Chapter 37

1.4K 40 0
                                    

Ella's POV

Dalawang Linggo, dalawang linggo na akong hindi nag papakita sa kanila. Dalawang linggo na akong hindi pumapasok. Dalawang linggo na akong hindi lumalabas ng kwarto ko. Dinadalhan na lang nila ako ng pagkain dito sa kwarto ko. Ilang beses na sinubukan nila Mama at ni Aiden kausapin ako pero hindi ako pumayag.

Hanggang ngayon fresh pa rin sa utak ko ang mga sinabi saakin ni Jacob at ng Engagement party Invitation na mangyayari na mamayang gabi. Ang sakit isiping ikakasal sa ibang babae yung taong mahal ko.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller Id nito at nabasa ang pangalan ni Andrei pero for the nth time hindi ko ito sinagot. Araw-araw tumatawag ang mga kaibigan ko saakin pero niisa wala akong sinagot kahit pinsan ko pa.

Dalawang linggo na akong iyak ng iyak dito sa kwarto ko. Ayoko na nga eh kasi sawang sawa na akong umiyak. Wala na ngang lumalabas na tubig sa mata ko baka mamaya magulat na lang ako dugo na pala ang lumalabas dito.

Nagising ako ng mapansing gabi na. Tinignan ko ang orasan ko sa side table nitong kama ko.

Alas otso na pala at hindi pa ako kumakain. Di bale na wala naman akong gana. Ganito lang sa dalawang linggo. Kakain, hihiga tapos makakatulog na lang nang hindi ko namamalayan. Minsan pag gising ko matutulala na lang ako sa isang gilid. Sobrang nasaktan ako sa nangyari kaya ganito ako makareact.

May narinig akong kumatok sa pinto ng kwarto ko. Humiga naman ulit ako at nag kumot ng katawan habang nakatalikod sa may pinto.

"Ma'am may bisita ka po" Narinig kong sabi ni Manang. Araw-araw akong kinakatok ni Manang na may bisita daw ako pero pinapaalis ko din ito. Hindi pa ako ready na humarap sa kanila.

"Manang dating gawi paa--" Narinig ko na lang ang pag sara ng pinto at alam kong nasa loob na nito ang taong bisita ko. Hindi ako kumibo dahil pinapakiramdaman ko na muna kung sino ang bisita ko. Ayokong humarap, ayokong masaktan kapag mukha niya ang nakita ko.

"B-babe" Napakagat ako sa aking ibabang labi ng marinig ko ang boses niya sa likod ko. Nag babadya nanaman tumulo ang aking mga luha.

"Babe kausapin mo naman ako oh" Hindi pa rin ako kumikibo.

"Babe I-I miss y-you" Pumiyok na ang boses niya. Ito ang iniiwasan ko, ang lumambot na lang ang puso ko sa kaniya. Naramdaman ko ang yakap niya mula sa likod ko.

"Babe kausapin mo ako" Hindi ko maipag kakaila na namiss ko rin siya. Gusto ko siyang yakapin pero ayaw ng katawan ko. Gusto ko siyang halikan pero ayaw ng katawan ko. Taliwas ang isip ko sa gusto ng puso ko.

Kahit hirap akong sabihin ito sa kaniya pero kailangan.

"A-andrei.. Umalis ka muna.." Sabi ko sa kaniya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap niya saakin. Yung luhang kanina ko pa pinipigilan, tuluyan ng lumabas.

"A-andrei, please.." Pakiusap ko sa kaniya.

"Ayoko.." Umupo ako pero nakatalikod pa rin sa kaniya. Ayoko mang umalis sa pwesto namin kanina pero kailangan.

"Andrei ano ba?! Ano bang mahirap intindihan sa sinabi ko?!" Medyo pasigaw kong sabi sa kaniya. Umayos ako ng upo at hinarap siya kahit hindi ko kaya.

"Ayoko Ella! Ayokong iwan k-ka" Nakita kong may tumulong luha mula sa mata niya.

"Pero iniwan mo na ako Andrei!" Sigaw ko sa kaniya. "Nagsinungaling kayo saakin!"

"S-sorry Ella" Hinawakan niya yung pisngi ko pero tinabig ko lang ito.

"Umalis ka na! B-bumalik ka na sa E-engagement party mo.." Pumiyok na naman ako ng sabihin iyon sa kaniya. "Umalis ka na Andrei!"

Ipinag dikit niya ang noo naming dalawa.

"Ngayon lang ito dahil ayaw mo akong makita pero babalik ako dito bukas" Umalis na siya sa harap ko. Pag kasara ng pinto, humagulgol na ako dito sa kama ko. Ang sakit.. Ang sakit na lumabas na lang siya ng kwarto ko.. Ang tanga mo naman kasi Ella pinaalis mo siya at sinigawan mo pa malamang aalis talaga siya.

"Anak.." Tumingin ako sa may pinto at nakita si mama na nakatayo doon.

"M-mama" Tawag ko sa kaniya. Lumapit siya saakin at yinakap ako. Sa balikat ni mama ako umiyak.

"M-mama b-bakit ganun? A-ang sakit.." Tinatap lang ni mama yung ulo ko habang umiiyak ako sa mga bisig niya.

"Sige lang, anak. Ibuhos mo lahat ng hinanakit mo.. Nandito lang si Mama" Yumakap na rin ako sa kaniya. Iyak lang ako ng iyak nang di ko namalayang nakatulog na pala ako sa mga pisig niya.

~~.~~

Lumipas ang tatlong araw, lumalabas na ako ng kwarto ko. Simula nung kinomfort ako ni mama lumabas na ako kiinabukasan. Kaso ang inaasahan kong magbabalik ay hindi na bumalik. Naalala ko ang sinabi ni mama pag gising ko kinabukasan ng pag uusap namin ni Andrei.

"Siguro naman may dahilan siya. Pag paliwanagin mo siya, kapag narinig mo na yung side niya. Doon ka na mag desisyon"

Pinag-isipan ko talaga ang mga sinabi ni Mama saakin kaya ito ako ngayon pag papaliwanagin ko na si Andrei pero wala naman siya.

"Hi ate Ella" Bati ni Bea saakin ng magka sabay kami sa paglabas ng kwarto niya at ako sa kwarto ko.

"Hi little sis tara sabay na tayo" Tumango siya. Mag lalakad na sana kami kaso narinig namin na tinawag kami ni Aiden.

"Bea! Ate Ella! Ano kayo lang? Sama ako" Inakbayan niya ako pati rin si Bea. Bali nasa gitna namin siyang dalawa.

"Gala tayo?" Tanong ko sa kanila. Napatingin silang dalawa saakin na parang nag tataka.

"Si ate Ella ba talaga ang nag-aya?" Tanong ni Aiden kay Bea.

"I don't know, kuya. Baki namali lang ata tayo ng dinig" Natawa ako sa reacttion nila.

"Seryoso nga! Gala tayo, my little brother and sister!" Pumunta naman ako sa gitna nila at ako naman ang umakbay. Tumingkayad pa nga ako para maabot itong si Aiden.

"Ate hindi na ako little" Nagtawanan kami ni Bea.

~.~

"Mag-iingat kayo ahh. Ang daya niyo ayaw niyo akong isama" Parang nagtatampong sabi ni Mama. Ayaw kasi siyang isama nung dalawa kasi daw bonding naming tatlo.

"Mom its our first bonding with ate!" Saad ni Bea.

"Okay fine. Aiden drive safely okay?"

"Yes mom" Bumaling saakin si Mama.

"Ingatan mo mga kapatid mo" Tumango ako kay mama. Humalik ako sa pisngi niya at pumunta na kaming tatlo sa Kotse. Nang makarating kami sa park dumiretso agad si Bea sa may playground.

Nang mapagod siya pumunta siya saamin.

"Ate I want ice cream" Nag katinginan kami ni Aiden at pabilisang pumunta sa may ice cream stall. Naiwan nga namin si Bea kaya binalikan ko pa natalo tuloy ako. Natatawa kaming bumalik sa pwesto namin nang makabili kami ng ice cream.

"Ate sa susunod sa mall naman tayo pumunta ahh" Tumango ako sa kaniya habang dinidilaan ang chocolate Ice cream ko. Pag katapos namin kumain, bumalik na ulit si Bea sa playground habang si Aiden naman nasa kabilang bench. Hindi niya napapansin may mga umaaligid na sa kaniyang mga babae.

"Aiden!" Tawag ko sa kapatid ko. Pero Hindi niya ata ako narinig dahil may tinitignan siya sa malayo. Tumingin ako doon pero wala namang kakaiba.

"Ella?" Napatingin ako sa tumawag saakin at nakita ang isa sa mga kaibigan ko.

ONE Of The BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon