Chapter 33

1.5K 46 0
                                    

Ella's POV
"May nakalimutan akong kunin sa bahay,Ella. Ikaw na muna bahala dito at kukunin ko lamang iyon" Tumango na lang ako kay Tita at pumasok na sa mansion nila Tita Liza.

"Good Morning po ma'am" Binati ko rin yung katulong. Kinuha niya sa kamay ko yung mga cupcakes na dala namin at dumiretso na siya sa kusina. Pumunta naman ako sa sala.

Nakakapag taka bakit wala si Tita Liza. Dati nandito lang iyon sa sala, hinihintay kami pero wala siya dito. Dumaan si Manang.

"Ahh excuse me po" Napahinto naman siya at napatingin saakin.

"Bakit po?"

"Nasaan po si Tita Liza?" Tanong ko sa kaniya.

"May pinuntahan pong meeting parating na rin po iyon. Sige po tawagin ko na po muna yung mga alaga ko"

"Ah manang Ako na po tatawag kila Aiden. Pwede po ba?"

"Oo naman sige tutal may gagawin pa naman ako" Nag pasalamat ako sa kaniya at umakyat na ako sa taas. Dumiretso ako sa kwarto nila Aiden nang mapansin kong bahagyang nakabukas ang katabing kwarto nito. Ang kwarto nung anak ni Tita Liza.

Hindi ko alam kung bakit doon ako dinala ng mga paa ko at pumasok dito. Napansin kong mas lalong gumanda ito kaysa nung huli akong pumasok dito. May mga picture na siya pero laking gulat ko nung makita yung mga stolen shots ko na naka frames sa isang table. May mga picture din ni papa. Yung may bitbit na baby si papa at alam kong ako iyon dahil nasa photo album ko iyon sa bahay.

"Bakit ako may mga picture dito?" Naitanong ko na lamang saaking sarili. May nakita din akong picture na may kargang baby si Tita Liza at alam kong ako iyon. Unti-unting may namumuong luha sa mga mata ko.

Sino ba ako?
Bakit ako may pictures dito?
Ako ba yung nawawala niyang anak?

Dun ko lang napagtanto na ako nga iyon ng may makita akong picture frame. Si papa kasama si Tita Liza at ang baby na si Ako.

Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Hinawakan ko yung picture frame na nakita ko. Hindi ako pwedeng magkamali ako nga itong baby na 'to. Ibig sabihin ba nito si Tita Liza at ang mama ko ay iisa?

"Ella?" May narinig akong tinig mula sa pinto ng kwarto at nakita ko si Tita Liza na nakatayo doon kasama si Aiden at si Bea.

"Ako po ba ito?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Anak..." Sa pagtawag niya saakin ng anak mas lalo akong napahagulgol sa pag iyak. Lumapit siya saakin at niyakap ako ng mahigpit. Ginantihan ko din siya ng yakap dahil ito ang kauna-unahang yakap naming mag-ina.

"Mama.." Tawag ko sa kaniya.

Papa nahanap ko na si Mama. Wag kana pong mag alala.

~~.~~ 

"Matagal ko na ito ng hinihintay. Ang mayakap ka"

"Mama.." Tanging nasabi ko sakaniya habang magkayakap pa rin kami.

"You know what? sobrang saya ko dahil makakasama na kita. Magiging kumpleto na tayo, wala lang si R--Ricardo" Napansin kong lumungkot ang kaniyang boses at medyo pumiyok si mama ng banggitin niya ang pangalan ni papa. Kumalas siya sa pagkakayakap at humarap saakin.

"Nakikita po tayo ni papa at alam kong sobrang saya niya rin dahil nakita ko na ang ina ko" Ngumiti ako sa kaniya. Hinaplos niya ang mukha ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag hinahaplos ka ng Nanay mo sa mukha. Nililibot niya sa aking mukha ang kaniyang tingin tila'y kinakabisado ang bawat parte nito.

"Di k akalain na mahahawakan ko na itong mukha mo ngayon, anak"

"Mama.." Naluluha nanaman ako.

"Ate!" Narinig kong tawag ni Bea at ni Aiden. Akalain mo yun kapatid ko pala sila at ate pa nila ako.

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon