Chapter 30

1.7K 43 0
                                    

Ella's POV

"A-ako?" Tanong ko sa kaniya. Tumango siya at ibinaba na ang tawag. Lumapit siya saakin. 

"Oo ikaw... Ikaw ang taong mahal ko" Nakita ko muli sa kaniyang mga mata ang lungkot. Lungkot na kanina ko rin nakita. 

"Pero bakit? I mean bakit ako?" Malungkot kong tanong sa kaniya. Yumuko ako dahil nag babadya na ang aking mga luha sa pag-tulo. 

Hinawakan niya ang baba ko at itinaas niya ang aking ulo dahilan para makita ko muli ang kaniyang mga malulungkot na mata. 

"Sinabi ko na sa'yo kanina.. Ayoko nang ulitin pa" Tumulo na nang tuluyan ang aking mga luha. 

Ako yung babaeng mahal niya.. 

Ako yung Maswerte na babae..

Ako yung tinutukoy niya.. 

Ako yung makakasakit sa kaniya.. 

"Sorry Ethan.. Sorry.." Pag hingi ko ng tawad sa kaniya. Hinawakan niya ako sa aking pisngi at pinunasan ang mga luhang tumulo saaking mga mata. 

"Ssshhhh.. Bakit ka humihingi ng tawad?" Tanong niya saakin. Yumuko ako bago sumagot. 

"Sorry Ethan.. H-hindi ko maibabalik ang pag mamahal mo.. Patawarin mo ako" Nakayukong sabi ko sa kaniya. 

"Hindi naman ako humihiling na mahalin mo rin ako.. Tanggap kong kaibigan lang ang tingin mo saakin kasi alam kong may nararamdaman ka na kay Andrei" Tumingala ako at tinignan ko siya sa mata. Ngumiti siya saakin pero alam kong pilit lamang iyon. 

Tumulo lalo ang aking mga luha sa mga sinabi niya. 

"S-sorry talaga.. Sorry Ethan.. Makakahanap ka rin ng babaeng mamahalin mo at hindi ako iyon.. Sorry talaga" Naramdaman kong ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig. Niyakap ko rin siya dahil ito na lang ang magagawa ko dahil hindi ko maibibigay ang pag mamahal niya. 

"Okay lang, Ella. Basta walang iwasan ahh?" Dahan-dahan akong tumango at naramdaman kong hinigpitan niya ang pag yakap saakin. 

Sorry Ethan. May mahal na akong iba.. Kung umamin ka lang sana nang maaga saakin. 

~~~~.~~~~

Maaga akong nagising dahil akala ko nasa ilabas ng aming bahay si Andrei na nakatayo habang nag hihintay pero nag kamali ako dahil wala akong nakitang taong nakatayo doon kahit man lang anino. 

"Wala siya noh? tara sabay na tayo" Nakasimangot akong sumunod sa pinsan ko. 

Pag karating namin sa school. Nag paalam na agad ako sa kaniya na pupunta na ako sa classroom ko. Habang nag lalakad ako papuntang classroom napansin kong parang nag uusap usap sila at patungo sa Gymnasium? 

Anong gagawin nila doon? 

Pag karating ko ng room napakunot ako ng noo dahil walag tao sa loob at may nakasulat pa sa board na....

'GO TO GYMNASIUM NOW!' 

Nagtaka naman ako kung bakit kailangan naming pumunta sa Gym. Bago ako lumabas may nakita akong rose sa may upuan ko. Hindi ko sana ito kukunin kaso may nabasa akong pangalan kong nakalagay dito. 

"Anong pakana ito?" Tanong ko sa aking sarili. Kinuha ko ito at lumabas na ng classroom. 

Pababa na ako ng may makasalubong akong lalaki.. Sa tingin ko 4th year high school siya. 

"Ate" Tawag niya sakin. Ngumiti naman ako sa kaniya. Nagulat ako ng may iabot siya saaking Rose sabay alis. Napakunot ako ng noo. Ano bang nangyayari? 

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon