Andrei's POV
Parang kailan lang ang saya namin.Parang kailan lang masaya kaming magkasama.
Parang kailan lang hawak ko pa ang kaniyang mga kamay.
Parang kailan lang..Pero ngayon nandito na siya sa maganda niyang puntod, natatabunan ng mga lupa ang kabaong niya.
Hay.. I miss her so much. I miss her every minute, every day. I miss everything about her. Tumingin ako sa langit at parang tangang kinausap ng hangin.
"Hey.. How are you? I miss you" Nilapag ko ang bulaklak na binili ko para sa kaniya. Hinawakan ko ang lapida niya. Maayos pa rin ang pag kakaukit sa pangalan niya.
'Irene Collins'
Nung bata pa ako sa kaniya lagi ako humahawak kasi alam kong hindi ako papabayaan ni Lola.
"Grandma, alis na po ako. Napadaan lang po ako dito" Tumayo na ako at nag simula ng maglakad pa punta sa kotse ko.
Nang mag-ring ang cellphone ko. Ni loud speaker ko muna ito.
"Hello?"
"Andrei, anak?" Si Tita Liza.
"Tita bakit po?"
"Anak wala kasing mag babantay kay Ella. Nasa meeting pa ako, may emergency daw si manang"
"Papunta na po ako, Tita Don't worry. Sige po nag drive po kasi ako"
"Thank you, Andrei dahil ikaw ang mahal ng anak ko. Wag ka sanang mag sasawang mahalin siya. Boto ako sayo para sa kaniya, kaya sana sa tabi ka lang niya hanggang sa gumising siya pero wag mong papabayaan ang kalusugan mo. Mag iingat ka sa pag mamaneho." Napangiti ako sa sinabi ni Tita saakin.
"Opo. Hindi po ako aalis sa tabi ni Ella. Thank you po Tita"
Dalawang buwan na ang lumipas nang mangyari ang aksidente. Dalawang buwan na ring comatose si Ella. Ang sama sa pakiramdam na makitang nakahiga at comatose ang babaeng mahal ko dahil sa katangahan ko. Akala nga namin mawawala na talaga ng tuluyan si Ella saamin buti na lang lumaban pa siya.
Si Apple? Ayun hindi na siya nag pakita saamin simula yung nangyari iyon. Galit na galit saakin ang mga kaibigan namin dahil sa nangyari kay Ella. Hindi ko naman sila masisisi kung magalit sila saakin kasalanan ko naman talaga tsaka nung lintek na Apple na iyon. Kung hindi niya lang sana ako pinainom at nilagyan ng Droga ang alak ko hindi ko sana naisip na siya si Ella.
Pag dating ko sa hospital pumunta naman agad ako sa room ni Ella. Nakita ko siyang mahimbing pa ring natutulog doon.
"Andrei iwan ko na sayo si Ella ah. Buti na lang nandiyan ka para sa alaga ko. Wag ka sanang mag sasawang mahalin siya" Sabi ni Manang. Ngumiti ako sa kaniya kahit pilit lang iyon.
"Hindi ko siya iiwan manang dito lang po ako sa tabi niya" Tumango siya at tinapik niya na ako sa Balikat at umalis.
Hinawakan ko ang kamay ni Ella. Miss na miss ko na siya. Kailan ko kaya ulit makikita ang masasayang ngiti niya? Ang angelic talaga ng kaniyang mukha.
"Ella.. Miss na miss na kita. Gumising ka na please.. Hindi na kita sasaktan. Sayo lang ako at ikaw naman ay akin. Ella please gumising ka na.. Nandito lang ako laging maghihintay sayo. Miss ko na yung kakulitan mo, yung ngiti mo, yung tawa mo, at yung pagsabi mo ng Iloveyou saakin. Ella please.." Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Araw-araw na lang ako umiiyak pagdating kay Ella. Yumuko ako habang hawak hawak pa rin ang kaniyang kamay. Narinig kong bumukas ang pintuan at niluwa nito ang mga kaibigan namin ni Ella.
"Andrei? Akala namin may dinaanan ka?" Tanong ni Evan habang nilalagay ang prutas na binili nila para kay Ella.
"Dumaan ako kay Grandma kaya hindi ako nakasabay sainyo" Paliwanag ko sa kanila. Okay na kaming anim, nag sorry na ako sa kanila. Binatukan nga nila ako eh. Edi ginantihan ko rin sila, leader kaya nila ako.
"Kamusta na siya?" Nakapalibot na kami ngayon sa kama niya.
"Ganun pa rin, Coma.." Mahina kong sabi sa kanila.
"Miss ko na yung kaibigan natin" Malungkot na sabi ni Eli. "Miss ko na yung kakulitan niya"
"Sana gumising na siya.. Sana bumalik na si Ella" Saad naman ni Jonathan. Sana nga..
Masaya kaming nag-uusap sa room ni Ella.
"Natatandaan niyo ba yung nag selos si Ella kay Abi? Laptrip yun lalo na hindi mapinta yung mukha niya Hahaha" Kumunot ang noo ko. Hindi ko yun alam ahh.
"Teka teka teka kailan yan?" Tanong ni Ethan.
"Yung nag walk out si Leader dahil hindi siya chineer ni Egs. Nag mall kami nun tapos doon namin nalaman na pinsan niya lang si Karlo. Laptrip nga kayong dalawa eh."
Nagtawanan sila ng nagtawanan dahil sa mga pangyayari na kasama namin si Ella. Biglang gumalaw si Ella pero nakapikit pa rin siya nang marinig naming tumunog ang monitor niya na naka konek sa buhay. Dumiretso na ito at hindi na ito pa-zigzag.
"ELLA!"
"Evan tumawag ka ng doctor!" Sigaw ko. F*ck, wag niyo munang kukunin si Ella.
"Ella!" Naiiyak kong tawag sa pangalan niya. Ang hina ko talaga pag dating sa kaniya.
Dumating din naman ang doctor. Pinalabas muna kaming lahat. Tinawagan ko na rin si Tita Liza at si Tita Ana kung anong nangyayari kay Ella. Papunta na rin daw sila.
"F*ck.." Rinig kong bulong ni Ethan sa tabi ko.
"Is she okay?" Nakayukong tanong ni Aaron.
"She will be o-okay. Malakas siya, kaya niyang malagpasan yan" Sabi ko sa kanila. Kahit ako kinakabahan din. Kaibigan namin yun tapos babaeng mahal ko pa. Dumating na rin si Tita Liza, umiiyak siya ng dumating siya sa hospital. Niyakap ko naman agad siya.
"Andrei, She will be okay, right?" Tumango ako kay Tita.
"Yes tita, she will be okay" Ngumiti ako kahit pilit lang iyon. Dumating na rin si Tita Ana kasama si Karlo.
Lumabas din ang doctor. Nag sitayuan kaming lahat na nasa labas.
"Doc. Kamusta na po yung anak ko" Sabi ni Tita Liza.
"She's okay now but hindi niya kinakaya ang nangyayari sa kaniya. Kanina muntik ng sumuko ang katawan niya kailangan niya na talagang magising para hindi na maulit ang nangyari. Maiwan ko na muna kayo" Muntik ng matumba si Tita Liza buti na lang nahawakan ko siya.
"M-mahirap ko mang gawin ito pero kailangan.." Humarap saamin si Tita Liza at parang ayaw ko ang expression ng mukha niya. "Nakapag desisyon na ako. Dadalhin namin si Ella sa Korea"
Parang tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi ng mama ni Ella. Ilalayo niya saakin si Ella? Hindi ko kaya.
"Tita.." Tawag ko sa mama ni Ella.
"Pasensya na Andrei. Kailangan ko itong gawin para sa anak ko"
Kinagabihan nag stay lang ako sa tabi niya. Bukas malalayo na siya saakin. Hindi ko na makikita ang mukha niya.
"Ella.. Mag-iingat ka sa Korea.. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.. sana wag mo kong makalimutan pag gising mo.. Ayokong mag kahiwalay na tayo pero para rin ito sa ikabubuti mo.." Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinalikan ito. Tumayo ako at hinalikan ko. din siya sa noo.
"Mahal na mahal kita, Ella,Babe,baby"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Maraming maraming salamat sa mga sumubaybay sa istorya ni Ella at ng kaniyang mga kaibigan.
Sana wag kayong mag sawa na basahin ang Lovestory ng AndrElla sa Book2.
Ang title nito ay OOTB2: A New Beggining.
BINABASA MO ANG
ONE Of The BOYS
Teen FictionMasayang magkaroon ng boy friends as in MGA lalaking kaibigan. Nandiyan sila palagi sa tabi mo. Nandiyan sila kapag may problema ka, lalo na kapag kailangan mo ng pera HAHAHA Charot lang. Nandiyan sila na handang pasayahin ka kahit wala ka namang...