Ella's POV
Kinabukasan
Inaantok akong bumangon dahil hindi ako nakatulog. Sira kasi si Andrei kung ano-ano pinag sasasabi kagabi di tuloy ako nakatulog.
Nang makababa ako parang nakakita ng multo si Karlo nang makita ako.
Napaatras pa nga nung mag kakasalubong kaming dalawa.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Pinsan... Bakit ang laki ng eyebags mo?" Paano ba naman hindi ako nakatulog dahil sa Iloveyou ni Andrei.
"Wala napuyat lang" Dumiretso na ako ng cr at naligo na.
Pagkatapos kong maligo at mag bihis. Parang nabuhayan ako dahil sa malamig na tubig.
"Kumain ka muna" Umupo na ako at nag sandok.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ng masarap naming agahan. Pumasok sa kusina si Karlo at parang nakangiti.
Anyare dito?
Bumaling siya saakin.
"Yung sundo mo nasa labas hinihintay ka na" Mabilis akong tumayo at kumuha ng pandesal na may palaman na scrambled egg.
"Bye Tita, bye Insan!" Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na.
Nakita ko si Andrei na nakatayo sa may gilid at mukhang badtrip.
"Ba't ang tagal mo?!" Sgaw niya saakin.
"Ba't di ka kasi pumasok?!" Sigaw ko din sa kaniya pero hindi niya iyon pinansin.
"Sa susunod ayokong nag hihintay ng matagal" Mahinahon niyang sabi at hinawakan yung kamay 'ko.
Napansin kong wala siyang dalang kotse.
"Ba't di mo dinala yung kotse mo? Baka malate pa tayo" Saad ko sa kaniya.
"Gusto ko kasing hawakan ang malambot mong kamay at makaranas ng Holding hands while walking kasama ka" Kikiligin na sana ako pero yung malambot na kamay lang talaga. Tinignan ko siya ng masama.
"Ako ba niloloko mo?!" Siraulo 'to nang aasar ata. Hindi naman malambot yung kamay ko eh. Magaspang kaya yan.
"Alam mo kahit gaano pa ka-gaspang yang kamay mo sasabihin at sasabihin ko pa rin kung gaano kalambot yan" Hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko. Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
Nakarating kami sa tapat ng school. Papasok na sana kami kaso napahinto siya ng tumigil ako. Hindi ako sure kung dapat ba naming ipakita sa mga ka-schoolmates namin na mag ka-holding hands kaming dalawa.
You know alam nilang kaibigan ko si Andrei tapos makikita nilang mag kahawak kamay kami at dala-dala niya pa yung bag ko. Ano na lang ang iisipin nila? Na ang landi ko kasi nagustuhan ko yung isa sa mga kaibigan ko?
"Bakit nahihiya ka ba?" Tanong niya saakin pero umiling lang ako.
"Ba't naman ako mahihiya? Baka kasi kung ano-ano ang sabihin nila saakin kapag nakita nila tayong mag kahawak ang kamay" Ngumiti siya saakin at simpleng pag-ngiti niyang iyon gumaan ang loob ko.
"Halika na. Wag mong isipin yung sasabihin nila. Tandaan mo nandito lang ako palagi sa tabi mo" Tumango ako at tuluyan na kaming pumasok sa loob.
Kada madadaanan namin sila napapatingin agad sila saamin at bababa ang tingin sa mag kahawak naming kamay tapos mag bubulungan.
Hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko na parang sinasabi na nandito lang siya sa tabi 'ko.
Hanggang sa makarating kami sa lobby nakita naman namin doon yung lima na nag tatawanan.
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...