Ella's POV
Panay tingin ko sa cellphone ko. Hinihintay ko pa rin ang pagtawag saakin ni Andrei. Mula kasi kaninang Umaga simula nung marinig niya yung tungkol kay Clyde hindi na siya nag paramdaman. Kinakabahan na nga ako eh.
Nandito ako kasalukuyan sa sala. Mamaya mag aayos na ako dahil sa gaganaping welcome party nila mama saakin as part of their Family, oha English yan. Duh kahit naman lumaki ako sa isang mahirap na pamilya marunong pa rin naman akong mag english dahil natuturo iyan. Di ko lang alam kung tama ang grammar.
"Waiting to someone text?" Napatingin ako kay Mama.
"O-opo" Nahihiya kong sagot. Umupo siya sa tabi ko.
"Is it your Boyfriend?"
"H-how did you know?" English nanaman yan mga ateng Hahahaha. Bakit alam ni mama na may boyfriend ako?
"Bea's told me that your boyfriend is Clyde.. One of Aiden's Barkada"
"M-mama hindi po siya.." Sinabi ko sa kaniyang eme lang yun ni Clyde. "Mama yung boyfriend ko po ay isa sa mga kaibigan ko"
Napatango siya."I see. Kaya pala nung unang aya ko sa kaniya kahapon na siya ang magiging escort mo mamaya parang nagulat siya. Pero pumayag din naman agad"
Napalaki ang aking mata. Si Clyde magiging Escort ko mamaya? Paano na lang kapag nabalitaan ito ni Andrei? Malamang mag seselos iyon.
Kokontra na sana ako kaso biglang dumating yung mga kaibigan ni Aiden.
"Good Afternoon Tita!" Bati nila Blake sa Mama ko. "Oww Good morning Gracey"
Ngumiwi ako sa tinawag saakin ni Blake. Paano niya rin pala nalaman ang second name ko.
"Inistalk kasi kita sa facebook" Parang nabasa niya ang nasa isip ko kaya niya sinabi iyon.
"Aray!" Napahawak siya sa kaniyang ulo dahil binatukan siya ni Aiden. Nandiyan rin pala siya, di ko siya napansin.
"Tigil tigilan mo nga ate ko" Sabi niya. Pinahinto ko na rin siya sa pagtawag saakin ng Noona dahil isang taon lang pala ang agwat namin sa isa't isa pero nag pumilit siya kaya Ate na lang raw ang itatawag niya saakin masyadong formal daw kasi ang Noona.
"Parang nag j-joke lang eh" Lumayo siya kay Aiden at lumapit sa couch para umupo alangan namang tumayo.
Nag si sunudan na silang apat para umupo. Di halatang feel at home sila dito. Siguro araw araw silang nandito kila Mama.
"Anak dito na muna kayo at may gagawin na muna ako para sa party mo mamaya" Tumango ako sa kaniya at bumalik na ako sa ginagawa ko kanina. Hanggang ngayon wala pa rin siya text o tawag man lang. Arrrrggghhh I miss him already.
*Psst*Psst*
"Hala sino yun?" Nag tatakang tanong ni Blake. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino yung nag text.
*psst*psst*
"Sino ba kasi iyon?" Napatingin na ako sa kaniya.
"Ahh Blake cellphone ko iyon" Napatingin siya saakin at kumunot ang noo.
"Paanong naging cellphone mo iyon?" Sasagot na sana ulit ako kaso tumunog nanaman cellphone ko.
*psst*psst*
"Text message Tone" Sabi ko sa kaniya at tinuon na lang ang pansin sa cellphone ko. May tatlong unread messages pero ni isa doon wala galing kay Andrei.
Bessy←
+639*********
~Pupunta ako sa welcome party mo.Napangiti ako sa text niya atleast pupunta siya kahit na hindi makakapunta yung anim. Binuksan ko naman ang isa pa.
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...