo bukas hindi ba?" Tumango ako. Ngumiti siya saakin. 

"Edi sa'yo lahat ito. Kaarawan din nang aking anak bukas at tutal nandito ka. Ngayon na namin ipagdiriwang, minsan lang kasi kami mag karoon ng bisita dito. Uuwi ka na bukas hindi ba?" Napangiti ako sa sinabi niya. 

"Opo, may gagawin po kasi ako. Bukas po nang maaga uuwi na po ako" Tumango siya at nag simula nang mag-dasal si Bea. 

"Lord, thank you for the beautiful day. Thank you din po kasi nakasama namin ngayon si ate Ella sa birthday niya. Miss na po namin siya..." Nagulat ako sa sinabi niya. 

"Sana po lagi na lang pong nandito si Ate Ella para po masaya kaming lahat. Thank you din po sa masarap na pag kain na nasa harap namin ngayon. In jesus name, Amen" Napangiti ako sa sinabi niya. 

"Kainan na!" Sigaw ni Aiden. Nag simula na kaming kumain. Sinandukan ako ni Tita nang kanin. 

"Tita ako na po" Ngumiti siya saakin. 

"Ako na tutal bisita ka dito" Pinabayaan ko na lang. Siguro masaya silang maging pamilya lalo na maging kapatid sina Aiden at si Bea. 

Nag simula na kaming kumain. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gabi na ngayon at nandito kami nina Aiden at ni Bea sa kwarto nang anak ni tita Liza. Nag k-kwentuhan lang kami dito at nag-aasaran. 

"Tapos alam niyo ba? Nakakatawa talaga nung umutot si papa sa harap ko HAHAHAHA!" Sabi kasi nila mag kwento naman daw ako nang mga nangyari sa buhay ko at kay papa. 

"Hahahahaha oo nga Unnie.. Sayang lang at hindi na namin siya makikilala" Nalungkot si Bea. Sinabi ko kasi sa kanila na wala na si papa. 

"Bea halika na baka gusto nang magpahinga ni Noona" Ngumiti ako sa kanilang dalawa. 

"Inaantok na rin ata si Bea" Sabi ko kay Aiden. "Sige na matulog na kayo, Good Night" 

"Good night Unnie"

"Good night Noona" 

Lumabas na sila nang kwarto. Humiga ako sa malambot na kama. Bukas na ang debut ko, hindi ko man mahihiling ang magarbong handaan ma-ipagdiriwang ko naman iyon kasama ang mga importanteng tao sa buhay ko. 

Good night. 

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon