Chapter 18

1.6K 48 2
                                    

Ella's POV

Ang tagal 'ko nakatayo dito pero wala pa rin ang susunod na mag sasayaw saakin. 

Makalipas ang ilang minuto, naaninag ko yung isa sa mga kaibigan ko na papalapit saakin. 

"Sorry kung ngayon lang ako nakalapit may kausap kasi eh" Kumamot siya sa kaniyang Ulo. 

"Okay lang atleast lumapit ka saakin" Nag umpisa na kaming sumayaw. 

"Happy Birthdya, Ella! Alam mo? Ang wish ko sa'yo ay sana wag kang magbago! Stay pretty! Stay what you are! Tsaka nandito lang kaming anim kung sakaling may problema ka!" 

"Pinapaiyak mo rin ako eh! Yung apat pinaiyak na ako eh pati ba naman ikaw" Natawa siya sa sinabi ko. 

"Ella, iloveyou" Ngumiti ako sa kaniya tapos hinalikan niya rin ako sa noo. 

"Thank you, Ethan" Saad ko sa kaniya. 

"Ehem" May narinig kaming sumingit. "Ako naman" 

Nakita namin si Andrei sa gilid namin. 

Ibinigay niya na ako kay Andrei. 

"Dahil ako ang last dance mo syempre mag tatagal ito. Ang dami ko kayang gustong sabihin sa'yo" Ngumiti ako sa kaniya. 

"Say it now" 

"Ella makinig kang mabuti.." Nakatingin lang ako sa kaniya ganun din siya. "Wooh.. Ngayon ko lang ito gagawin" 

"Ang alin?" 

"Ella... Iloveyou!" Mabilis niyang sagot. Natawa naman ako sa sinabi niya. 

"Ano ka ba naman. Iloveyou lang pala hindi pa masabi.. HAHAHA" Tumawa ako sa sinabi niya. 

"Teka bakit hindi ka nagulat?" Tanong niya saakin. 

"Sinabi na din kaya yan nung lima!" Ngumiti ako sa kaniya. 

"Oo tama. Iloveyou our princess" Sabi niya saakin habang nakatingin sa mga mata ko. 

Tumingin din ako sa mga mata niya.

Oo, gwapo siya. 

Ang ganda ng mga mata niya. 

Ang Ilong niya. 

Ang labi niya. 

Dug.dug.dug.dug.dug.dug. 

Ito nanaman yung kabog ng dibdib ko. Ano bang nang yayari saakin? 

Makalipas ang ilang minuto tapos na ang 18 roses. 

Inalalayan ako ni Andrei papunta doon sa upuan ko. 

Hinawakan ko yung dibdib ko para pakiramdaman kung ganun pa rin kabilis ang tibok ng puso 'ko. 

Bakit ganun? Ayaw niyang tumigil sa pag bilis ng tibok. 

Kalma lang Ella. 

"And now let's proceed to 18 candles" Unang lumapit yung mga kaklase ko sa room. Pagkatapos nila, si Tita Bregella na ang mag m-message saakin. Ang mommy ni Andrei.

"Happy Birthday, Ella! Thank you kasi naging kaibigan ka nang anak ko. Napaka bait mong bata at sana wag kang mag babago. Happy Birthday, Ella" Lumapit saakin si Tita at niyakap ako.  

Lumapit naman sa Mic ay si Tita Ana. 

"Ahmm Hello! Ako yung tita ni Ella, ako na nag alaga sa kaniya mag mula nang mamatay ang kaniyang ama...." Napakagat ako sa aking ibabang labi. 

"Masasabi kong mabait siya. Masipag siya, lagi niya akong tinutulungan sa gawaing bahay. Itinuring ko na nga rin siyang pangatlong anak ko eh.." Naiiyak na ako sa sinasabi ni Tita. 

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon