Happy Birthday
Isang linggo matapos ang aming pag-uusap na 'yon. Hinatid niya lamang ako sa bahay 'non at pag-katapos ay umalis narin siya agad na walang usapan. Probably He's mad! Well, I am too. Gusto ko lang naman talagang mag-sorry sa kanya dahil sa sinabi kong gusto ko ng umalis sa deal naming 'to.
Kaso iba naman 'yong naisip niya kung kaya't wala akong magagawa doon. Ugh!
Tinignan ko ang test paper ko kung mayroon ng sagot at lahat naman ay mayroong sagot na. Nag-review naman ako at alam kong tama lahat ng sinagot ko. This is our finals na, kung kaya't medyo busy na.
Tumayo na ako at inayos ang test paper ko at lumapit na sa prof namin saka ako nag-pass ng test paper. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na.
Hindi ko na babalakin pang hintayin ang mga kaibigan ko dahil nagko-kopyahan parin sila. Dahil ako lang ang nalayo ng upuan sa kanila kung kaya't mas ako ang kailangan mag-review. Unang una sa pangongopya ay si Chi na kasunod na roon ay si Eun Jung ugh!
Tinungo ko muna ang coffee shop dito sa school, Ayoko sa Foodcourt bukod sa madami ng tao ay mainit pa. Nakarating naman agad ako at tinulak ko agad ang fiber glass na pinto.
Iba't ibang course ang nandidito. Mapa Highschool 'man o Elementary na mayroong kanya kanyang gadgets na ginagamit.
Umupo ako sa bakanteng upuan doon at nilapag ang bag ko sa lamesa. Nilapagan agad ako ng cold water at pati narin ang menu.
Nag-connect muna ako sa wifi bago ko tinignan ang menu.
Kasalukuyan akong nag-hahanap ng pwedi kong kainin ng mag pop ang cellphone ko which is mayroong notification sa facebook or twitter or instagram.
Nag pop out na birthday niya ngayon at natigilan ako dahil doon! Hindi ko alam na birthday niya ngayon, Dahil hindi naman ako mahilig mag open ng social media accounts ko.
Tinignan ko agad ang profile niya at madami ng bumabati sakanya. Kabilang na doon ang mga kaibigan, teammates at iba pa. Siyempre, yung mga babaeng patay na patay rin sakanya at 'yong mga nagpapa picture sakanya na mga mukhang jejemon naman!
Natigilan ako ng makita ko ang profile picture niya. Ito 'yong semi finals nila, Ito 'yong part na nanalo na sila at kitang kita ang ngiti niya habang yakap yakap ako. Hindi kita ang mukha ko dahil naka subsob ako sakanya 'non.
Napa lunok ako dahil sa aking nakita. Pero ang mas pinag-tuonan ko ng pansin ay ang pag share ni Kai ng picture mula sa isang page na YOLO sakanyang timeline.
Base sa pagkakaintindi ko sa picture ay mag boyfriend/girlfriend ang nasa picture. Kasama ng lalaki ang babae, samantalang ang lalaki naman ay mayroong kinakalikot sakanyang cellphone which is mayroon siyang katext dahil naka screen shot pa ang convo!
Ugh! Kai is such an asshole and bad influence!
Kai: Do this bro! You only live once! Happy Birthday, San bar tayo?
Sabi niya sa caption niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at binasa ang mga comment ng mga kaibigan niya. Kai is really a womanizer ano ba napapala niya doon?
Kris: Wala ka talagang kwenta Kai, Happy Birthday Huang!
Luhan: Gago mo, Kai! Hahahaha. Happy Birthday Bro!
Eunhyuk: Stay loyal, Tao. Don't mind that fckboy! HBD Bro
Sehun: Kai is right! YOLO, Tao! Daming babaeng mayroong gusto sayo eh! Love u Bro, HBD!
Kai: Mga hayop kayo! Grabe kayo sa akin! HahahahaKung ano ano pa ang naging usapan nila doon, Ini scroll ko na pababa upang mabasa ang reply ni Tao at natigilan ako doon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil sakanyang sinabing 'yon. Maraming nag likes at nag react ng heart.
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."