Boyfriend
Gumising ako ng maramdaman ko na ang sikat ng araw sa aking mukha. Makapal naman ang kurtina ko ah? Oh sadyang mayroong nag-hawi lang 'non!
"Finally, Queen-"
"Mom!" Bumangon agad ako at tumakbo palapit sa kanya. Niyakap niya agad ako habang humahagikgik. Kahit papano naman ay nae excite parin ako sa tuwing umuuwi siya.
"Kelan ka po dumating?" Tanong ko pagka hiwalay ko sa kanya.
"Kagabi lang. Sinilip kita kaso natutulog ka na, I don't want to disturb you anyway.." Malambing na sabi niya.
Ngumiti na lamang ako sa kanya at napag pasyahan na namin na bumaba sa aming sala. I know! Marami nanaman siyang pinahandang pagkain dahil umuwi nanaman siya.
At mamaya sigurado ako na mayroong mga bisitang pupunta dito dahil sa pag-uwi niya. "I buy your favorites." Aniya ng maka-baba na kami.
"Really? Mom!" Tuwa ko. Marahan siyang tumango. "Before that.. Let's eat. I cooked your favorite breakfast." Ika niya.
Ngumiti na lamang ako. Pumasok na kami sa Dining Area at napawi agad ang ngiti sa aking labi. Napa tigil agad ako sa pag-lalakad at matalim na tumitig sa aking Ina.
"What is the meaning of this? Akala ko, ikaw lang?" Tanong ko at lumingon sa lalaking 'yon. "Pero bakit may kasamang iba?" Dagdag ko.
Hinaplos agad ni Mommy ang braso ko. Hindi ako tumingin sakanya pinag-masdan ko lang ang lalaking kumakain ngayon sa dining table namin.
Nawalan agad ako ng gana. 'Yong pagka sabik ko kanina sa aking Ina ay nawala bigla. Nawala lahat.
"Hon.." Pigil sa akin ni Mommy, pero hindi ko 'yon pinansin. Iniwas ko na ang katawan ko sa kanya at tumalikod na.
Hindi ako dito kakain! Ayoko siyang kasabay. Kahit saan ayoko siyang nakikita!
"Jiyeon!" Tawag sa akin ni Mommy pero hindi ko siya nilingon. Tuloy tuloy lang ako sa pag-panik muli at sinara ko ng malakas ang pinto ng kwarto ko.
Fck!
Nag-tungo na agad ako sa banyo. Upang maligo at pagkatapos nag-make up at nag-bihis narin ako. Pagkatapos ng isang oras hinablot ko na ang bag ko at dumiretso na ako palabas.
Nanunuot ang tunog ng takong ko sa hagdanan namin. Tuloy tuloy lang ako sa pag-alis kahit tinatawag ako ni Mommy.
Ano ba? Kahit anong pilit niya hindi ko matatanggap ang lalaking 'yon!
"Open the dmn fckng gate!" Sigaw ko sa hardenero doon. Taranta siyang tumakbo at binubuksan na ang gate.
Lumapit na ako sa aking sasakyan at pina-tunog na 'yon. Nakita ko si Mommy na lumalabas ngayon. Nakikita ko siya dahil sa aking side mirror ng sasakyan ko.
Wala akong oras para makipag talo sa kanya. Ayoko. Ayoko muna dito sa bahay hangga't nandyaan ang lalaking 'yon.
Maaga ako para sa klase ko ngayon. Pumasok nga ako ng room ay ako palang. Wala pa ang iba kong kaklase at mga kaibigan ko. Probably mga natutulog pa ang mga 'yon.
Naisip ko siya. Should I text him or call him? Wala naman sa rules namin na bawal siyang itext or tawagan diba?
Mag-titipa na dapat ako ng text sa kanya pero natigilan na agad ako ng mag text siya.
Tao:
Maaga kang umalis? Your mom told me.
Bahagya akong kinabahan, dahil baka tinanong ni Mommy kung sino siya sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."