Chapter 3

2.3K 65 1
                                    

"Ate Ella!" 

"Ate gising na! May pasok ka pa" Naramdaman 'kong may yumuyugyog saakin. Iminulat 'ko ang aking mga mata at nakita 'ko yung kambal na nakatayo sa harap ko.

"Good morning ate!" Sabay na sabi nilang dalawa.

"Good morning din" 

"Mag ready ka na ate kasi yung mga mag susundo sa'yo nasa ibaba na" Pagkasabi ni Ada 'nun lumabas na sila ng kwarto ko. Napa-upo ako bigla sa kama ko. Yung anim nandito na agad?

"Ba't ang aga nila?" Bulong ko sa aking sarili. Kumuha na ako ng susuotin 'ko at dumiretso na sa ibaba. Isa lang kasi ang cr namin dito sa bahay.

"Oh napaaga kayo? Di halatang excited?" Tanong ko sa kanila. 

"Hindi kami napaaga. Mabagal ka lang talaga kumilos" Sabi ni Andrei. Alam kasi nilang anim na mabagl talaga ako kumilos. 

"Hin--" Bastos 'to ah. Pinutol ba naman yung sasabihin ko.

"Wag ka nang sumagot pumunta ka na ng cr" Sabi ni Evan. Sabay tulak ako sa direksiyon kung saan nandun yung cr namin. 

Wala na akong nagawa kundi maligo na. Wala pang 15 mins,tapos na akong maligo. Nag bihis na ako at dumiretso sa hapag kainan. 

~~.~~

"Bumaba ka na kasi eh" Nagtutulakan yung tatlo kung sino yung unang baba. 

"Ikaw muna nag mamadali ka masyado eh" Sagot ni Jonathan kay Evan.

"Ano ba? Sino na unang lalabas saatin?" Tanong naman ni Eli. -.- 

"Wag mo kaming idamay dyan kayong tatlo lang naman nag-uunahan kung sino yung unang lalabas" Sagot sa kanila ni Ethan. Nauna na siyang lumabas sumunod na ako sa kanya tapos nag sisunudan na rin sila.

"Sabi ko sayo ako unang lalabas eh" 

"Ikaw kasi Jonathan eh"

"F*ck you, Evan" 

"Hindi ba kayo titigil?" Tinignan ko sila isa-isa.

"Titigil na nga madam eh. Ikaw kasi" Sagot saakin ni Eli. Pag pasok pa lang namin sa entrance ng school, nagtitilian na agad yung mga babae. Nasa gitnan nila ako. As unsual, masama nanaman tingin nila saakin. Wala namang nagbago.

Pagdating namin sa lobby nag hiwa-hiwalay na kami. Yung kambal business manager yung kinuha nila. Ganun na din si Ethan,Aaron at Jonathan kasi sila rin naman ang susunod na magiging CEO ng kumpanya nila. Pero itong si Andrei ayun sinamahan ako sa culinary tutal ang kuya naman daw niya ang  susunod na CEO ng kanilang kumpanya. 

"Andrei cr lang ako mauna ka na sa room" Sabi ko sa kanya. 

"Sige basta susunod ka ah" 

"Baliw ka talaga malamang susunod ako classroom ko rin kaya yun" 

"Just saying hahaha bye liit" Sabi niya sabay gulo sa buhok ko. 

"Aish" Inayos ko ulit yung buhok ko sa loob ng cr. Siya lang nag bubukod tanging nag gugulo sa maiksi kong buhok. Pumasok ako sa isang cubicle dun. Habang nag wiwi ako may narinig akong pamilyar na mga nag uusap.

"Epal kasi yang Ella na yan eh. Kung hindi niya lang ako nakita kahapon sa mall edi sana kumportable pa rin ako ngayon" Boses ni Angel? 

"Chill ka lang best, akong bahala" 

"Don't tell me?" 

"Tama iyang nasa isip mo. Tara na baka malate pa tayao sa first class natin" Bigla akong kinabahan kung anong pwede nilang gawin saakin. Diyos ko, tulungan mo po ako. Uwaaaaaaaaaaah.  

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon