Third Person POV
Mag kakasama nanaman silang pito sa may garden. Lunch time nila ngayon at share share sila sa pag kain.
"Jonathan! May nabalitaan nanaman ako sa'yo na may ka-flirt ka nanaman daw!" Sermon sa kaniya ng babaeng kaibigan.
"Minsan lang yun, Ella" Pag papaliwanag nito. Nag kwentuhan lamang sila doon at nag-aasaran. Si Andrei naman tahimik lang doon sa isang gilid, iniisip kung paano sila mag kakaayos ni Ella.
Tumabi sa kaniya ang kaibigan niyang alam na may gusto siya kay Ella.
"Matunaw yan, bahala ka wala ka nang mamahalin" Asar sa kaniya nito.
"Shut up, Jonathan!" Hindi tinigilan ni Jonathan si Andrei at pinag-aasar pa ito.
"Nako! Inlababo ka kay Ella, leader"
"Manahimik ka nga Jonathan. Iniisip ko kung anong gagawin ko para mag kaayos na kaming dalawa eh" Ngumiti nang nakakaloko si Jonathan sa kanya.
"Akong bahala!" Tumayo ito at lumapit kay Ella na tumatawa. May ibinulong siya dito dahilan para mapatingin kay Andrei si Ella.
"Oo na, oo na..." Bumaling siya kay Andrei. "Okay na bati na tayo!"
"Huh?" Tanging nasabi lang ni Andrei dahil nagulat siya.
"Okay na! Hindi na ako galit!" Sabi sa kaniya ng kaibigan tapos bumaling na ulit ito kila Evan at Eli.
"Kitams!" Kumindat sa kaniya si Jonathan.
"Anong ginawa mo?" Tanong niya.
"Basta!" Nag-asaran lang sila doon tapos narinig na nilang nag bell. Nag sibalikan na sila kung saan yung room nila.
Hinila ni Ella si Andrei papunta sa room nila.
"Tara na! Hoy! bati na nga tayo eh!" Sabi sa kaniya ni Ella pero siya nakatulala lang dito. Inilagay ni Ella ang braso ni Andrei sa kaniyang balikat para tila'y nakaakbay ito sa kaniya. Napaiwas nang tingin si Andrei at dumiretso nang mag lakad.
~~~~~~~~~~~~~~
"Wala daw tayo ngayon last subject kasi pipili daw tayo ngayon nang club natin" Sabi nang president nila sa gitna. "Mag proceed na daw sa gymnasium"
Hinila agad ni Ella si Andrei papunta doon. Nakangiti siya habang nakatingin sa kaibigan. Inlove na talaga siya dito.
"Saang club ka mag paparegister?" Sabi nito pero hindi sa kanaya nakaharap, tila may hinahanap.
"Dance club" Simpleng sagot ni Andrei sa kaibigan. Biglang humarap ito sa kaniya.
"Sayang sa glee club ako eh! Sige na babye!" Tumakbo ito sa malayo. Ngumiti na naman ito dahil sa kaibigang babae.
Ella's POV
"Oh Ella!" Bati saakin ni Ate Khim, ang president ng glee Club.
(A/N: Sasali si Author!)
"Hello ate! Ahmm Dito 'ko po kasi napiling mag pa-register" Sabi ko sa kaniya. Nakilala ko siya dahil kay Andrei. Mag pinsan silang dalawa.
"Good for you! Ang ganda kaya ng boses mo!" Sabi niya saakin. Narinig na niya kasi akong kumanta nung nandoon kami sa kanila.
"Hihihi thank you ate" Isinulat ko na ang pangalan ko doon.
"Tawagin ka na lang namin kung ikaw na ang mag-audition pero malamang makakapasa ka naman sa panlasa nila" Napangiti ako kay ate Khim at umupo doon sa waiting area ng glee club.
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...