Evan's POV
Hello. Evan is the name. Papunta kami sa room nila Andrei ngayon kasi susunduin namin si Ella. Naisip lang naming anim na sunduin siya kasi hindi namin yung nakita kanina. Busy kami sa pag hahanda para sa birthday nun. Lunch time na kasi eh.
Pag dating namin sa room nila. No sign of Ella.
"Nasaan yun?" Tanong ni Andrei.
"Aba'y malay ko mag kakasama tayo mula kanina pa" Asar na tanong ko sa kanya. Tinignan niya lang ako nang masama. Parehas sila ni Ella na kung makatingin parang may gagawing masama sa'yo kaya natatakot ako dun minsan eh.
"Oh Andrei hinahanap niyo ba si Ella?" May babaeng lumabas sa room nila.
"Oo Apple nakita mo ba siya?" Tanong sa kaniya ni Andrei.
"Sa pag kakatanda 'ko, ang huli namin pag-uusap ay kaninag 2nd subject sa may gym" Nanlaki ang aming mata. 2nd subject? Kanina pa iyon ah.
"Bumalik na ba siya?" Mabilis na tanong ni Ethan. Umiling siya.
"Hindi pa nga eh. Kanina kasi parang may nakita siyang hindi ko alam kung ano tapos ang sabi niya sabihin ko daw kay ma'am na nag cr lang siya pagkatapos nun hindi na siya bumalik" Mahabang sabi nung Apple.
"Kung tawagan niyo kaya para malaman natin kung nasaan siya" Suggest ni Aaron.
"Oo nga pala, ito ang cellphone niya naiwan niya kanina sa bench na inuupuan namin" Kinuha ni Jonathan iyon at nag pasalamat na kami kay Apple.
"Aish!" Tanging nasabi ni Andrei. "Saan naman kaya pumunta iyon?"
Hinanap namin si Ella sa lagi naming tinatambayan pero wala. Pumunta na kami sa Garden wala doon. Di kaya.... wag naman sana.
"Shit!" Bulalas ni Jonathan.
"Baka kinuha na siya nila...." Naputol ang sasabihin ni Aaron. Parehas kami nang naiisip.
"Damn! Kapag nalaman ko lang talaga na may kinalaman sila Jacob dito mapapatay ko talaga sila!" Sigaw ni Andrei.
"Huminahon ka nga lang, Andrei. Hindi pa tayo sigurado kung sila Jacob ang may gawa nito kung bakit siya nawawala" Mahinahong sabi sa kanya ni Ethan.
"Paano kapag sila Jacob ang kumuha sa kanya?" Tanong ng gwapo kong kakambal.
"Kailangan muna nating maka siguro" Kinakabahan na ako. Sana naman walang masamang nangyari kay Ella.
Papunta kaming parking lot ngayon pupuntahan namin yung warehouse nila Jacob kung saan tumatambay ang gang nila.
Buti na lang walang bantay ang Exit ng school kaya nakalabas agad kami pero kahit na may bantay yan makakalabas pa rin naman kami kasi anak ng may ari ang kasama namin.
Van ang dala naming sasakyan ngayon kasi doon kami natulog kila Andrei dahil sa pag p-plano para sa birthday ni Ella. Pag labas ng van namin sa school. May nakita kaming isang itim na van na huminto sa waiting area. Lumaki ang aking mata nang niluwa nito ang aming kaibigan babae at mas lalong lumaki pa ulit ang mata ko nang may lumabas ding lalaki doon.
"Shit!" Tsaka lang namin na realize na sumugod na si Andrei doon. Nag sisunudan naman kaming Lima.
"F*ck you!" Sigaw ni Andrei nang lumapat ang kamao niya sa lalaki.
Ella's POV
"Andrei!" Sigaw 'ko nang biglang niyang suntukin si Aiden. Tinulak ko siya palayo at tinulungan si Aiden. "Okay ka lang, Aiden?"
Pinunasan niya muna yung labi niyang pumutok."Okay lang ako, Noona" Humarap siya kay Andrei.
"Ano bang problema mo?" Tumingin din ako kay Andrei nang masama.
"Ikaw! Ikaw problema ko!" Sigaw niya kay Aiden.
"Ano ba Andrei?!" Sigaw ko din sa kanya. Napansin kong nag silabas yung mga kaibigan ni Aiden.
"Anong nang yayari dito?" Tanong ni Clyde. Napatingin sa kanya yung mga kaibigan ko.
Walang pumansin sa tanong niya.
"Saan ka galing, Ella?!" Sigaw nanaman niya saakin.
"Sumama ako sa kanila!" Sigaw ko din sa kanya.
"Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sayo?! Akala namin may nang yari na sa'yong masama!" Kasalanan ko bang wala sila kanina kaya sumama ako kila Aiden? Sumaya pa nga ako eh. Di ko siya pinansin at humarap na lang kila Aiden. Ayokong makita nila na nag-aaway kami ni Andrei.
"Thank you guys, ang saya ko ngayon dahil sainyo" Ngumiti ako sa kanila.
"No problem" Sabi saakin ni Clyde.
"Thank you kasi nakasama ka namin ngayon. Sa uulitin" Hahawakan niya sana ulit yung kamay ko pero pinalo nanaman ni Aiden yung kamay niya.
"Possessive brother" Bulong niya kaya hindi ko narinig pumasok na lang siya sa van.
"Ahmm... Noona alis na ako ah" Ngumiti ako sa kanya. "Kapag may ginawa sila sayo sabihin mo lang saakin. May number na ako sa'yo"
"Don't worry wala silang gagawin saakin. Sige na paalam" Papasok na sana siya sa van kaso napatigil siya.
"Noona pwedeng payakap? Kahit saglit lang?" Ngumiti ako sa kanya at tumango. Niyakap niya ako nang napaka higpit. Mas matangkad siya saakin actually lahat nang nakapaligid saakin matatangkad.
"Masarap pala mag karoon nang kapatid. Thank you Noona" Bulong niya saakin. Niyakap ko rin siya pabalik.
"Welcome, sa susunod ulit" Kumalas na siya sa pag kakayakap.
"Bye Noona" Sumakay na siya sa van at umalis na ito. Humarap ako kila Andrei at tila'y nag-aapoy na siya sa galit.
"Sino sila?!" Sigaw nanaman niya.
"Mga kaibigan ko din bakit?!" Sigaw ko sa kanila.
"Akala ko ba kami lang kaibigan mo?! Tsaka bakit ka sumama agad sa kanila?! Di mo pa nga sila masyadong kilala eh!" Tinignan ko lang siya nang masama.
"Nasaan ba kayo kanina?! Alam niyo bang wala akong kasama?! Alam niyo bang lonely ako kanina?! Hindi ako sana'y nang wala kayo!" Sigaw ko sa kanilang anim. Paiyak na ako, kahit kailan talaga ang sensitive ko.
Niyakap ako ni Eli.
"Ssshh wag ka nang umiyak" Tinatap ni Eli yung likuran ko para patahanin ako.
Umalis na lang bigla si Andrei. Mas lalo akong naiyak sa ginawa niya. Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit parang ang sakit, ang sakit na umalis siya kahit hindi pa kami mag kaayos?
"Tahan na Ella" Lumapit saakin sila Aaron.
"Halika na iuuwi ka na muna namin" Sabi ni Ethan.
"Pasensiya na kung ganoon makareact si Andrei. Kanina ka pa kasi namin hinahanap baka kasi may nangyari na sayo" Pag papaliwanag ni Eli.
Ganon lang ang dahilan niya? Para sobrang magalit saakin? Para sigawan ako?
I Hate Him. Bahala siya sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...