"Anong gagawin natin dito?" Tanong 'ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa may Entrance ng mall.
"Tanungin mo sa kambal" Sagot ni Ethan.
"May nakita kasi kaming ticket sa bahay eh" Sabi ni Eli. Hala ticket daw baka concert ticket. Yung Exo,Bts at Got7 concert ticket,makikita 'ko na ba sila?
"Mali yang nasa isip mo Egs" Sabi ni Eva.
"Paano mo nalaman kung ano yung nasa isip 'ko?"
"Binabasa 'ko kaya yung story mo dito sa watty" Sagot niya. Sinamaan 'ko siya ng tingin.
"Joke lang,Egs. Halata naman kasi sa mukha mo eh"
"Pinapaasa niyo si Ella eh" Singit ni Jonathan.
"Di namin siya pinapaasa! Hindi kaya ako paasa. Ewan ko na lang kay Evan" Sabi ni Eli.
"Hoy! Sinasabi mo bang paasa ako?" Mag aaway na 'yang dalawang yan. Siniko ko si Andrei. Tiningnan niya ako ng bakit-look, tumingin din ako sa kanya tapos tumingin sa kambal na nagbabangayan. Ibig sabihin lang nun, patigilin-mo-sila-look.
Na-gets niya naman kaya lumapit siya dun sa kambal at pinaghiwalay silang dalawa. Sa kanan si Evan habang sa kaliwang kamay ni Andrei si Eli.
"Tumigil na nga kayo. Ano na ba talaga ang gagawin natin ah?" Tanong niya dun sa dalawa.
"Pssh. Manonood tayo ng sine" Sabi ni Eli. May pinakita siyang pitong tickets.
"Ano namang palabas yan?" Tanong ni Ethan.
"Yun lang hindi namin alam" Anak ng tokwa baka mamaya rated spg yan. Patay talaga saakin itong dalawang ito.
"Tara na nga" Sabi ni Andrei. Nag simula na kaming maglakad papunta sa sinehan. Kada may madadaanan kaming mga babae, ang sasama ng tingin saakin.
Sanay na ako. Bata palang kaming pito, ganyan na sila tumingin saakin eh. Ang gwapo kasi nitong mga kaibigan 'ko eh.
~~~~~~~.~~~~~~~~
Nandito na kami sa loob ng sinehan. Laki ng pasasalamat 'ko kasi kung hindi ko nakilala ang mga mokong hindi ko mararanasan manood ng sine. Mahirap nga lang kasi kami eh.
Nasa gitna ako ni Andrei at ni Ethan. Sa kanan ni Andrei ay si Aaron at Jonathan. Sa kaliwa naman ni Ethan ay yung kambal.
Napatingin ako sa unahan kung saan may dalawang naglalandian. Walang pong forever kuya't ate pero teka parang familiar yung babae. Tinitigan 'ko siya habang hindi pa nag uumpisa yung palabas. Familiar talaga siya,saan ko nga ba siya nakita? May naalala ako.
"Meets Angel she's my girlfriend"
"Hello"
Naalala 'ko na! Girlfriend siya ni Andrei. Bakit may kasama siyang ibang lalaki? Tumingin ako kay Andrei kung nakita niyo itong dalawang taong nasa harap ng upuan namin. Mukhang hindi niya alam ah.
Isinantabi 'ko muna yung nakita 'ko. Nag uumpisa na kasi yung palabas. Sa una, wala lang pero yung bandang gitna na. Nanlaki anng aking mga mata nang makita kung anong scene yung susunod. Biglang tinakpan ni Andrei at ni Ethan yung mata 'ko. Mababatukan 'ko talaga yung kambal eh.
Bed Scene kaya yun. Itong mga ugok ayaw nila akong panoorin ng ganun pero pinanood nila saakin yun. Nakakabwisit sila Evan at Eli.
Hanggang matapos yung palabas nakatakip lang yung mata 'ko ng kamay ni Ethan at ni Andrei tapos yung kamay 'ko naman nakatakip sa tenga 'ko. Yung ungol kasi mga bes.
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...