(EDITED)
"A-andrei" Tawag ko sa kanyang pangalan.
"E-ella pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya saakin. Umiwas ako ng tingin sa kanya bago ko siya sinagot.
"Para saan pa Andrei? Kaibigan mo lang naman ako ah" Sabi ko sa kanya. Buti na lang walang masyadong tao dito sa restaurant.
Aalis na sana ako kaso hinahawakan niya ako saaking kamay at pinaharap sa kanya.
"Sorry okay? Ayokong masira yung pag kakaibigan nating dalawa" Dahil hindi ko siya matiis...
"Oo na pasalamat ka kaibigan kita" Sabi ko sa kanya.
"Thank you, Ella. Sorry sa sinabi ko kanina. I didn't mean to say that." Ngumiti siya saakin. "Tara na nagugutom na ako eh" Aya niya sakin. Bumalik na kami sa table namin. Naka handa na pala ang aming pagkain kami na lang ang hinahantay.
"Ang tagal niyo naman nagugutom na ako eh" Angal nung patay gutom saamin.
"Kumain ka na nga" Sabi pa ni Andrei. Nag-simula na silang kumain habang ako tinitigan muna silang anim.
Si Evan at si Eli ayun parang mauubusan kung kumain.
Si Jonathan ganun din kaso medyo pa-cool.
Si Aaron ayun walang pakeelam sa paligid niya.
Si Ethan nag pipigil ng tawa kung anong ginagawa nung tatlo
At si Andrei kumakain lang.
Paano kaya kung hindi ko sila na kilala nung bata pa kami? Siguro wala akong kaibigan ngayon sa school at siguro hindi ko mararanasang manood ng sine,kumain sa mamahaling restaurant at makasakay sa magarang kotse. Thankful ako sa kanila kasi naging kaibigan 'ko sila kahit yung iba sa kanila Baliw.
"Hindi-asadsfgf-mo-adsadfd-ba------" Naputol lang yung sasabihin ni Eli nang magsalita si Aaron.
"Ilang beses ko bang sasabihin na wag kang mag sasalita kapag may laman pa ang bunganga mo! Tagalog na yan ah!" Sumimangot si Eli at nag dahan dahang ngumuya. Natawa na lang ako sa kanila.
Pagkatapos naming kumain hindi na kami dumiretso sa timezone kasi mag-gagabi na at kailangan ko na raw umuwi sabi nila.
Hinatid nila ako sa bahay nila Tita.
"Mag-iingat kayo ah?"
"Opo boss" Nag saludo pa yung tatlo.
"Pumasok ka na wag ka nang lumabas" Sabi ni Ethan.
"Opo. Bye ingat" Pagkasabi ko n'un humarurot na ang kotseng sinasakyan nila.
Pumasok na ako sa loob at naabutan ko sa sala yung kambal.
"Anong pinapanood niyo?" Tila'y nagulat sila nung nag salita ako,napasigaw pa nga. "Bakit? Parang nakakita kayo ng multo?"
"Nakakatakot kasi pinapanood namin ate eh! Akala namin kung ano na" Sabi nila saakin.
"Ay pasensya na! Malay ko ba. Osiya aakyat na ako ah. Matutulog na ako"
"HIndi ka kakain ate?" Tanong ni Ada.
"Kumain na ako sa labas"
"Sige ate nood lang kami" Umakyat na ako. Nag linis lang ako ng katawan,nag-bihis at dumiretso na sa kama. Matutulog na ako.
~~。~~
"Good morning!" Masigla 'kong bati pagdating ko sa school.
"Good Morning Ella" Bati nilang lima saakin.
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...