Chapter 12

1.8K 51 0
                                    

Ella's POV

Pumasok ako nang maaga para hindi ko sila makasabay sa pag pasok. Ayoko pa silang makita lalo na kapag kasama nila si Andrei. 

Nakarating ako sa CHU nang maaga na halos ako pa lang ang tao. Hindi nga pala ako kumain nang almusal. Pumunta ako sa garden para sana tumambay kaso may nakita akong lalaking natutulog. Hindi siya nakaharap sa direksiyon ko kaya hindi ko siya nakilala. 

Paalis na sana ako kaso narinig ko sa kanya ang pangalan ko. 

"Ella.." Pag-tawag niya saakin."Ella wag mo akong iwan"

Lumapit ako sa kanya at doon ko lang nakita kung sino ang natutulog. Aalis na ulit sana ako kaso nagulat ako sa sinabi niya. 

"Ella.. Mahal Kita" Nanlaki ang aking mata nang marinig iyon. Tila'y naistatwa ako saaking tinatayuan. Nakitang kong gumalaw siya kaya bago pa siya tuluyang magising at makita ako, umalis na ako doon. 

Dito na lang ako sa room tumambay. 

"Ella.. Mahal Kita" Pa-ulit ulit sa isip ko yung sinabi niya kanina. 

"Aish!" Ginulo ko yung buhok ko. Hanggang sa nagsi datingan na yung mga kaklase ko. Nagulat pa nga sila kasi ang aga ko daw. 

Tumabi saakin si Apple dito sa kanan. 

"Namumutla ka, Ella!" Hinawakan niya ako sa noo. "Wala ka namang sakit pero bakit namumutla?" 

Nag taka ako sa sinabi niya.

"Wala 'to" Umiling ako sa kanya. Parang hindi pa rin siya kumbinsido. "Don't worry okay lang ako"

Tumango siya. Napatingin ako sa upuan ni Andrei na nasa kaliwa ko. 

"Ella.. Mahal Kita" Napapikit ako nang sumagi nanaman sa isip ko yun. 

Ibinaling ko na lamang sa iba yung atensyon ko. Hanggang sa dumating na siya at umupo dito sa tabi ko. 

Spell Awkward? E-L-L-A at A-N-D-R-E-I

Wala kaming pansinan hanggang sa mag lunch break na. Hindi rin ako sumabay sa kanilang kumain sa cafeteria. Pumunta na lang ako sa music room at doon tumambay. 

Buong Lunch break doon ko binuhos sa pag tambay sa music room. Nang mag bell tsaka lang ako umalis doon. Pumunta na muna ako sa locker ko para kunin ang librong gagamitin ko para sa next subject nang makasalubong ko yung anim. 

"Ella!" Masiglang tawag nung kambal. Tumakbo sila saakin. Ngumiti ako sa kanila. 

"Teka bakit pa rang namumutla ka?" Tanong saakin ni Eli. 

"Huh? Wala 'to" Nag-silapit na silang lahat saakin. 

"Namumutla ka nga, Ella" 

"Pumunta ka muna sa clinic" Suggest ni Aaron. 

"Hindi na kaya ko naman. Wala ng----" Napahawak ako sa sintido ko dahil nahilo ako bigla. Buti na lang nasa gilid ko si Ethan. 

"Okay ka lang?" Tumingin ako sa kanila. Parang umiikot paningin ko. 

"Ella!" Rinig kong tawag ni andrei at doon na nag dilim ang paningin ko. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hindi siya kumain kaninang umaga at nag madaling umalis sabi ni Tita Ana kanina nung sinundo namin siya" 

"Tapos kaninang lunch din hindi rin siya kumain"

"Bibili lang ako nang makakain niyan" 

"Sama ako" 

"Ako rin" May narinig akong sumarang pinto. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ang dalawa sa mga kaibigan ko. Si Ethan at Aaron. 

"Ella!" Tawag nila saakin. 

"Kamusta ka na?" Tanong ni Ethan. 

"Okay na yung pakiramdam ko" 

"Hindi ka ba nagugutom?" Umiling ako. Pero may narinig kaming tumunog. Napatingin sila sa tiyan ko at sabay sabay tumawa. Tinignan ko sila nang masama at nag sitigil naman. 

"N-nasaan si A-andrei?" Nahihiya kong tanong. 

"Lumabas lang saglit babalik rin daw siya" Paliwanag ni Aaron. Bumukas bigla yung pintuan ng clinic at pumasok si Aiden. 

"Noona!" Hinihingal niyang sabi tapos lumapit siya saakin.

"Aiden!" Tawag ko din sa kanya. 

"Noona! okay ka lang?!" Iniscan niya yung buong katawan 'ko. Natawa ako sa ginagawa niya. 

"Aiden, okay lang ako" Ngumiti ako sa kanya. 

"Noona nag alala ako sa'yo!" Napansin kong paiyak na siya. 

"Don't worry okay na ako" 

"Maka-react ka naman parang Mag kamag-anak kayo ni Ella" Bulong ni Ethan pero narinig nitong kasama 'ko. 

"She's my sister!" Nagulat kami sa sinabi niya. "I-I mean.. Parang ko na siyang kapatid" 

"Ahh" Hindi nag tagal dumating yung kambal kasama si Jonathan na may dalang pagkain. Natakam ako kasi nagugutom na ako. 

Kumain na muna ako. 

Jonathan's POV

Kasama ko ngayon si Andrei. Kanina pa nakauwi si Ella sa kanila at ngayon nandito kami sa bar. Nag papakalasing si Andrei, hindi ko alam kung bakit. 

"Tama na nga yan" Kinuha ko yung boteng hawak niya pero inilayo niya ito saakin at itinungga. 

"Ikaw ba? Nag selos ka na ba?" Tinignan ko siya nang nag tataka. Siguro may na pupusuan 'to. 

"Oo, nag selos na ako. Bakit ba?" Tanong ko sa kanya kasi malay mo mag open up ng nararamdaman 'to saakin edi malalaman ko kung sino yung malas na babae. 

"Masama bang nag selos lang ako dahil nakita 'ko silang magkayakap kahapon?" Sabi niya saakin. Teka si Egs ba tinutukoy nito? 

"Kilala ko ba 'to?" Tumango siya saakin. 

"Kilalang kilala. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ako nag kagusto! Kaibigan natin siya!" Sabi ko sainyo mag oopen up ng topic yan eh. Ngayon alam ko na kung sino ang napupusuan niya. 

"Inlababo si Leader!" Sigaw ko. 

"Sira manahimik ka diyan!" Binatukan niya ako. Nag tawanan kaming dalawa. 

"Nag papakalasing ang leader ng Dark Lion Gang?" Napatingin kami sa lalaking na katayo sa harap namin. 

(A/N: Ang panget ng name isip nga kayo ng iba pang gang name) 

"Wala kami sa mood makipag bugbugan, Jacob" Sabi ko sa kanila. Yung leader namin? Ayun patuloy lang sa pag-inom. 

"Nasaan pala ang kaibigan niyong babae? Tila'y hindi niyo siya kasama?" Patay kang bata ka. Bakit mo iyong binanggit sa harap ng leader namin.

"Bakit?" Tanong nitong katabi. Nag smirk si Jacob. Ang panget niya swear. Mas gwapo pa ako sa kaniya eh. 

"Palaban siya! I Like her... In bed" Nag tawanan yung mga kasama niya. Nag-init bigla yung buo kong katawan dahil sa sinabi niya. Pero wala nang mas iinit ang katawan dito sa katabi ko. 

"What.did.you.say?" Nag-iinit na talaga itong katabi 'ko. 

"Gusto mong ulitin 'ko? I Like her in b--" Bago niya matapos yung sasabihin sinuntok na siya ni Leader. 

"You dumbass!" Sigaw pa ni leader. "Wag na wag mo siyang gagalawin! Kapag nalaman ko lang na dumikit ang kahit isa mong daliri sa kaniya... Di ko alam kung anong magagawa ko sa buong gang mo!" 

Bago kami lumabas may pahabol pa si Jacob. 

"Yang pag-ibig na yan? Yan ang mag dadala sa'yo sa kapahamakan!" Sigaw niya. nag smirk lang ang leader namin. 

"Okay na ako ang mapahamak. 'Wag lang yung taong mahal ko!" Nag lakad na siya palabas. Ako naman humarap sa kanila. Aamba pa nang suntok yung kasamahan nila, edi umamba din ako nang suntok kaso biglang may humila saakin palabas. 

"Tara na!" Rinig kong boses ni leader.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Oh alam niyo na? Kayo na unang nakakaalam na may Gang yung anim.
Wag kayong maingay kay Ella.

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon