Chapter 23

1.6K 50 2
                                    

Ella's POV 

"Nakaready na ba lahat ng dadalhin niyo?" Tanong ni Tita Ana. Tumango kaming dalawa ni Karlo. 

Pupunta na kami sa Resort nila Aaron, sembreak na ngayon. 

Kasama ko si Karlo, suggest kasi ni Jonathan isama ko raw para naman maka-close din nila edi pumayag na ako. 

Pero ang nakakainis lang kasama si Abi. 

Hinintay lang namin dumating yung Van nung mga kaibigan ko.

"Tara na" Sabi ni Evan ng may humintong Van sa harap namin. 

Nakita kong nasa driver seat si Aaron, nasa passenger seat naman si Ethan habang si Eli, Evan at Jonathan nasa unahang upuan at ang hulong upuan nandun yung dalawa. 

Nag katinginan kami ni Andrei at parang wala siya balak na umiwas ng tingin kaya ako na ang umiwas. 

Ano ba iyong mga titig na iyon? 

"Akin na yung gamit mo, Ella" Iniabot ko kay karlo yung Bag 'ko at pumasok na sa loob.

Doon ako pumwesto sa gitna dahil doon na lang ang mga bakanteng upuan. 

Tumabi naman saakin si Karlo pagkatapos niyang ilagay sa likod ng Van ang mga gamit namin. 

Nag simula nang umandar at ang tatlong nasa harap namin ang ingay. 

"Mag patulog nga kayo!" Saway ko sa kanilang tatlo. Humina naman ang boses nila pero medyo malakas parin. 

Tinakpan ko yung tenga ko para maiwasan ang ingay nilang tatlo nang may maramdaman akong nag lagay ng headset sa tenga ko. 

Yung headset ni Karlo ibinigay niya saakin. 

Nakapikit na siya nung tumingin ako sa kania. 

Napangiti ako nang wala sa oras. 

Ang sweet talaga ng pinsan 'ko. 

Napatingin ako sa unahan namin at nakitayung tatlong maingay na nakangiting nakatingin saamin. 
Hindi lang siya basta ngiti, ngiting nakakaloko. 

Tinarayan ko na lang sila. 

~~~~.~~~~

Nagising ako ng maramdamang gumalaw ang inuunanan ko. 

Nakatulog pala ako sa balikat ni Karlo. 

Napansin ko rin na wala yung mga kaibigan ko dito sa loob ng Van pati na in si Abi. 

"Grabe ka pinsan ang bigat ng ulo mo" Tinignan ko siya ng masama. "Joke lang"

"Nasaan sila?" 

"Kumain muna. Ang tagal mo kasing magising eh" 

"Hala dapat ginising mo na lang ako!" Sabi ko sa kaniya. 

"Ayoko ngang iwan ka pinsan" 

"Edi wag. Buksan mo nga yung pinto hindi ako makahinga. Ang baho mo kasi" Asar ko sakaniya. 

"Grabe ka talaga" Binuksan niya naman ito at lumabas. Sumunod naman ako sakaniya. 

Nag-unat muna ako. 

"Dadalhan daw nila tayo ng pagkain dito" Rinig kong sabi ni Karlo. 

"K" Tanging sagot ko sa kaniya. 

"May panis na laway ka pa insan!" Sabi ni Karlo habang tumatawa. 

Pinunasan ko yung bibis ko at pag katapos ipalo ko kay Karlo yung kamay ko. 

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon