Chapter 20

1.6K 46 2
                                    

Ella's POV

"Ella!" Hanubanamanyan. Ang aga-aga pa eh. 

"Ella!" Napabangon ako sa walanghiyang tumatawag saakin. 

"Ano ba yun?!" Umupo ako sa may kama ko habang nakapikit pa ang mga mata. 

Naramdamdaman kong may pumapalo saakin. 

"Bumangon ka nang bata ka! May bisita dyan sa baba!" Pinag papalo ako ni Tita. 

"Aray--Bababa na Tita-- Aray!" Lumalayo ako kay tita habang pinapalo niya ako. Ang sakit kaya mamalo ni Tita.

Bumangon na ako sa kama ko. Anong oras na kaya ako nakatulog kagabi. Magdamag ngang nakabukas yung T.V sa bababa eh. Alam niyo ba yung reaksiyon ni Tita pag kasising kaninang madaling araw? 

Ayun halos maputol na ang ugat sa leeg sa lakas ng boses. Sigawan ba naman ako eh.

Nanonood kasi ako ng K-drama. 

Yung pinapanood ko? Hwarang.. Alam niyo bang namatay si Kim Taehyun dun? 

Sh*t iyak ako nang iyak kagabi eh kaya namumugto yung mata ko ngayon. 

Imagine yung bias mo sa BTS o sa EXO namatay sa drama nila. 

Ang sakit nun sa Hear---

Nabalik lang ako sa reyalidad ko nung may matigas na likod akong nabunggo. 

"Ahh" Eme lang hindi talaga siya masakit para naman maguilty kung sino mang human being itong nasa harap ko at nakaharang sa daanan. 

Humarap siya saakin at nagulat ako nung mapagtantong siya yung lalaking nandun sa mall nung isang araw. 

"Uy! Hi None of your business" 

Kumaway siya saakin pero tinaasan ko lang siya nang kila, hindi kami close para mag hi din ako sakaniya. 

"Anong ginagawa mo dito?!" Pag tataray ko sa kaniya. 

Imbis na siya yung sumagot biglang sumulpot si Tita Ana at kinurot pa ako sa tagiliran ko. 

Napadaing tuloy ako. "Awwww!" 

"Pamangkin ko yan, Ella. Kaya wag mong mataray tarayan yan" Ibig-sabihin mag pinsan kaming dalawa? 

"Hi Pinsan" Bati niya ulit saakin. Ngumiwi ako sa kaniya. 

Wala ako sa mood mag 'Hi rin Pinsan' kung kulang tulog 'ko 

"Halika na kayo kumain muna kayong dalawa" 

Sumunod na ako sa kusina. 

Umupo ako sa favorite spot ko kapag kumakain kami. 

"Nasaan nga pala yung kambal Tita?" 

Pansin ko kasing wala sila sa Sala kanina. Anong oras na kaya, hindi naman pwedeng natutulog pa sila eh halos sila nga ang laging nauunang gumising saakin. 

"Nandoon sa pinsan ng side nang papa niya" 

Napa 'ahh' na lang ako. Wala akong masabi eh. 

Ito namang nasa harapan ko nakatingin lang saakin. 

Bored ko siyang tinignan. 

Ibinaling ko na sa pagkain ko yung tingin ko. 

"If you have something to say then spill it" 

Wag ka english yan. 

"Sorry nga pala Insan nung isang araw ahh" 

Kumamot siya sa kaniyang ulo. 

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon