Chapter [56]

67 1 2
                                    


Ikaw

Nang-hihina akong gumagabay sa pader ng hospital dito, nakaka-ilang hakbang palang ako palayo sa pinto ng kwarto ni Zeberina ay talagang nang-hihina ako.

"Jiyeon, please..." Hinabol niya ako at hinawakan ang aking dalawang kamay. Umiiyak akong nag-angat ng tingin sakanya.

"Nakita mo na kung ano ang nangyayari sa anak ko diba? Nakikita mo na kung ano ang pwedi niyang gawin sa sarili niya, Kaya please. Please... Let Tao be with her." Naiiyak niyang paki-usap.

"Naiintindihan mo naman ako.. diba." Aniya habang tinititigan ako sa aking mga mata.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. "Mayroon din po akong anak.. At ngayon lang po sila nagka-kilala at nagka-sama.." Tumutulong luha kong sabi sakanya.

Humigpit ang hawak niya sa aking mga kamay. "Buntis ang anak ko, at si Tao ang ama 'non.."

Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanilang dalawa, Ang sabi ni Tao ay hindi naman daw buntis si Zeberina. Pero ano ang ibinato niyang pregnancy test sa akin? At itong sinasabi ng Ina ni Zeberina.

"Jiyeon, please.." Mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking kamay. Ibubuka niya pa dapat ang bibig niya pero mayroong nurse na lumabas at kinausap siya.

Nataranta siya lalo at pumasok kaagad sa kwarto ni Zeberina, hindi niya ako tinapunan ng tingin.

Dahan dahan muli akong tumalikod at nag-umpisang mag-lakad. Hinang hina ako sa aking nakita at nalaman. Gumagabay ako sa pader na madadaanan ko, tila ba'y nanghihina ako.

Parang isang bomba na sumabog sa aking tenga ang nasaksihan at mga narinig ko kanina.

Tinungo ko ang comfort room dito sa Hospital. Pumasok agad ako sa cubicle at sumandal ako sa likod 'non, nang-hihina akong umiiyak habang takip takip ng dalawa kong kamay ang aking bibig.

Ang sakit sa puso at dibdib ko dahil sa pag-pipigil ko ng pag-hikbi.

Kung hindi talaga kami para sa isa't isa ni Tao, bakit muli pa kaming pinag-tagpo ng tadhana? Bakit kailangan mayroong mamagitan nanaman sa aming dalawa?

O baka tama nga si Zeberina, binalikan lang ako ni Tao dahil sa responsibilidad. Napabayaan siya ni Tao ng dahil sa aming dalawa ni Sabrina.

Pero masama ba 'yong hinahangad kong mabuo ang aming pamilya? Sobrang laki ba ng hinihiling kong 'yon? At sobra din ipagdamot sa akin?

Mahal ko si Tao, mahal na mahal ko. Pero hindi ko alam kung ilalaban ko ba siya o isusuko ko na. Ramdam ko naman ang pag-mamahal niya sa aming mag-ina niya.

Pero Tao is not a thing, he can decide, he can choose. Kung hindi na kami ang pipiliin niya at si Zeberina at 'yong magiging anak nalang nila? Pipilitin ko 'yong tanggapin.

Isang oras akong namalagi sa loob ng cubicle at lumabas na ako. Nakita ko ang aking sarili na namumula ang ilong at bibig. Mahapdi at mugto narin ang aking mga mata.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako lumabas ng comfort room, mabigat at wala akong ganang nag-lalakad. Patuloy parin sa pag-lalaro 'yon sa isipan ko, ang pag-wawala ni Zeberina, ang pakiusap sa akin ng kanyang Ina.

"Ate.." Napa lingon ako sa nag-salita. Kumunot ang noo ko dahil nandidito nanaman siya.

Kumunot din ang noo nito ng mapansin ang aking mga mata. "Umiyak ka ba? Bakit? May nangyaring bang masama kay Sab?" Lumapit agad siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Ji, tell us. Please." Sabat din ni Luhan

Umiling agad ako. "Ate.. pupunta dito mamaya si Inay, I just want you to know. Hindi ka daw niya matawagan dahil sira ang cellphone niya." Pinisil ang aking puso.

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon