Chapter 10

1.7K 50 0
                                    

"Pasensya na kung pinag hintay ko kayo!" May nag salita sa likod namin. Napatayo tuloy kami ni Tita. 

"Magandang tanghali po. Ito na po pala yung pina-bake niyong cupcakes" Sabi ni Tita doon sa babae. Siya yung babaeng nasa Picture kanina. 

"Wag ka nang mag 'po' saakin, nag mumukha akong matanda" Ngumiti siya saamin. Pinakuha niya sa mga kasambahay nila dito sa bahay ang mga cupcakes na dala namin. Humarap siya saakin. 

"Sino siya? Anak mo ba siya?" Tanong niya kay Tita. 

"Hindi, pamangkin ko siya. Anak siya ng kapatid ko" Ngumiti ako sa kanya kaso tinitigan niya lang ako ng matagal. 

"Bakit po?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya saakin at umiling. 

"Naalala ko lang yung anak kong babae. Kasing edad mo na sana siya" Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. 

"Nasaan na po ba siya ngayon?" Tanong ko. Si tita? Sinamahan muna ang mga kasambahay para ayusin ang cupcakes. 

"Hindi ko alam kung nasaan na siya" Sabi niya. Umupo muna kami at may kinuha siyang album sa ilalim ng lamesa dito sa sala. 

"Ano ho iyan?" 

"Mga larawan ito nang anak kong babae" Pinakita niya saakin yun. Pamilyar talaga siya.

Kumunot ang aking noo. 

"Bakit? Kilala mo ba siya?" Tanong niya saakin. 

Umiling ako sa kanya. "Hindi po"

"Ang cute niya ano? Ano nga pala pangalan mo?" Tanong niya saakin nang may ngiti sa kanyang labi. 

"Ako po si Ella Grace pero pwede niyo po akong tawaging Ella" Pag papakilala 'ko sa kanya. 

Tila'y napatigil siya nang marinig ang pangalan ko. Naguluhan naman ako kung ano yung nagin reaksiyon niya. 

"E-ella Grace?" Sabi niya na maluha luha na. 

"Opo pero Ella na lang po. Bakit po?" Umiling lang siya saakin tapos ngumiti din. 

"Wala, ako naman si Elizabeth call me Tita Liza" Ngumit ulit siya. I think masayahin siyang tao. "May tanong ako sayo" 

"Kahit ano po sasagutin ko" Balik kong ngiti sa kanya. 

"Kailan ba birthday mo?" Inisip kong mabuti kung kailan. 

"Sa August **,19** po" Natigilan siya. Nakita 'kong paluha na ang kanyang mata. "Hala bakit po? May nasabi po ba akong hindi niyo nagustuhan?" 

(A/N: August na po kasi sa kanila)

"Wala" Tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha. Nabahala ako doon kasi baka kung ano ng nangyari sa kanya. 

"B-bakit po kayo umiiyak? Hala baka may nasabi po ako na hindi niyo nagustuhan" Sabi ko sa kanya. Nag dalawang isip ako kung hahawakan ko ba yung mukha niya. 

"Wala ito naalala ko lang ang anak ko" Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ko ang kanyang luha sa pamamagitan ng thumb ko. Napapikit siya nang punasan ko ito. 

"Siguro ho miss niyo na po yung anak niyo" Sabi ko sa kaniya. Tumango siya. 

"I Miss her so much at feeling ko malapit ko na siyang makita" Ngumiti ako sa kanya. 

"Pwede bang yumakap sa'yo?" Ngumiti ako sa kanya at tumango. 

Niyakap niya ako nang napaka higpit. Parang nung sandaling iyon naramdaman ko yung feeling kung paano mag karoon ng isang Ina. 

Kumalas siya sa pag kakayap."Maraming salamat, Ella" 

"Ma'am okay na ho naayos ko na" Sabi ni Tita galing kusina. 

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon